One shot

56 3 3
                                    

Gusto kita! 

Isinigaw ko ang mga katagang yan para marinig mo.

Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para sabihin sayo. 

Wala akong pakialam kahit umabot hanggang hallway ang tinig ko.

Ang importante nasabi ko na ang feelings ko para sayo

Pasensya na, may girlfriend na ako.

Sinabi mo yan ng diretso sa mga mata ko.

Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan dahil sa sinabi mo.

Gusto kitang sinagawan na ang manhid mo, Marco.

Pero pinilit kong ngumiti para patunayan ko sayo na okay lang ako.

Alam ko. Pero niloloko ka niya.

Alam kong alam mo na niloloko ka niya.

Tino-time ka nga niya diba?

Akala ko ba matalino ka?

1st honorable mention ka pa naman nung highschool ka diba?

Nanghihinayang nga ako gwapo ka naman kaso tanga ka.

Gusto nga kitang iuntog ng matauhan ka na.

At sabihin sayo na Marco ang tanga mo tae ka.

Para magamit mo naman ang braincells na meron ka.

Sana iwanan mo na siya.

Hindi para ligawan mo ako kundi para matauhan siya.

Para marealize niyang sa lahat ng babae sa mundo, siya pa ang pinili mo.

Masakit man, pero yan ang totoo.

O sige na, hahayaan ko na kayo.

Hindi naman ako kontrabida, na eextra pa sa story nyo.

Sana makahanap ako ng isang katulad mo Marco.

Ay mali pala, dapat mas better pa sayo.

Hanggang dito na lang magmomove-on pa ako.

Gusto kita (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon