------
One second
Two second
Three,four,five,six,
Seven second
Pitong segundo niya rin akong hinalikan.At sa pitong segundong iyon halos tumigil na yong oras ko,yung paligid at tibok ng puso ko.
Ano ang gusto niyang ipahiwatig sa halik niya? Bakit niya ako hinalikan? Friendly kiss? Hmm,pwede na.
Pero hindi, masyadong matagal yong halik niya.
Napahawak nalang ako sa labi ko.Kung ano ano kasing pinaggagawa sa akin ni Lei tapos hindi naman niya ako mabigyan ng maayos na sagot.
At yong I Love you.Mahal ko din naman siya kaya wala nang ibang ibig sabihin non.
"hoy !"
Kunot noong napatingin ako kay Lei.Napahawak ako sa ilong kong pinitik niya.
"Okay ka lang?"
Tiningnan ko lang siya.Kung makapagsalita naman ito parang normal lang.Ako nga dito halos sumakit na yong ulo ko kakaisip kong bakit niya ako hinalikan at siya wala lang.
"Baba na,andito na tayo"
Hindi ko siya pinansin at bumaba lang ako.Si Danica at CM nagseselfie na.Himala at magkasama sina Nikka,Zowin at Ralp.Si Kenzo naman mukhang iritado na kina Danica kasi siya yong taga picture nila haha.
Napatingin ako sa paligid,hay.Ang ganda pala dito,malayong malayo sa manila.Maganda sa Manila pero ibang iba yong ganda dito.Kahit medyo maraming tao hindi magulo.Unlike doon sa Manila kapag maraming tao,expected na magulo na din.No wonder na napasama ang Vigan sa new 7 Wonder Cities of The World.Ang ganda talaga dito.
"Hoy !"
Kanina pa ako hino hoy nito ah ! Naglakad nalang ako papunta kina Zowin na nag gro-groufie sa Dancing Fountain.
"Teka nga Krystel"
Napatigil ako ng hawakan niya ako sa balikat.Inis akong napaharap sa kanya.
"Ano bang problema mo?"Lei
"Eh ikaw anong problema mo?"
"Wag mo ngang ibalik sa akin yong tanong ko.Bakit mo ba ako iniiwasan?"
"Hindi kita iniiwasan"sabay iwas ng tingin ko sa kanya.
"Hindi daw.Look at me Krystel.Kahit hindi mo sabihin alam ko na dahil sa halik ko sayo kanina.Nagustuhan mo ba?( sabay wink) "
"Hoy ang kapal mo ! Tsaka anong iniiwasan?"
"Iniiwasan mo kaya ako.Kinukulit mo ako kanina dahil sa text ko pero nang hinalikan na kita tudo iwas ka nga"
Tumingin na ako ng diretso sa kanya.Curious na talaga ako sa paghalik niya kanina.Gusto ko na talagang malaman yong dahilan niya.Yong I love you niya natural lang sa akin yon kasi mahal ko din siya as a friend .Pero yong halik niya,hindi ko alam kong ano ang dahilan niya.
"Ba -----"
O_O
He already stole my first kiss at ngayon yong second kiss ko naman?Wala ba siyang balak tirhan man lang para kay Zowin hanggang sa 5th kiss ko?
Napalaki lang yong mata ko,hindi na naman ako nakaangal.Ano bang ginawa nito sa akin at parang tiklop ata yong bibig ko pag hinahalikan niya ako?
Mga 8 seconds din ata niya akong halikan.Buset ! Habol na habol pa nga ako sa hininga ko kasi hindi ako huminga noong hinalikan niya ako.Magtatanong pa sana ako pero nagsalita na naman siya.
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...