TOS 12

116 33 18
                                    

WARNING!!!! read at your own Risk

Pagkatapos naming kumain ni Raze ay inalalayan niya ako para tumayo atsaka niya ako hinawakan sa kamay at lumabas na kami sa coffee shop.

Buti na nga lang tumila na ang ulan.

"Nabusog ka ba?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papasok sa school, kinuha niya ang bag ko para siya ang magbitbit kung kaya't napangiti nalang ako.

Ang sarap pala sa feeling ng mayroong boyfriend no? May nag-aalaga sayo, may poprotekta sayo.

Siguro kung hindi lang strikto ang mga magulang ko at papayagan nila akong magkaroon ng boyfriend, ipapakilala ko na si Raze sa kanila. kaso hindi eh, sobrang strict ng mga magulang ko, lalo na sa mga ganitong bagay, kaya mas mabuti nalang na itago nalang sa kanila ang relasyon na mayroon kami ni Raze. pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago sa mga magulang ko na mayroon na akong boyfriend.

"Oo naman hahaha actually kumain din ako sa bahay kaya sobrang busog na busog ako" sabi ko.

Tumigil si Raze sa paglalakad atsaka siya humarap sa akin.

"Oo nga pala love, kaanu-ano mo ang may-ari ng SBIS?" Tanong niya na ipinagtakha ko.

May-ari ng SBIS?

Sino naman kaya yun?

"Huh? Sinong may-ari?" Takhang tanong ko.

"Si Sir William Xyceria" sagot ni Raze.

Ako naman ay napaisip kung sino yung William Xyceria?

Sino ba siya? Parang wala naman akong kilalang kamag anak ko na William Xyceria?

"Baka ka apelyido ko lang?" Sabi ko, tumango tango naman si Raze atsaka niya hinawakan ulit ang kamay ko.

Pagkatapos akong ihatid ni Raze sa room ay umupo na ako sa Armchair ko, gulat akong napatingin kay Xylene na masamang masama ang tingin sa akin.

'Hala anyare? Ano nanamang ginawa ko?'

"Ikaw ha" sabi niya habang nakatingin sa akin ng deretcho. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na kayo na ni Raze?" Bakas ang inis sa mukha niya ng itanong niya sa akin yun.

T-teka p-paano niya nalaman?

Hmm siguro naichika na nila Ayu sa kanya about sa nangyari kahapon sa gym. Pero bakit parang galit na galit siya sa akin?

"S-sorry kasi---"

"Alam mo ba kung bakit ayaw ko si Raze para sayo?" Nagulat pa ako sa tanong niya, dahilan para mapayuko ako.

Buti nalang wala pa ang mga classmates namin dahil maaga pa.

"H-hindi" nakayukong sabi ko.

"Dahil gusto ko siya! Gustong gusto ko si Raze dati pa! akala ko kaya kitang suportahan para kay Raze pero hindi pala! hindi ko pala kaya, yung inis na ipinapakita ko kay Raze..." Humikbi muna siya bago niya ipagpatuloy ang sinasabi niya. "Yun ang way ko para iparamdam ko sa kanya na gusto ko siya, kaya nang malaman kong kayo na? Sobrang nainis at nasasaktan ako!" Dagdag niya pa.

Hinawakan ko ang kamay ni Xylene na nakapatong sa Armchair ko para pakalmahin siya.

Kitang kita ko ang mga luhang umaagos sa mga mata niya, kung kaya't kinuha ko ang panyo sa bag ko. Napatitig pa ako sa panyo na yun dahil ito ang pinahiram sa akin ni Rynx, hindi na ako nagdalawang isip pang ibigay ito kay Xylene.

"I'm sorry" yun lang ang tanging nasabi ko, dahil hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry sa kanya, kasi nasasaktan siya dahil ako pinili ni Raze na mahalin kaysa sa kanya.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon