1

22 0 0
                                    

"Kimberly, sure ka na ba dyan sa gusto mong gawin?" tanong ng bestfriend kong si Alex.

Actually, nakailang ulit na nya yang tinanong saken. I understand naman why she kept asking me the same question for "I dont know how many" times.

Sino nga ba naman babae na nasa tamang pag iisip ang babalik sa Pilipinas, magpapanggap bilang isang lalaki at papasok sa isang all boys' school at titira sa isang all boys' dormitory para sa isang celebrity high jumper na super idol nya at napanood lang naman nya sa tv?

Well, ako yung girl na yun.

Ewan ko din nga ba. It just hit me. Everytime na makikita ko sya sa tv, para bang bumabagal ang lahat and yung heart beat ko na lang yung natitiramg mabilis.

"Aiyoh! Alex naman, for the record...YES,OO, DUI, NE ang sagot ko. I'm super sure about this one. You know naman na--"

"Oo na. I know na. Ba't ba nga naman kasi nagtatanong pa ko eh alam ko naman na iba at sobrang laki ng impact ng guy na yun sayo. Ako lang naman 'tong si makulit mong bestfriend for life na nag aalala sayo...sige na suportado ko na yang kahibangan mo..."

"Oh eh yun naman pala e, so wala na tayong problema pa?"

"Ay nako! Kung hindi lang kita bestfriend, tatangahin talaga kita ng ibang beses..."

Tumayo ako and I hugged Alex.

"You really are the best Alex!! Kaya love na love kita eh!" Tapos super hinug ko sya ng very tight

"Naku naku! Stop it right there you idiot! Basta ha, never forget to call me when you get there. I wanna know if you arrived safely sa Philippines or baka naman di ka makalampas ng airport kasi madedetect nila na isa't kalahating tanga ka!" Tapos inemphasize pa nya yung word na "tanga"

"Oh? Nadedetect ba yun sa airport kung tanga ka o hinde?" Srsly? Nadedetect ba talaga??

Hala!! Baka di ako makaalis ng Taiwan!!

"Ano teh?! Nakapatong lang? Syempre hindi yun nadedetect! Aish! Let's put it this way, tbh with you K, medyo slow ka pumick up kaya super nagwoworry ako sayo..."

"Who are you referring to na mabagal pumick up?" I pouted then umupo na ulit ako and humarap sa salamin.

"Aiyoh! K, wag mo ko dinadaan daan dyan sa mga kaartehan mo ha. You know na di kita matitiis...I'm just super worried about you. That's it!"

Ganon na ba talaga ako katanga at gagawin ko talagang magpretend as a guy? Seeing my bff na super worried sa gagawin ko, wala na akong masabi... napayuko na lang ako at napaisip

But I've already made a decision. Ayokong in the end, I'll regret things just because I did not try.

I know, there's no harm in trying, right?

"Look..." then inangat ni Alex yung mukha ko.

"You are such a beautiful girl, K! Pero why do I feel na kahit sobrang ganda mo ang hirap para sayo ang makakuha ng true love? To the point na kelangan talaga gawin mo 'to?"

I stared at Alex blankly...

"What I'm trying to say is...nagawa mong maglie sa parents mo about that school. You even fought with your brother just to have his approval and...hindi ba kaya ka nga umalis ng Pilipinas kasi gusto mo makalimot? Tapos all of a sudden, heto at babalik ka na naman dun."

Alex is right. Pero nakapag decide na talaga ako. There's no stopping me now.

"Alex..."

"I know! Okay! Suko na ko. Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend kita" sabi nya habang nakataas yung two hands nya.

Napangiti naman ako dahil dun.

"Alex...thank you!" I said to her na medyo naiiyak iyak pa.

"Sus! Basta ha!" then she held my hand and looked at me like I'm one of her younger sisters.

"...promise me na mag iingat ka. Wag kang eengot engot ha?" Sabi nya habang naluluha sya.

Yung tataa samin dalawa? Grabe! Mukha na kaming mga tanga dito sa sobrang drama! Hahah!

"Mm. Hao! Okay. I promise!" Then I smiled tapos nag smile na din sya.

"This won't do! Bukas na yung flight mo pero heto at mukha ka pa din girl! Ano, ready ka na ba sa make over mo?"

Tapos nag pose sya na parang lalaban sya sa gera. Grabe ang lakas talaga ng topak netong si Alex!

Ready na nga ba ako??

I inhaled nang exagged.

"...I'm ready!"

And after that, goodbye pretty Kimberly Chiu and hello poging Kim Chiu!! I guess...for now?

Jia You Leh, Kim!! Para sa true love!!

------------------------------------------

A/N: Hi guys! Sana po ay nagustuhan nyo po ang first chapter ng story na 'to!!

Thanks for reading! Pacomment na lang po ng mga insights nyo about the story.

Bye! :)

The Gender BenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon