Laitan ng dalawang isip bata
Third person's P.O.V
Masayang nagkukwentuhan ang tatlo sa loob ng cafeteria ng may biglang sumigaw sa buong pangalan ni Chia.
Ang kaninang maingay na estudyante ay biglang nagsitahimikan dahil sa matandang lalaki na galit na galit na pumasok sa hindi mawaring dahilan.
"May nakawala bang biik? Bakit may sumigaw?" Walang pag-alinlangang tanong ni Chia na hindi man lang sinulyapan ang matanda na nasaharap na niya. Nagpipigil naman ng tawa ang lahat dahil sa sinabi niya. Kung hindi lang ito dean dito kanina pa sila humagalpak ng tawa. Si Chia naman ay nagpatuloy lang sa paglamon.
Namumulang lumapit ang dean sa table ni Chia at hinampos ang mesa ng dahilan mapahinto ang dalaga sa paglamon. Nag-angat siya ng tingin sa matanda na nagpupuyos ng galit. Nginitian niya lang ito ng subrang tamis.
'Jusko napakagandang bata naman nito. Totoo ba na siya ang gumawa sa section candy na yon?' Ani niya sa kaniyang isipan. Siya kasi ang nakakita sa nangyari sa buong section candy na nasahallway at kasama ang mga maduduming basura. Yung iba nawalan ng malay dahil sa nadulas sa balat ng saging at nabagok ang ulo kaya agad siyang tumawag ng ibang estudyante para buhatin ang mga walang malay at dinala sa clinic. Ngayon niya lang rin nalaman na ito pala ang pinili na maging temporary teacher sa academy na 'to. Nawala kasi siya ng tatlong araw dahil may impotante siyang pinuntahan kaya ngayon lang rin niya nalaman ang mga kalukuhang ginawa ng dalaga. Nabalik siya sa kaniyang katinuan ng marinig niya ang sinabi ng Chia.
"Hi Mr. Panot bakit niyo po ako tinawag sa maganda kung pangalan?" Nakangiting sambit nito. Ang dean naman ay singpula na ng kamatis dahil sa inis at galit. Naiinis siya dahil kanina pa pala niya pinapunta si Chia sa dean office pero hindi ito sumama sa mga inutusan niya. Hindi daw pinapansin at pinakinggan ang inutusan niya kaya lalo siyang nagalit. Kaya ito siya ngayon nakaharap sa dalaga na nakangiting nakatingin sa kaniya.
"Come with me Ms. Albiars" maoturidad nitong sambit at tinalikuran ang dalaga. Nang napansin niyang hindi ito sumunod ay agad siyang lumingon na may inis sa mukha.
'Bw*sit tatanda ako nito lalo sa babaeng to' Laman ng kaniyang isip. Sino ba kasing hindi maiinis na akala mo ay susunod ito sayo dahil dean na ang kumausap sa kaniya pero nagpatuloy lang pala ito sa paglamon na mukhang wala lang sa kaniya ang galit at inis sa mukha ng dean nila.
"Chia hindi kaba susunod ni Mr. Meller?" Mahinang tanong ni Kathleen kay Chia na walang pakialam sa paligid.
"Wala naman kasi siyang sinabing sumunod ako dahil may pag-uusapan kaming impotante" Bulol-bulol nitong sambit dahil sa pagkain na nasa bibig niya. Napailing-iling nalang si Kathleen sa sinabi ni Chia. Si Mark naman ngiting-ngiti wari proud sa inasta ng bunsong kapatid niya. Yan kasi ang toring niya kay Chia dahil sa pag-iisipbata.
"Ms. Albiars! Did you hear me?!" Sigaw nito dahilan para napaigtad ang ibang estudyanteng nasa loob ng cafeteria. Agad naman nilunok ang magkaing nasabibig ni Chia at dali-daling uminom ng tubig.
"Kuya Mark. Ate Kath mauna na ako sa inyo hihi dahil malapit ng sumabog sa galit ang alagad ni satanas" Nakangiwing sambit nito sa dalawa niyang kasama. Tinawanan lang nila si Chia at sinabihang 'good luck'.
Habang binaybay nila ang daan papuntang DO, panay tanong naman si Chia sa kasama niya kung bakit napaka-init ang ulo nito.
"Ang kulit mong bata ka" Inis nitong sambit. Sinabayan ni Chia ang paglalakad ni Mr. Meller na nakakunot noo parin dahil sa inis.
"Mr. Meller. Sorry na kasi wala naman akong kasalanan eh" Nakasimangot pa nitong pagsumamo, pero kahit sulyap hindi siya tinapunan.
"May anak po ba kayo?"
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...