(A/N: Guys, Asher pala name nung leading man natin hehe. Naguluhan na ang author niyo sa mga characters niya, haystt)
Ava's pov
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin.
"Ava! Late na tayo!" Tarantang sabi ni Angelica.
Agad naman akong napabangon at tinungo ang cr para maligo saglit.
Ano ba yan! Unang araw sa trabaho, late agad! Naku, Ava! Kung jowa mo lang si Asher, payag pa yun na late ka!
Nang matapos akong maligo at mag bihis ay hindi ako nag abalang kumain pa dahil late na talaga ako ng kalahating oras!
Pagdating ko sa kompanya ay agad kong tinungo ang opisina ni Asher. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang seryosong nagbabasa ng mga files.
"You're late, Ms. Carson." Sabi niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"I expect better than that from you." Dugtong niya at binaba ang files sa kanyang desk.
"I am very sorry, sir! I promise, it won't happen again." Nakayuko kong sabi.
"It better won't be." Sabi niya at tinignan ang kanyang wrist watch.
"I have a meeting in 5 minutes. You, as my secretary. You need to go with me. Understand?" Tanong niya.
"Yes, sir." Halos pabulong kong sabi.
"Ms. Carson, pwede ba lakasan mo ang boses mo? Hindi pwede yan dito!" Masungit niyang sabi.
"Y-yes, sir." Halos maiyak na ako kaya kinagat ko ang aking labi.
"Good." Sabi niya at lumabas ng opisina kaya sumunod ako sa kanya.
Nagtaka naman ako kung bakit sa parking lot kami nagtungo pero hindi na ako umimik dahil mukhang beast mode si Asher.
"Sakay na." Sabi niya at sinuot ang kanyang sunglasses.
"H-ha?" Tanong ko.
"Hanggang ngayon ba, bingi ka pa rin?" Masungit niyang sabi.
"S-saan po ba yung meeting place niyo, sir?" Tanong ko.
"Wag na maraming tanong. Sakay na!" Madiin niyang sabi.
Kaagad akong tumango at bubuksan sana ang pinto ng backseat pero pinigilan niya ako.
"Nandyan ang mga gamit ko. Dito ka sa passenger's seat." Utos niya at sumakay na sa driver's seat.
Tumango ako at pumasok na rin sa loob. Mahirap na kapag matindi na ang galit ng lalaking ito.
Ilang minuto ang lumipas nang makarating na kami sa isang restaurant.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang parang private room ng restaurant na ito. May mga naghihintay dun na negosyante at parang ako lang ang babae dito.
"Good afternoon, gentlemen." Bati ni Asher at umupo sa upuan.
"Good afternoon din, Mr. Martinez." Bati nila at nilingon ako.
"G-good morning, sir." Sa sobrang kaba ko ay mali na ang nasabi ko. Hala, nakakahiya!
"Hija, mukhang kasali ka sa girlscout noon ha." Sabi ng isang negosyante habang ang iba ay tahimik na natatawa.
Simple kong tinignan si Asher at halatang nainis siya sa nagawa ko. Sorry na, sir!
"S-sorry po, sir." Paghingi ko ng tawad.
"It's okay, hija. You look familiar though." Sabi ng isa pang negosyante at tila sinuri ako.
"Yeah. Mr. Martinez, isn't she your---" Hindi natuloy ang sinasabi niya nang sumingit si Asher.
"She's no one. Now, let's get back to work and stop questioning my SECRETARY." Sabi niya.
Talagang diniinan yung "secretary" eh. Galit na galit talaga sakin ni Asher, my gosh!
Tumango lang ang mga kasosyo niya at nag simula na silang mag usap habang ako ay panay sulat lang ng mga pinapasulat sakin ni Asher.
...
Mahigit dalawang oras ang tinagal namin dun bago pa matapos ang meeting.
"Anong katangahan yun, Ava?!" Sigaw niya nang makarating kami sa parking lot.
"S-sorry. Hindi ko naman sinasadya yun, Ashy eh." Agad kong tinakpan ang bibig ko nang masabi ko ang laging tawag ko sa kanya noon nung kami pa.
"I'm not your boyfriend anymore, Ava. Don't you ever call me that again." Madiin niyang sabi.
"I'm sorry, sir." Nakayuko kong sabi.
"Get in the car." Utos niya.
Tumango ako at sinunod ang utos na iyon.
Ang hirap pala maging boss ang ex mo noh. Kulang na lang ay halukayin niyo ang nakaraan. Pero anong magagawa ko? Kailangan ko ng trabaho dahil galit sakin ang magulang ko at hindi ako pwedeng umasa sa pera nila.
One simple mistake ruined my fvcking life! Ako na nga ang na set up, ako pa ang itinakwil! How pathetic!
Si Asher na nga lang ang nasasandalan ko noon eh. Pati ba naman nanay niya, naniniwala sa p*tanginang sinabi ng magulang ko!
Pinahiya nila ako sa maraming tao kahit hindi nila alam ang buong kwento!
I was 19 that time. May kapatid akong babae. Dalawang taon ang agwat naming dalawa. Close na close kami yung tipong sanggang dikit kami. Then everything changed one night.
May boyfriend si ate. Boyfriend ko din si Asher nung panahon na iyon kaya hindi ako naiinggit kay ate kailanman.
May party sa mansion namin. Engagement party nila ate at ng boyfriend niya.
Hindi ko alam pero parang bigla akong nalasing kahit wala akong ininom na alcoholic drinks dahil juice lang ininom ko nun.
The next thing I knew is my sister yelling at me while crying then I saw myself wearing nothing and beside me is Tristan who is also wearing nothing.
I swear, wala akong alam sa mga nangyari. Sinubukan kong ipaliwanag yun kila mama at papa pero hindi sila nakinig.
Nung gabing iyon, pinalayas nila ako sa mansion. Then I remembered, may cctv camera ang kwarto ko. Don't expect that you will have privacy at the Carson mansion. Tanging bathroom nga lang ang walang cctv camera eh.
Nagpatulong ako sa kaibigan ni Asher na ihack yun at nakita kong hindi ako ginalaw ni Tristan.
He brought me back to my room, undressed me and he also undressed his self then laid beside me. Nothing else.
Pinakita ko ito kay Asher para maniwala siyang walang nangyari. Naniwala siya at sinubukan naming ipakita ito sa magulang ko pero wala. Kinampihan nila ang bruha kong ate.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha kaya mabilis kong pinunasan ito bago pa makita ni Asher.
Kung noon, kapag nakikita niya akong umiiyak ay halos mamatay siya sa pag alala pero ngayon ay malamang kabaliktaran na yun. Malamang, wala na siyang pakialam kung mamatay pa ako dahil sinaktan ko siya.
Ang nag iisa kong kakampi ay nawala sakin. T*nginang buhay ito oh!
To be continued
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend is my Boss! ✓
Narrativa generaleCOMPLETED STORY "I now have money and fame. I have everything I could wish for. Now, do you love me?" seryoso niyang tanong. I'm sorry, Asher. But, I have to do this. "N-no" nanginginig kong sagot. "Louder" "No" pilit ko man lakasan pero sadyang hin...