Chapter 13

60 3 0
                                    

Scared like a baby

Chia's P.O.V

Dahan-dahan akong bumangon habang nakapikit ang mga mata ko.

Ayaw ko pang buksan ang nakapikit kung mata dahil inaantok pa ako.

"Kyaaa hon gusto ko tuloy siya maging maniquine ko" May nakapasok ba sa kwarto ko? Katulong? Hmm—no. Dad? Hindi rin. Si lolo? Eh? Pano naging babae ang boses ng matandang yun?

"Pwede. Pero tao yan hon hindi maniquine"

"Sino kaya ang mga magulang nito? Ang gaganda ng lahi hihihi ang sarap tuloy kurutin ang pisnge" Nanlaking binuksan ko ang nakapikit kung mata dahil sa sinabi ng babae.

"Kyaaaa ang cute niya hon! Bumilog ang mata niya" Tili nito. Kita kung napangiwi ang kasama niyang lalaki na nasa tabi niya.

"Good morning ija!" Masayang bati nito at agad akong niyakap. Niyakap ko siya pabalik at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Bigla kung namiss si mommy. Kung nandito pa sana siya masaya kaya ako? Nah. Masaya naman ako, pero iba parin kapag nandito siya sa tabi ko.

"Hala bakit ka umiyak? Mahigpit ba ang yakap ko? Nasasaktan ka' ba?" Sunod-sunod nitong tanong. Sinusuri pa ako, hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at hinalikan sa noo.

"I'm sorry ija" Bakit ba ang bait nito? Multo kaya to? Bakit siya nakapasok sa kwarto ko?

"Waaaa ateng multo wag kayo sakin manghihingi ng tulong! Sa iba nalang—"

"Hey ano bang pinagsasabi mo?"

"Kyaaaa lolo!! Help! May multo dito!" Taranta akong lumabas ng kwarto habang nagsisigaw.

"What the—pano nag-iba ang daan? Hindi kaya—" Napasigaw ako ng may humawak sa balikat ko.

'Shete may kamay! Wag kang lilingon Chia kung ayaw mong mahimatay'

"Sanda—" Pinutol ko ang sasabihin niya at kumaripas ng takbo habang nagsisigaw. Sino bang hindi matatakot kung kakagising mo may bumungad agad sayong mukha na hindi pamilray? Segurado akong multo talaga yun.

"Kyaaaaa lolo! Dada! Help may multo!" Naiiyak kung tili. Kung saan-saan nalang ako lumiko. Ang dami kasing pasikot-sikot dito huhu. Panigurado hindi ito ang bahay namin—tama! Kinidnap nila ako dahil sa ganda ko kaya nahumaling sila at naisipan nilang gawin akong ulam at pira-pirasuhin umooo! Ayaw kuna—

"Ija bakit ka sumigaw?" Napatili nalang ako ng malakas ng may biglang sumalubong saking matanda na may hawak na wait? Kutselyo?! (∅∆∅;)

"Kyaaaaa lolo!! May multo talaga huhu somebody help me please!" Naiiyak na ako sa takot habang patuloy sa pagtakbo huhuhu.

'Papa God waaa maawa kayo sakin wala namang takotan oh? Promise behave na ako hindi na ako gagawa ng kabalastugan pero pwedeng isa nalang?'

"Hoy sino ka?!" Napahinto ako sa sumigaw, boses lalaki kaya dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko ng nakasuot ito ng all white.

"Multo" Wala sa sarili kung sambit dahil sa kung saan-saan nalang napunta ang isip ko. Nanginginig narin ang mga binti ko.

"F*ck! M-m-multo? T-totoo?" Nauutal nitong sabi na ikinatigil ko. Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa gawi niya at siya naman itong atras ng atras na ikinataka ko. Napahinto lang ako ng makita ko ang matanda kanina na may hawak na kutselyo. Bumalik lahat ang kaba at takot ng nararamdaman ko at kumaripas ng takbo.

'Sino ba talaga sila? Bakit may hawak siyang kutselyo? Papatayin niya ba ako? No!!' Pinahiran ko ang basa kung pisnge ng may makita akong hagdanan agad akong bumaba. Nang pakita ko na ang malaking pintuan sa di kalayuan agad akong nagtungo doon pero may humarang sakin na lalaki na may dalang baril?

She's A Temporary Teacher In Her Fathers SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon