Chapter 35

103 4 0
                                    

My mind was so clouded, we only have two days left here in the Philippines at babalik na ulit kami sa States, kung saan nandoon na ang buhay ko, buhay namin.

Nandito ako ngayon sa sementeryo, kung saan nilibing ni Ryker ang kalahati ng abo ng mga magulang namin at nagpagawa din siya ng lapida, ginawa niya daw iyon para makausap namin sila ng maayos at hindi doon sa malagubat na may ilog na nakakatakot. Hindi ko akalain na sa pagpunta namin doon ay natatakot din siya pero kailangan niya maging malakas para sa akin.

Pagkaalis kasi namin doon kahapon, dumaan lang kami ng ilang minuto para mag-iwan ng bulaklak at kandila, umalis din kami kaagad kasi umulan. Nakipagkita din ako kay gerente ng maggabi, kagaya ng gusto niya, alam ko naman na mabuti na ang hangarin ng org., dahil na din sa napanood kong video na bigay ni Ruiz. Pero hindi pa din ang buo ang tiwala ko sakanila lalo na't may bagong pamilya ako ngayon. Speaking of video, hindi ko pa napapanood ang isang file na sinabi niya at balak ko na dito na lang din iyon panoorin kaya dinala ko ang laptop ko at yung USB Drive.

Si Ruiz at yung girlfriend niya muna ang magbabantay sa kambal, pumayag naman yung kambal na sila muna ang magbabantay sa kanila, ang sabi pa nila as long as na okay ako ay papayag sila na mag-isa muna ako ngayon.

Nilagay ko sa ibabaw ng lapida nila ang dala kong bulaklak at nagsindi din ako ng kandila para sakanila. Inalisan ko pa ng nalaglag ng nga nalaglag na dahon ang lapida nila bago ako tuluyang umupo sa damuha at tumingala sa langit na ngayon ay malinaw. Wala na ang makulimlim at madilim na panahon kagaya kahapon, ngayon ay para bang nakangiti na saakin ang kakaunting ulap at araw. Totoo nga pala talaga na ang bawat araw ay panibagong pag-asa.

"Momo, Dada... Sorry." my voice broked. Hindi pa nga ako naguumpisa e, nagiging iyakin na talaga ako. "Sorry, Sorry, A million times sorry. Hindi ko alam kung mapapatawad niyo ba ako dahil sa mga ginawa ko sainyo." tumulo na ang luha ko. "I know hindi po ako, mabait sa lahat, o hindi ako naging mas mabait na kapwa and I'm not the perfect daughter your trying to mold. I am just me, Momo, Dada alam niyo yan. Lahat ng gusto ko sa buhay, sinusuportahan niyo. You two are the best parents that every kids could wish for. Well, kahit lahat naman ng magulang ay the best para sa kanilang nga anak. It's just that, you are too kind and lovable parents, that you even hugged my flaws. Parang feeling ko nga hindi niyo deserve na maging anak ako, kasi feeling ko sobrang sama ko na anak... Maganda lang ako, Momo kasi mana sainyo." I laughed with it while tears are streaming down. "I should've choose to stay here and accept the CEO job kahit na ayaw ko nun, kahit gusto na magtravel lang. Kung sana ay ginawa ko lang iyon ay siguro magkakasama pa tayo ngayon. Ako bilang CEO at kayo nagpapahinga na lang sa bahay, ako na lang ang nagtatrabaho para saatin." wala na nanghihina na ako. Inalis ko na ang tingin ko sa langit at pinunasan ang luha ko na kanina pa tumutulo.

"Ang laki ng kasalanan ko sainyo. Ni hindi man lang ako nakapunta sa burol at libing niyo, ni hindi ko man lang naisalba yung kompanya, ni hindi ko man lang sainyo napakilala si Ryker. And I think kasalanan ko pa kung abkit kayo namatay. I should've really stay. I just choose my family over career. Sana mapatawad niyo ko. Patawrin niyo ko." I hugged my knees and cry over there, nirireminisce ko ang mga sandali na masaya kaming nagkakasama bilang pamilya. At dama ko ang bawat sakit, sa bawat ngiti namin.

Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala sa sakit na nadama ko ng mga panahon na naghiwalay kami ni attorney.

Your family will give you the best heartbreak ever, indeed.

Pinunasan ko ulit ang luha ako habang nakatingala sa kalangitan. Napangiti na lang ako.

"Alam niyo ba? You are already grandparents..." I look down in their gravestone. "Lolo't lola na kayo. May apo na kayo sa akin. Kambal pa... 'Diba you really want a grandchild, dumating na yung apo na hinihiling niyo, k-kaso..." my voice broke again. Sinabi ko sa sarili ko, kanina na hindi ako iiyak kapag kinuwento ko sakanila ang mga anak pero ito, tutulo na naman ulit ang luha ko. "k-kaso nung dumating sila wala na kayo." Wala na, napahagulgol na ako. Mabuti na lang at wala masyadong tao dito. Ang sakit lang e.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now