Akala ko noong makilala ko si Arvin Santillan the search is over na. Pero hindi pa pala.
Hanggang sa makilala ko si Bernard, Charles, Daniel, Edward, Floyd, Gio, Harrold, Irvin, Jake, Kyle, Lian...
Judge me now, alam ko after nyong mabasa lahat ng iyon. Iisipin nyo napaka-Landi, Harot kung babae.
Iyong talo ko pa ang nagpapalit ng panty sa pagpapalit ng lalaki. But believe it or not hindi ko sinadya iyon.
At hindi ko rin binalak na naka-Alphabetical arrange sila. It just happens.
Masama bang maghangad na makilala ko rin ang Mr. Right ko.
Bakit nga sa mga pocket book na nababasa ko katulad ng PHR.
Kahit gaano pa ka-pangit, ka-taba, o kaya nama'y ka-malas, ka-yaman nung bidang babae lagi parin naman nilang nakikita o kaya'y na mi-meet si Mr.Right o kaya nakaka-tuluyan ang kanilang mga Prince Charming.
Pero bakit ako, nangalahati na ako sa Alphabet pero hindi ko parin siya nahahanap o nakikilala.
Natatandaan ko pa iyong sinabi nila,
"Cam it's not you, its me."
Sa palagay nyo ilang beses kong narinig yang mga linyang yan.
Not once, not twice at sa akala nyo nasiyahan sila sa pangatlo but no.
Five times ko yan narinig ng sunud-sunod.
At ang pinaka-malupit sa lahat eh, iyong after ng lahat-lahat. Sasabihin lang sayo na
"maybe, we're just meant to be friends not lovers. "
Ang sakit kaya. Ano iyon nag trial and error ka lang. Tapos nung na-realize mo na ganito, biglang bawi ka.
At gusto mo pa may bonus ka. Iyong Friends pa din tayo. Nakakagago di ba.
Ikaw na nagbabasa, naiintindihan mo kung ano ang pinag-sasabi ko dito diba?.