"B-babe.."
"Ano 'yung hindi na mapipigilan?" Pag-uulit ko habang diretsong nakatingin kay Gilian.
Nagpapalit palit pa ang tingin niya sa 'ming dalawa ni Noah pero hindi naalis ang tingin ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago lumapit sa 'kin.
"It's a personal case..." napabuntong hininga naman ako. "Uhmm what brings you here?" Pag-iiba niya ng usapan at doon niya lang napansin ang dala dala kong cake.
"Oh.. ang arte mo!" Singhal ko pa sa kanya at natatawa naman niyang kinuha 'yung cake.
"Sakto! Hahahaha Mr. Alarcon? Join us.." tawag pa nito kay Noah at doon ko lang siya tiningnan.
Nakatingin rin siya sa 'kin at hindi ko ma-explain kung anong reaksyon ang nasa mukha niya.
Ang mahalaga, naka-puti na naman siya! Psh.
"Kuha lang akong plato.." paalam pa sa 'min ni Gilian. Doon ko lang unti unting naramdaman ang pagka-ilang.
"I-I didn't expect to see you here.." utal utal pang aniya habang nakatingin sa 'kin.
"A-ako rin.." paknangshet! Bakit parang hinihigop ako ng mga tingin niya!??
Naiiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa kisame, baka sakaling may dumaang butiki.
"A-ano pala ginagawa mo rito?" Sabay pa naming tanong sa isa't isa.
"You first.." nakangiti pang sabi niya.
"Ahh kasi.. 'yun.. 'yung doctor na kausap mo, kaibigan ko 'yun. Suyuin ko raw siya kasi hindi ko man lang daw nasabi na.. kahapon 'yung uwi ko" bakit may kakaiba akong na-ffeel sa atmosphere namin!?? Bakit ba ako naiilang? "I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito? A-ano ba 'yung hindi na mapipigilan?" Tanong ko pa ulit.
"Don't mind that.." mahina pa siyang natawa bago seryosong tingnan ako sa mga mata ko "I miss you.." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya!
"Anak nang.." sabay kaming napatingin kay Gilian na may hawak ng kutsilyo sa kaliwang kamay at plato sa kanang kamay niya.
Kitang kita ko ang panginginig ng kamay niya na animo'y gigil na gigil!
"Oh? Ano nangyayare sa 'yo?" Pigil ang tawang tanong ko sa kanya.
"Wala kang pakialam!" Singhal niya sa 'kin.
Bading talaga 'tong hinayupak na 'to!
Natawa lang sa 'min si Noah. Si Gilian naman ay inayos pa ang mga plato sa harap namin at naupo naman kami ni Noah sa kaharap na upuan ng mesa ni Gilian. Si Gilian naman ay doon pumwesto sa swivel chair niya.
"Pasyente ka ba niya?" Maya maya'y tanong ko kay Noah na kinagulat niya pero agad ring naka-recover sabay tawa.
"Am I look like a patient?" Natatawa tanong pa niya at hindi naman ako nakasagot.
Pag baling ko ng tingin sa harap ay tahimik lang na kumain ng cake niya si Gilian habang nag-ttype sa keyboard niya.
"It's about his.. his employee, that's why he's here." Nakangiwi pang sabi ni Gilian habang nakatingin sa computer niya.
"Yeah.." pag-sang ayon naman ni Noah. Parang may nabunot namang tinik sa lalamunan ko at doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Bakit ba nag-aalala ka!? E, ano naman kung si Noah 'yung pasyente nitong kaibigan kong doctor?? Ka-ano ano mo ba 'yan?
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
De TodoEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...