Chapter 6 - Nag-iba

486 15 0
                                    

Ryla


Masakit tanggapin. Mahirap isipin. Mas lalong masakit damdamin. Yan yung nararamdaman ko noong palagi ko siya nakikita. Noong palagi ko siya naiisip. Naging cold siya sa akin that time. Hindi ko alam kung bakit siya lumalayo. Kung bakit hindi siya namamansin. Nawala na yung dati kong bestfriend.


Araw na ng contest namin.  Pero nasa bahay pa ako. Di pa ako nabangon ni kumakain hindi pa rin. Wala akong ganang tumayo ngayon. Susulpot pa ba ako sa contest? Kapag hindi ako pupunta, papagalitan ako. Kapag pupunta ako, sesermonan ako ni Princess.


Sasabihin niya, 'Ano ba naman Ryla. Pampatalo ka lang dito eh. Dapat hindi ka nalang pumunta.' Oh diba, galing ko. Ginaya ko pa boses niya. Mas okay na mapagalitan ni Coach kaysa masermonan ni Princess.


"RYLA!!!" Bigla akong napatayo sa higaan ko. Sino na naman yung bumubulabog sa araw ko?


Pumasok si Princess sa kwarto ko. Bakit siya nandito?


"Princess nandito ka?"


"Ay wala. Wala ako dito. Magsisimula na yung contest, nakahiga ka pa rin! Dali na. Kailangan ka namin!" Hinila-hila ako ni Princess. Napilitan tuloy akong maligo at magtoothbrush. Eh, ayaw ko pa eh.


Nasa venue na kami. Buti naman nakaratin na kami kasi daldal nang daldal tong si Princess. Puro Lawrence mukambibig niya. Nakakainis no? Si Lawrence ganyan. Si Lawrence ganito. Haay, jusko dai!


"Oh? Bakit kasama mo si Princess?" Tanong ni Krystal


"Sinundo ako sa bahay. Nakakainis nga eh. FC masyado." Tinawanan ako ni Krystal sa pag-uugali ko.


"Uy, may tsismis ako sa'yo. Nandito sila Rence."


"So? Paki ko?" Matarayan ko nga siya.


"Weh? Sus, pero deep inside kilig siya!"


Kinurot ko siya sa tagiliran, "Tumahimik ka."


Pumunta na akong backstage para maghanda. Since nakacostume na ako, nagstretchings nalang ako.


"From St. Therese High! Please welcome,  UltraMegaMe!" sabi ng announcer.


Nagperform na kami. Ginawa namin mga routine namin.


Buong performance, sa kanya lang ako nakatitig pero kitang-kita ko sa iba siya nakatingin.


Hay nako Ryla, kailan ka ba titino?


Nung nagbago na kaming ng formation bigla akong nahulog.


"Aaah!"

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon