PROLOGUE

3 0 0
                                    

"Mera, Mera..." tarantang tawag ng kaibigan kong si Micah sa akin.

"Mera 'yong application mo natanggap!" Napatulala lang ako sa balita niya sa akin.

Gusto ko sanang maging masaya, hindi lang maging masaya kundi nararapat na ipagdiwang ang pagkatanggap ko ngunit hindi ko feel ang kasayahan sapagkat hindi ko naman ginusto na mapabilang sa mga babaeng nakakandarapa makaangat lang sa buhay.

"Mera, nakikinig ka ba ?!" Yugyog niya sa balikat ko. Tanging tango lang ng ulo at alanganing ngiti  ang naisagot ko sa kanya.

"Congrats, Ameerah..."

"Ganda lang ni Ameerah ang malakas..."

"Sana naman kahit umangat ka na sa buhay ay kikilalanin mo parin kami, Ameerah"

Tanging tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa lahat.

A few month ago...

"Happy 6th anniversary, Hon" bati ng nobyo ko.

Picnic sa tabi ng ilog ang ginawa namin upang ipagdiwang ang aming ika-6th aniversary. Simple pero memorable. Dito sa ilog na ito ko unang nakilala ang lalaking minamahal ko, dito ko rin siya sinagot.

"Sorry, gusto ko sanang itreat ka sa magarbong restaurant kaya lang di kinaya eh." Walang gana niyang tugon.

"Alam mo naman na di rin ako sanay sa mga magarbong lugar, kaya mas gusto ko rito." I smile sweetly to him. I just love him so much na hindi ko na kailangang pumunta sa mamahaling lugar para sumaya lang. Ano man ang meron ako ngayon hangga't kasama ko siya ay kontento na ako. Hangga't mahal niya ako at mahal ko siya, buo na ako.

Lumipas ang mga araw at buwan naging usap-usapan ang paghahanap ng asawa ni Prince Jared Marin. Isa itong magandang balita sapagkat mapagbibigyan na rin ang hinaing ng bawat mamamayan na magkaroon ng isang reyna na nakakaintindi kung ano ang hirap. Every maiden althroughout the kingdom will have a chance to be selected and become the next Caesarea's Queen.

"Nagfill-up ka na ba ng form, Mera?" Micah asked me.

"Bakit naman ako magfifill-up?"

"HELLO! Ameerah bulag ka ba? Chance na natin ito para umangat sa buhay, isipin mo naman ang benifits na makukuha ng family mo at ang daily allowance na ibibigay ng palasyo kapag napabilang ka sa 10." Paalala niya sa akin, tunay ngang makakabangon sa hirap ang pamilya ko kapag kumampi ang tadhana.

"Micah, nakakasal ang dalawang tao dahil nagmamahalan sila. Hindi dahil nanalo ang bride kaya nagkaroon ng kasal. At tsaka hindi pa naman kami gumagapang sa hirap, kaya pa naman ng pamilya namin. Kaya pass ako dyan, Kung may papakasalan man ako alam mo kung sino 'yun." I hate the idea of marriage na nangyari lang dahil kinakailangan, pumayag man ang iba but not me. Minsan ko na rin iyang nasaksihan at wala itong magandang naidulot.

"Ate, ikaw ba si Ameerah Rodriguez?" Isang batang nakasuot ng punit na bistida ang lumapit sa akin.

"Oo, bakit?" Ang cute niya, kung magkakaanak man kami ng honey ko sa kasalukuyan ay gusto kong magkaroon rin siya ng mataas na pilik-mata kagaya ng batang ito. I slowly pinched her cheeks, inabot niya sa akin ang isang papel at tumakbo papalayo.

'Hon, kita tayo sa ilog may ibabalita ako.'

"Ano 'yan ?" usisa ni Micah.

Chosen QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon