Chapter 2 : Andrew, Ashley At Ang Barkada

19 0 0
                                    

Mahapdi pa ang mga sugat ko dahil sa nangyari kahapon, kung hindi pa nadulas ang kaaway ko malamang nasa hospital nanaman ako. Madalas kami mapa trouble ng tropa, usually dahil sa girlfriend ko, minsan naman dahil sa girlfriend ng mga nakaaway ko pero mas madalas dahil sa init ng ulo ko.

Buti nalang laging naandiyan ang barkada para samahan ako sa lahat ng kalokohan ko. Kahit ako pa ang nag simula ng gulo hinding hindi nila ako iiwanan. Minsan mainit palang ang ulo ko sisimulan na nila agad ang gulo. Mas marami na yata kami pinasukan na gulo kesa pinasukan na klase sa school.

Si Dumbo ang starter sa tropa, siya yung wala ng sabi sabi laban agad, mas madalas ko siya makasama kumpara sa iba dahil magkatabi lang ang bahay namin. Dennis, siya ang joker or pwede mo rin sabihing pinaka gago saamin, siya yung mag sasalita palang tumatawa ka na. Siyempre si Boks, ang pacifist, ang madalas taga awat at taga ayos ng problema ng tropa.

Pinag yayabang ni Dumbo kung paano niya sinipa sa muka ang kaaway namin. Nagtawanan naman kami ng sinimulan ni Dennis basagin ang trip ni Dumbo.

“Pare diyan ka naman magaling eh, manakit, kaso mas masakit siguro sayo yung laging busted.” Pang aasar ni Dennis.

Kahit apat lang kami sa grupo masaya na kami, parang hindi kumpleto ang araw ko pag hindi kami nag kakasama. Tinawag ko ng pamilya ang mga kaibigan ko, lalo na ng humiwalay ako sa magulang ko, sila yung masasabi kong mga kapatid na wala ako.

Mahirap lumaki ng mag isa, pagka gising mo palang iisipin mo na agad kung paano matatapos ang araw mo. Usually sa barkada lang nauubos ang oras ko, pero ngayon matatapos na sila sa pag aaral parang mag iiba na ang samahan namin.

“Drew, nag usap na ba kayo ni Ashley? Parang sobra yata ang sagutan niyo kagabi.” Tanong ni Dennis sakin.

Ngumiti lang ako at sinabing hindi ko parin nakakausap ang girlfriend ko. Mas madalas pa yata kami mag away kesa mag lambingan. The only time na naramdaman ko na maayos ang relationship namin ng magising ako sa hospital na kasama si Ashley.

“Dapat ayusin mo na yan pare, tatanda kang binata. Baka mawala narin kami ng time tumambay pag tapos ng graduation.”

Ayoko na muna kausapin si Ashley lalo na pag galing kami sa away kadalasan mas lalong lang lumalaki ang gulo kesa maayos namin. Para kaming dalawang bansang hindi magkasundo sa napaka simpleng bagay.

“Mga pare, marami naman diyan. Kung ayaw na niya pabayaan mo siya. Mag susumbong na binastos tapos sakin magagalit.” Mga babae nga naman ngayon, pinag tanggol mo na sayo pa galit.

Tumawa lang si Dennis at inasar si Dumbo na kung bakit daw mag advice siya parang nagka girlfriend na ito. Minsan nakakatawa ang mga kaibigan, sila yung mas maraming sinasabing advice pero sila yung hindi maka gawa ng pinag sasabi nila.

“Hindi ka pa nag sasawa pare? Ang dami mo ng naging girlfriend, si Dianne, May, Coleen, yung iba hindi ko na nga maalala.” Kung ano man ang sinasabi ni Dumbo sakin yan din ang madalas ko marinig kay Boks. Para silang mga kuya kung mag advice pero parang bunso naman kung mamoblema.

“Buti ka pa pare nakakadami na, itong si Dumbo single since birth at si Boks naman hindi ko malaman kung bading. At least ako faithful sa girlfriend.” Pag yayabang ni Dennis saamin.

“Speaking of Boks, nasan na nga pala yun? Baka naman nanlalaki pa.” Biro ni Dumbo sabay tawa ng malakas.

Kanina ko pa tinatawagan si Boks matapos ko sabihan na bumili ng ice at beer pero inabot na ng isang oras. Maya maya pa ay may kumatok na sa gate namin at nakita ko si Boks na parang pagod na pagod. Isang case lang naman ang pinabili ko napagod na agad.

Masaya kaming nag uusap at nag kukulitan pero pansin na pansin ko na parang problemado at hindi mapakali si Boks. Halos ilang oras din siyang tahimik at ayaw mag salita habang kami ay tawanan ng tawanan sa mga pinag sasabi ni Dennis.

Bago Mag Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon