Anger
7 years later...
7 years had passed after that incident, hindi nakulong si Third dahil inako ito lahat ng kanyang mommy. Kahit sinabi niyang siya ang pumatay sa babaeng iyon ay minorde edad lamang siya kaya walang naniwala sa kanya. She is just turning 17 that time, ilang buwan pa bago ang kaarawan niya kaya parang binabalewala lang ang mga sinasabi niya.
And after so many years, still, her mom is in jail, suffering for the sin she never done. And Third loath her father for that, she hates him to the point that she prayed him to die instead.
Palagi niyang binibisita ang ina at kitang-kita ang pag bagsak ng katawan nito. Mukha na itong depressed at hanggang ngayon wala parin siyang magawa para makawala ito.
Wala parin siyang kwenta! Kahit pa nakatapos na siya nang kolehiyo at nakapag patayo nang sariling business ay wala parin siyang kapangyarihan para mapalaya ito. At lahat ng nararansan nilang mag-ina ay isinisisi niya sa kanyang amang wala rin kwenta katulad niya.
Malaki na ang kinikita nang sarili niyang kumpanya pero wala paring halaga iyon dahil mas mayaman parin sa kanya ang pamilya ng babaeng iyon.
Ang babaeng dahilan kung bakit sila nagdurusa. Pero hindi siya pinang hinaan ng loob. Alam niyang isang araw mapapalaya rin niya ang mommy niya.
Madaling araw palang ay naalimpungatan na si Third dahil sa lakas na tunog na nanggagaling sa kanyang telepono. Agad niyang sinagot ang tawag na hindi tinitignan ang kung sino mang tumawag.
"Hello" tamad na sagot niya rito.
"Third.." bigla nanaman siyang nakaramdam ng panlalamig sa katawan ng marinig ang boses ng kanyang ama. Tatlong taon narin na hindi to tumatawag sa kanya kahit kaya naman nitong ipahanap kung ano ang cellphone number niya o kaya ay saan siya nakatira.
Nang makapag tapos kasi siya sa kolehiyo ay iniba na niya ang number niya at bumili ng condo para hindi na makita ang ama.
"What? What do you need old man." malamig na sagot niya rito.
"Come to my house for dinner. May sasabihin ako sayo." malamig ring sagot sa kanya ng ama.
Mapaklang napatawa si Third, dahil sa tono ng pananalita nito ay parang ito pa ang may galit sa kanya.
"Hindi mo ba nakikita ang oras Old man? Alas tres palang ng madaling araw at tatawagan mo ako para sa walang kwentang imbitasyon mo." medyo pasigaw na sagot ni Third sa ama.
"Don't disrespect me like that! You are just my daughter! Wala kang karapatan na bastusin ako." Galit namang bulyaw sa kanya nito
"Ay wow, anak mo na pala ako ngayon? As far as I can remember itinapon mo na ako seven years ago. At nanghihingi ka pa ng respeto? Ikaw pa mismo ang nanghingi eh ikaw mismo wala ka din respeto!" kabastusan na kung ganito nga siya sumagot sa kanyang ama pero walang pakialam si third, dahil matagal naman na siya nitong pinabayaan na parang hindi siya anak.
"Just come here later. I don't want to argue with you." sagot ng ama at binabaan siya ng telepono.
Sa sobrang inis ay ibinato miya ang cellphone sa pader at tumayo, pumunta siya sa banyo para mag hilamos. Pero matapos mag hilamos ay hindi parin talaga natatanggal ang galit na nararamdaman niya.
Tinignan niya ang kanyang mga mata, ganito parin iyon, walang pinag bago. Para nalang itong yelo dahil sa lamig na nakikita niya rito.
Habang nakatingin sa kanyang mga mata gamit ang salamin sa kanyang lababo ay naalala nanaman niya ang itsura ng ina. Muling nabuhay ang galit sa kanyang puso at hinampas nang pagkalakas lakas ang salamin dahil sa di mapigilang galit.
YOU ARE READING
Queen series 2: Dangerous Revenge
RandomViviene Third Gomez is a woman who haves a strong principle. Family is really important to her. She really loves her Mom and Dad but when the incident happened, she loathed her Dad and she became cold and heartless woman.