CHAPTER 23

13 3 0
                                    

AGAD AKONG TUMAKBO at sinundan si daddy. Nasa ER daw si mommy. Pumasok kami kung saan nilagay si mom.

Maya-maya pa ay dumating na si Doc Dela Cruz.

"Doc bakit po nagkaganito ang asawa ko?" Pormal na tanong no dad.

"Sir. Didiretsuhin ko na kayo. May history ba ang asawa niyo ng kahit anong may kinalaman sa head injury?"

Head injury...... Bakit naman magkaka head injury si mommy?

"Dad?" Tawag ko ng hindi siya sumagot sa tanong ng doctor.

"Bakit doc. Anong kinalaman ng head injury sa pagkahimatay ng asawa ko?"

"Sir. Base po kasi sa results ng test na ginawa namin. She lost her conscious dahil may naalala siyang parte ng nakaraan niya at sa tingin ko po sir yung ikinuwento ko kanina. May kinalaman yon don"

Nangunot ang noo ko. Ano ba kasing ikinuwento ng doctor na to? Tumingin ako kay daddy. Mukhang wala rin siyang ideya.

"Hindi ko maintindihan doc. Sa tingin mo. Saan bang parte ng kwento mo yon? Ang dami kasi ng pinag usapan natin"

"Don't worry sir. Your wife is okay. And I assure you. Once na magising siya. She will remember everything. Particularly the memory na nakalimutan niya. Excuse me sir. Ipapalipat ko na po siya sa private room"

Naiwan kaming nakatanga ni daddy. Wala akong ideya sa pinagsasabi ng doctor. Head injury? Memory loss? Saan naman nakuha ni mommy ang magka head injured.

Nailing ako. Naiisip ko kasi baka pinaglalaruan lang kami ng doctor na to pero alam kong impossible iyon dahil alam kong lahat ng doctor dito sa hospital na ito ay magagaling lalo na si Tito Ellvei pa ang doctor na kausap namin.

"Daddy. Ano po bang nangyayari?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.

Agad akong niyakap ni dad. "I don't know baby. But don't worry. I'll do my way to find things out"

Tango lang ang sinagot ko at tumugon narin sa yakap ni daddy.





I DON'T KNOW kung ano ang gagawin ko. I mean I just can't believe all of this happened. Hindi pa natapos ang iniisip ni Yrah kay Steph. Ito pa yung nangyari sa mommy niya.

I can't imagine how it feels if I am on her shoe. Its very hard looking at her like this but I know my baby is strong that she can surpass all of these.

And to Tita Lianna, I'm confused of what happened to her. Seryoso ba talaga ang doctor na may history ng head injury si Tita?

Well, siguro nga. Hindi pa naman namin alam ang nakaraan nila e. Masyadong maaga pa ang pagkakilala nila mom at sa kanila.

Nailing nalang ako sa mga nagaganap ngayon. I just can't believe this.

"Baby kain kana" anyaya ko kay Yrah.

Magtatanghali na ayaw pa rin niyang kumain. Ni hindi ko namalayan nakatulog ako ka gabi. Siya hindi rin ako sigurado if he slept pero sa mukha niya mukhang hindi nga siya natulog.

"Ayoko hintayin ko lang si mommy magising saka ako kakain" pagmamatigas niya.

Huminga ako ng malalim para kumalma. I understand her. "Baby kailangan mong kumain. Magagalit si Tita kapag nagkakaganyan ka"

Lumingon siya sakin at tumingin muli sa mommy niya.

"Sa tingin mo? Magagalit talaga si mommy?" Makungkot niyang ani.

"You really asked that? Malamang magagalit. At lagot ka kapag nagising si Tita" pag babanta ko sa kanya. "Ayaw pa naman niya na hindi kumakain ang anak niya" dagdag ko pa.

The Man from Different World | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon