This is not the first time na nakita ko kung gaano kalungkot si Andrew. Pero this is the first time he and I met face to face. Nakita ko siyang nakatitig sakin bago tuluyang pumikit ang mata niya. Naiyak ako habang yakap yakap ko siya.
I’ve known Andrew since birth, magkasama kami hanggang sa pagtanda. I was always there for him during the times na kinailangan niya ang tulong ko. Pero just like any other guy he does not appreciate it most of the time. Feeling niya he surpassed his problems all by himself; ego nga naman ng mga lalaki.
There was a time na napaaway siya, he almost hit his head, buti nalang I was there to catch him. Marami na siyang pinag daanan wherein he put his life in danger but I was always there for him because it was my mission. Minsan naiisip ko kung pwede ko rin sana tanggalin lahat ng sama ng loob na meron siya, gagawin ko.
From the very beginning siya na ang reason kung bakit ako pinadala, keeping him away from harm is my role bilang Guardian Angel at siya ang unang mission ko. We have three basic rules as Guardian Angels pag dating sa binabantayan namin. Never save them from death if it is already their time, never to save them if they decided they wanted to die without proper cause and never fall in love with them which is impossible dahil hindi naman kami nagkikita.
Usually naka assign na ang isang Guardian Angel sa isang tao bago pa man ito ipanganak, pero iba yung case ni Andrew. Isa siya sa mga tinatawag namin na “Eraser” sila ang mga tao na ipinapanganak na masama, kailangan nila gumawa ng hindi mabuti so that other people can see and realize the good around them.
Usually nababasa namin ang nararamdaman ng isang tao, kaya alam namin kung kailan kami pwede makielam at iligtas sila. Also, we can only know if it’s their destiny to die sa oras mismo na yun kaya hindi namin alam kung nag decide ba sila na mag suicide. Hindi rin namin pwede iligtas ang hindi naka assign samin kaya wala ako magawa para tulungan ang mga nakapalibot kay Andrew.
Kakaligtas ko palang sa kanya kahapon ng muntik siyang paluin ng nakaaway niya. In all honesty overtime ako lagi sa pag babantay sa kanya at marami ng Guardian Angel ang hindi natutuwa sakin dahil marami ng nasaktan si Andrew na binabantayan din nila.
Tulad ngayon nakabantay mabuti ang dalawang Guardian Angel sa baby nila, ang isa nag dadasal na sana tumigil na si Andrew sa pag suntok ang isa naman nangangamba na baka saktan ni Andrew ang baby girl niya.
Natigil lang ang lahat ng sinubukan ng kasama kong Guardian Angel na sumigaw sa loob ng katapat na bahay. Pero lumaki ang tension kay Andrew at sa girlfriend niya ng hilahin siya papalayo. Naging parang reality show ang eksena nila, intense ang sagutan ni Andrew at ng kausap niya, nakatitig lang kaming tatlo sa kanila ng bigla akong naluha sa sinabi ni Andrew.
Hindi ako makagalaw, may parang pumipigil sakin sundan si Andrew habang papasakay siya ng sasakyan. Kinuha ng dalawang Guardian Angel ang attention ko ng mapansin pupuntahan ko si Andrew.
“Alam mo ang consequences pag niligtas mo siya. You will forever regret this Elisa. Mabuti pang hintayin mo na muna ang mangyayari. Baka naman mag bago pa ang isip niya, baka hindi mo kayanin pag nag decided na siya.” Sabi ng isang Guardian Angel sakin.
Hindi ko alam ang gagawin, ayokong mag decided siya na mag suicide. Alam ko it’s not my call pero gusto ko malaman ang magiging decision niya.
Nakita ko kung papaano patakbuhin ni Andrew ang sasakyan. Naalala ko yung unang aksidente niya, buti nalang at wala siyang kasalubong na sasakyan ngayon. Pinag dadasal ko na sana mag bago pa ang decision niya at sana lumamig ang ulo niya.
Tinabihan ko siya at nakita na parang nag dadasal. Pumikit si Andrew at nag buntong hininga, the next thing I know nakayap na ako sa kanya ng sabihan niyang see you soon. Nakita kong nakatitig sakin si Andrew pero napapikit ako ng maramdaman ko na parang may humampas sa likod ko pinilit ko imulat ang mata ko pero hindi ko kaya.
I was woken up by a cold voice calling my name it was a familiar voice which I heard long before Andrew was born. “Elisa.” Kinakabahan akong buksan ang mga mata ko, alam ko kung sino ang tumatawag sakin. Siya ang nag padala sakin para bantayan si Andrew.
“Sir David?” Dahan dahan kong tinaas ang ulo ko at tumingin sa nilalang na nasa harap ko. Nararamdaman ko na unti unting umiinint ang likod ko at nakakaramdam ako ng sakit. Wala na ako sa tabi ni Andrew, nasa isang maliwanag na lugar ako. Nilapitan ako ni David at hinawakan ang mga balikat ko. Unang beses ako nakaramdam ng ganito at nakita ko rin na nagkasugat ang mga braso ko.
Narinig ko ulit ang malamig na boses ni David. Kinakabahan ako sa mga sasabihin niya sakin. Naalala ko si Andrew, nasan na siya, did he survive?
“Elisa, you broke one of our rules. I am now banishing you from being a Guardian.”
Naiyak ako sa sinabi ni Sir David. I wanted to defend my actions pero hindi ko marinig ang boses ko. I felt my wings burning until it suddenly disappeared. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Hinawakan niya ang ulo ko at ang malamig na boses ay napalitan ng malambing na tinig.
“Mabubuhay ka bilang normal na tao, we are giving you ten years to para patunayan ang sarili mo, when your time bilang isang tao comes to an end we are going to welcome you back. Mawawalan ng Guardian si Andrew hanggang destiny na niyang bumalik samin. Simula ngayon mararamdaman mo kung paano masaktan bilang isang tao at gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa mga parating.”
Ang kaisa isang bagay na nasabi ko ay “Andrew.” Gusto ko sana tumayo pero unti unti na akong nanghihina. Wala na ako ibang magawa kung hindi ang makinig sa mga sinasabi sakin.
“If you die before your tenth year ipapanganak ka bilang Eraser. Dahil narin nakita ka ni Andrew we forbid you to look for him.” Lalo nalang ako naiyak sa mga sinabi ni David.
Tumayo si David at nag lakad papalayo sakin. “There will be changes sa buhay mo Elisa, some will be hard and unfamiliar. You will feel this changes every year starting from today.” Tumahimik ang lahat, bumalik ako sa madilim na lugar kung saan ako nagising. Dahan dahan ko naramdaman ang hapdi ng mga sugat ko, napapikit at tuluyan ng nakatulog.

BINABASA MO ANG
Bago Mag Happily Ever After
RomanceIt was supposed to be a love letter turned to a fictional story. How a man has to fight for love and search far and wide just to understand what needs to be sacrificed for the person we love.