Third Person P. O. V.
"What are you doing here?"
"You already know the answer, brother. I want to step out from my dark world," sagot ng lalaki sa kapatid niya. The darkness seems a home of these two siblings.
Parang ito ang pahinga nila sa lahat ng mga masalimuot na nangyari sa buhay. Ang isa ay nababalot ng konsensya at ang isa naman ay nababalot ng galit.
Hindi maipagkakailang magkapatid sila dahil sa hitsura at pangangatawan. The twins are both authoritative in their own way.
YEARS AGO...
"Do you really want to do that?" tanong ng lalaki sa kapatid niyang naninigarilyo. Wasted. The man is wasted.
"I want her, hindi ako makakapayag na hindi siya magiging akin." Galit ito. Lasing at walang-wala na sa sarili. Ayaw niyang matanggap na ang babaeng mahal niya ay aalis na sa piling niya at pinipili ang lalaking hinuhuthutan niya ng pera.
"I can give her all my damn money!" napasuntok na ito sa mesa dahil sa galit. Gusto na niyang makasuntok sa lalaking iyon. Gusto niyang masuntok iyon kung bakit kailangan pang siya ang piliin.
Dahil ba mas mayaman ito sa kaniya? O baka mas napapaligaya ng lalaking iyon ang babaeng mahal niya sa kama? Gustong-gusto na niyang mailabas ang galit niya sa lalaki.
Nakatingin lang sa kaniya ang kapatid niya. Naiipit na siya sa sitwasyon. Hindi niya alam kung sino ang uunahin niya o kung sino ang papanigan.
Matalik niyang kaibigan ang lalaking kaaway ng kapatid niya pero mahal niya rin ang kapatid niya dahil silang dalawa na lang ang magkasama. Wala na ang mga magulang nila. Matagal ng nawala sa mundo dahil sa isang aksidente.
Nag-iisip ito ng kung anong pwedeng gawin para matigil na ang dalawa sa pagkabaliw sa iisang babae na pera lang ang habol sa kanila. Nabulag ang dalawang lalaki sa kagandahan nito.
Napailing na lang siya ng makita ang kapatid na umiiyak. Iniwan niya ito at umalis sa sala, pinabayaan niyang uminom ng uminom ang kapatid niya dahil hindi niya kayang makita na nagiging tanga ang mga taong malapit sa kaniya dahil lang sa isang pag-ibig.
"Drinks? My treat."
Umangat ang tingin niya sa babaeng matagal ng nagpapansin sa kaniya. The aunt of his best friend. "I can buy my own drinks," sagot niya pero binalewala lang siya ng babae at umupo sa tabi niya.
"I'm relieved my nephew is okay now but I don't really like that girl."
Sanay na siyang bigla na lang nagkukwento ang babae sa kaniya. Pinababayaan niya lang ito. Gusto niya rin namang marinig ang sinasabi nito dahil sa naghahanap siya ng rason para mawala sa landas nila ang babaeng iyon.
'Kung baliw na baliw sa kaniya ang mga taong malapit sa akin ay ako na ang gagawa para mawala ang babaeng iyon,' iyon ang palaging pumapasok sa isipan ng lalaki.
"Hay naku! Wala talagang matinong babae ang nagiging partner ng pamangkin kong 'yun. Sali mo na rin iyong kababata niyong malandi."
Parang nawala ang isip niya at napapangiti na lang dahil sa babaeng nasa tabi niya. Hindi niya pinapahalatang napapangiti siya sa kwento nito.
"Hotel?" matalim na tingin ang binigay niya sa babae. Palagi na lang siya nitong inaaya ng babae. He doesn't like her attitude. He doesn't like her being an open letter. Iyong madaling mabasa at makita ng lahat.
"I'm leaving."
Kapapasok niya lang sa bar at gusto na niyang umalis dahil sa babae. "Pupunta ka bukas sa bahay ni Adrian?" pahabol na tanong babae pero hindi na niya sinagot at diretsong naglakad.
"Bro! Alice is coming with me. Magtatanan na kami!" Masayang balita ng kapatid niya. Kumunot naman ang noo niya rito. Parang kanina lang ay iyak ito ng iyak tapos ngayon halos mapunit naman ang mukha sa laki ng ngiti.
"Mag-iimpake lang ako."
Wala pang ilang minuto ay nakatanggap na siya ng tawag. He's exhausted by these two morons. "Alice is leaving me."
Pinatay na niya ang tawag kahit na nagsasalita pa lang ang kaibigan niya. Hindi alam ng kaibigan niya kung sino ang kalaguyo ng babaeng mahal niya. And he can't say it to his face na ang babaeng mahal niya ay mahal din ng kapatid niya.
Mabilis siyang umalis sa bahay ng kapatid niya at nagtungo sa bahay ni Adrian. Binilisan niya ang takbo ng sasakyan niya para maabutan niya ang babae.
Wearing designer dress and a handbag on her hands. Mabilis siyang lumapit dito. He act like his brother. A fool. That's what he describes his brother.
Nauto naman ang babae sa pagpapanggap niya. He's not planning on taking her to his brother. He's planning on making this woman out of their life. Plano niyang pupunta sila sa isang bukirin na lugar.
Iiwan niya ang babae sa maliit na baryo. Pero mukhang natunogan ng babae ang kilos niya. "You are not Erick. You are Ricky," sabi nito.
Nasa isang mataas na bukirin na sila. They are on their way to Baguio. "You can't stop me!" sigaw ng babae at agad na lumapit sa manubela para itigil ang sasakyan.
They are both fighting. "Stop it! Mamatay tayo!" sigaw ng lalaki habang nakatingin sa dadaanan nila. There is no one on the road. Pero kapag magpapatuloy ang babae sa katangahan niya ay pareho silang mamamatay.
"You can't stop me! Don't interfere with my life."
Pilit niyang inaayos ang takbo ng sasakyan. "Sht!" muntik na silang tumama sa isang sasakyan pero hindi pa rin tumigil ang babae.
"Fvck! Stop being a bvllsht!" sigaw niya sa babae.
Nawala ang pukos niya sa daan ng suntukin siya ng babaeng. Natigil ang sasakyan at mabilis na lumabas ang babae. Hindi niya nasundan ang pangyayari at nakita na lang niya ang babae. Matagal bago naproseso ng utak niya ang pangyayari. The woman was hit by a car.
Nakaawang ang bibig niya habang nakatingin sa babaeng wala ng buhay. Isasakay na sana niya ito at dadalhin sa malapit na hospital.
Pero bago pa siya makaalis ay nakita na niya ang sasakyan na dumaan kanina. Ricky froze when he realized that the car is familiar. Lumabas ang lalaking walang buhay ang mga mata. Nakatingin lang ito sa babae ng walang reaksyon.
Adrian took the blame because he's to blame too. Palaging pumapasok sa isip niya na kasalanan niya rin dahil ayaw niyang umalis ang babae sa kaniya. He was imprisoned for almost two years. As he imprisoned the woman too in him.
Rick explained everything but neglected one thing. He didn't mention his brother.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...