Chapter 10
Nagising na lang ako dahil may isang taong talon nang talon sa kama ko na parang bata kung umasta. Noong una ay hindi ko na lang pinansin iyon dahil may hula naman na ako kung sino 'yon.
Imposibleng si lola ang magtatatalon-talon sa kama ko. Unang-una ay hindi isip-bata si lola para tumalon nang tumalon sa kama ko. Pangalawa ay hindi na kaya ni lola gawin ang mga bagay na kayang gawin ng mga mas bata sa kanya.
At pangatlo. Inis na inis na ako!!!
"Christoff!!!" inis na bulahaw ko sa kasama sa kwarto
"Hala, How did you know?" pagtatanong niya habang tumigil na sa pagtatalon at umupo na lang sa kama ko
" Sino lang bang gago ang gagawa niyan?" pagrereklamo ko sa kanya "Ako?" inosenteng tanong niya habang nakaturo pa sa dibdib niya
"Buti alam mo" I said while smiling at muli akong humiga at nagtalukbong ng kumot
Masarap matulog. Gustong-gusto ko pa matulog. Anong oras na ako nakatulog kagabi sa hindi malamang dahilan. Tapos bubulabugin lang ako ng gagong 'to.
"Ano ba Amelie,tutulugan mo ba ulit ako? Tulog ka na lang nang tulog" rinig kong reklamo niya
"Kung hindi ka naman kasi isa't kalahating bano,alam mong natutulog iistorbohin mo" I'm too sleepy to confront him "Pupunta tayo sa school niyo ngayon" sabi niya
Saka ko lang naalala na ngayon ang first day ng foundation day sa school. Maganda naman ang mangyayari sa araw na ito dahil ang naka schedule lang naman na gagawin ay ang pagkakaroon ng activity ng mga teachers at paglilibot sa nga booths.
Iilang booths lang ang bubuksan ngayong araw. Karamihan ay ang mga booths na may kinalaman lang sa mga pagkain at mga kung anong anik-anik.
Samantalang bukas at sa mga susunod na araw naman ay iiopen ang mga booths na maaaring maging magulo ang daloy dahil pwedeng dagsain tulad na lamang ng jail booth, kissing booth at ang wedding booth na patok na patok sa mga juniors.
"Maaga pa naman" sabi ko sa kanya habang unti-unti ng bumangon
"It's already 6:45 a.m" he said while fixing his watch
"For pete's sake Christoff, It's too early. Around 9:00 a.m pa tayo pupunta doon para tapos na ang opening program, masyadong crowded panigurado don. Mainit" I said habang inaayos ang higaan ko samantalang siya ay pumunta sa study table ko
"Ay ang arte kala mo namang pretty" pagkasabi niya ay nagbalibag na agad ako sa kanya ng unan.
Pumunta lang ata siya ng maaga dito para bwisitin ako.
"Gago" inis na sigaw ko sa kanya at siya naman ay tawa nang tawa
At ang gago ay nag finger heart pa sa akin.
"Labyutu" at tumawa pagkatapos
Pinaalis ko muna siya sa kwarto para mag umpisa ako sa morning routine ko at maayos ko pa ang kwarto ko. May higit dalawang oras pa naman na natitira.
Sobra-sobra ang oras na iyon para kumain,maglinis ng kwarto at mag-ayos ng sarili. Mabuti na lang ay hindi ako inaabot ng oras sa cr. Hindi tulad ng ibang babae na halos doon na sa loob tumira. Aabutin lang ako ng ilang minuto samantalang aabutin naman ako ng mas mahabang panahon sa pagtingin ng aking hitsura sa salamin.
Hindi ako nasisiyahan sa isang tinginan sa salamin. Sinisigurado ko na maayos ang mukha at pananamit ko bago ko layasan ang salamin.
Bago maligo ay inayos ko muna ang kwarto dahil nagulo ko iyon kahapon sa kahahanap ng bag na dadalhin ko sa araw na ito. Pagkatapos ay nagpunta na ako sa cr para maligo at mag-ayos.
BINABASA MO ANG
One Last Song (ON-GOING)
RomanceHow would you explain how you feel if you are puzzled? Amelie Jane Narrio who fell in love in the guy with the cold voice. How could she avoid if as time went on she continues love that guy? How will she get rid of the feeling she has? How will she...