Sunghoon Pov.
"Gising na tanghali na!!!" Rinig kong sigaw malapit sa mukha ko. Punyeta talaga tong si heeseung umagang umaga nangbabadtrip.
"Ano ba pwede ba!? Mamaya pang ala una ng hapon ang pasok ko." Asar kong sagot sa kanya.
"Nagpapasama si jake sayo remember? Kaya bumangon ka na dyan, papunta na daw sya tanga ka." Saka sya lumabas ng kwarto.
"Tanga ka din!" Pangaasar ko sa kanya.
Ano ba naman yan umagang umaga, bakit ba kasi ako pumayag bobo ko din eh. Habang naliligo narinig ko na naman si hyung andyan na daw si jake.
"Uy jake! Saan tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Morning! Sa starbucks sa may vito cruz, may ibibigay lang ako kay riki. Libre na rin kitang lunch don't worry anong oras na rin kasi oh." Natuwa naman ako libre din yon hahahahaha
"Okay sabi mo eh. Ano ba ibibigay mo?" Tumingin naman sya sakin bago sumagot.
"Yung plates nya na naiwan nya, stupid kase hahahaha." Sabi nya naman.
Pagkarating namin sa vito cruz medyo marami ng tao, siguro dahil sa mga studyante ng la salle at mga pumapasok sa trabaho. Habang naglalakad kami may tumawag sakin.
"Park Sunghoon!" Lumingon naman agad ako.
"Ahhh hehehehe una ka na jake sunod ako hahanapin nalang kita." Paglingon ko dalawang babae ang nakita ko.
"Pwede po magpapicture napapanood ka po namin sa UAAP ang galing nyo po." Nakakatuwa naman umagang umaga puri ang matatanggap ko dito hahahahaha
"Oo naman mga madam ako lang to gwapo!" Natawa naman sila sakin.
Pumasok din agad ako sa loob ng starbucks para hanapin si jake. Nakita ko naman sya sa may dulo kasama si riki at dalawang lalaking di ko kakilala.
"Uy hyung!" Si riki. Nginitian ko naman sya.
"Riki! Kamusta ka na, tagal na nung nagkita tayo ah." Pangaasar ko sa kanya. Nahuli ko kasi sya last two days ago, sa may recto, may kasama.
"Ewan ko sayo hyung! Ay eto nga pala mga friends ko si Jungwon hyung at Sunoo hyung." Pagpapakilala nya sakin sa dalawa nyang kaibigan.
"Hi Jungwon Yang!" Cute sya mukha syang pusa, feeling ko bagay sila ni jay, mahilig pa naman yon sa mga cute hahahah.
"Sunghoon Park UST hehehehe" lumingon naman ako sa isa nya pang kasama na nakatutok lang sa ipad nya mukhang busy.
"Hyung! Magpakilala ka bilisan mo." Tumingin naman sya sakin. Ganda ah lalo na yung mata parang sarap icrush neto kaso masungit ata mukhang mayaman pa.
"Sunoo Kim." Tipid na sagot nya.
"Ahhh hi? Sunghoon nga pala. " Tumango lang sya tsaka bumalik sa inaaral nya. Masungit nga pero okay lang maganda naman sya.
After magusap nila riki nagkaayaan kumain ng lunch sa shakeys, buti na lang libre ako ni jake wala sa budget kong gumastos ng mahal para sa pagkain pwede naman kasi kumain sa tusok tusok kaso mukhang di kumakain ng tusok tusok mga kaibigan ni riki lalo na si sunoo.
"Uy jake sabi mo libre mo ko, wala sa budget ko ang mag shakeys ng wala sa oras." Natatawang sabi ko sa kanya. Lumingon naman sakin si sunoo nginitian ko naman sya pero iniwas nya din agad tingin nya.