Bakit ganon yung panaginip ko?
Hawak ng kaibigan ko yung kamay ko.
Pinipilit kong kumalas sa hawak nya pero di ko nagawa. Kaya hinayaan ko nalang.
Kase parang nagugustuhan ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko.
Pakiramdam ko nung moment na yun.. Ang saya ko.
Pero bakit? Bakit ang saya ng pakiramdam ko dahil sa hawak nya.
Dahil ba naramdaman ko na safe ako dahil kasama ko sya?
Mali to.
Dapat Ikaw yung kasama ko... Kahit sa panaginip man lang. Pero hindi e. Maski pala sa panaginip hindi ko magagawang ipilit yung sarili ko sayo.
Bakit ganon? Pati sa panaginip ko umiiwas ka.
Galit ka ba dahil nakita mong magkahawak kami ng kamay ng kaibigan mo na kaibigan ko din?
Nainis ka ba dahil imbis na sayo.. Ibang kamay yung hawak ko?
Ang hirap umisip ng rason kung bakit ka umiiwas..
Nakakatawa na pati sa panaginip ko ganyan ka.
--------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Author's Confession
Teen FictionEverything that is written here are based on my own experience. I won't mention names for my own safety. This is my kind of diary.