𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟖

25 6 1
                                    

𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅

“1-2-3-4” saglit akong huminto. “1-2-3”

“1-2-3” Ipinagpatuloy ko ang paghampas ko ng upuan sa sahig. “Isa, Dalawa, Tatlo, Apat,” bilang ko kasabay nang aking paghampas.

“1-2-3-4” Muli akong huminto nang pasaglit. “1-2-3”

Ibinaba ko nang maayos ang upuan sa sahig. Naglakad ako patungo sa higaan at dito namahinga. Hindi ko alam kung sapat ba iyong ginawa ko pero parang ganon naman.

“Is that the last set?” Luck asked.

“Yup. Twenty times ko ginawa 'yon,” hinihingal kong sagot. Nakakapagod. “Ikaw ba, kinukumpleto mo 'yung sets mo?”

“Syempre. Mamaya gagawin ko rin sets ko.”

Napatitig ako sa puti at maruming kisame ng aking silid habang kinakapa ang aking tiyan. Naramdaman ko na lang bigla ang pagpatak ng luha sa aking pisngi kaya akin itong pinunasan.

Grabe. Parang ang bait pa rin sa akin ng tadhana kahit papaano. Sa buhay ko rito parang ngayon lang ako sumaya. Noong mga araw na naramdaman kong bibigay na ako, noong binalak ko nang wakasan ang aking sarili, buti na lang at hindi ko 'yon nagawa.

Kung hindi dahil kay Luck, asaan na kaya ako ngayon? Magiging malaya ba talaga ako kapag tinapos ko ang aking buhay? Napangiting muli ako. Parang unti-unti na akong nakatatanaw ng mga ilaw. Una na ro'n si Luck, siya ang pinakaunang nagpakita ng liwanag sa madilim kong silid. Ngayon naman ay ang bata sa aking sinapupunan. Dahil sa kaniya, nagkaroon ako ng rason upang mabuhay. Nabuo ang determinasyon kong makalabas mula rito.

“Luck, sa tingin mo, they would understand it?”

Hindi kaagad nakasagot sa aking tanong si Luck. Tila ba pati siya ay hindi rin alam ang kasagutan. Pareho lang kaming umaasa sa isang "sana".

“Sana... They're one of our hopes. Ipagpatuloy lang natin hanggang malaman nila. Wala namang mawawala sa atin.”

“Pero lagi namang lumalagabog dito sa taas. Baka akalain lang nila na wala lang iyon,” paninigurado ko. Totoo naman. Sa mga ingay na nalilikha ng kademonyohan ni Calister, baka akalain ng mga tao sa ibaba na normal na lang ang ginagawa naming pagkatok sa sahig.

“Iyon ang rason kaya sa umaga natin siya ginagawa. They would understand that naman siguro kasi ang tagal na natin 'tong ginagawa at baka nare-realize na nila 'yung pattern—”

“ANG TAGAL NA NATIN 'TO GINAGAWA PERO WALA PA RING NAGBABAGO!” sigaw ko.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa nagawa kong pagsigaw. I didn't mean that. Hindi ko gustong sumigaw lalo na kay Luck.

“L-Luck...” tawag ko sa kaniyang pangalan.

I'm so stupid!

Hindi ko sinasadyang sumigaw. Nauubusan lang talaga ako ng pag-asa minsan. May mga oras pa rin kasi na feeling ko wala na akong kinabukasan sa buhay ko. Gusto ko lang ilabas ang galit sa loob ko pero hindi sa ganitong paraan. Hindi kay Luck.

He was just trying to help me. Tinutulungan niya ako without a cost. Wala siyang hinihinging kapalit. Marami na siyang nagawa para sa akin na lagpas pa sa aking imahinasyon.

“Hazel, you don't have to be sorry,” muling nagsipatakan ang aking luha dahil narinig ko ang boses niya. Parang isang musika na nagdadala ng lampera sa madilim na karagatan. “I understand you.”

Napaupo ako sa higaan at saka sumandal sa pader. Niyakap kong muli ang aking tuhod at dito umiyak.

From now on... Hindi na ako mawawalan ng pag-asa. Hindi kailan man hanggat naandito ka. Hanggat nasa tabi ko si Luck.

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon