Chapter 4 : Second Chance

5 0 0
                                    

Napansin ni Papa at Mama na nakatingin ako sa kanila habang nag uusap sila, ngumiti lang sila sakin at nag thumbs up si Papa. Maya maya pa ay napansin ko ang babaeng nakayapos sakin bago ako bumanga. Nakatitig lang siya at walang kahit anong bahid ng emotion ang muka.

Naramdaman ko na parang umiinit ang kamay ko, parang namamasa, napasma na yata ako sa nerbyos. Dahan dahan nawala sila Papa sa paningin ko, lumabo ang lahat at napunta ako sa isang maliwanag na lugar. Namatay na yata ako.

Narinig ko ang boses ni Ashley na parang umiiyak pero hindi ko makita kung nasan siya. Maya maya pa ay naramdaman ko na parang may nakahawak sa kamay ko at humihigpit ang kapit. Nakita ko si Ashley na umiiyak habang nakahawak sa kamay ko.

Pinilit ko mag salita pero hindi ko kaya. May parang tubo na naka lagay sa bibig ko. Pinisil ko ang kamay ni Ashley at unti unti itong tumingin sakin, lalo lang itong umiyak. Napansin ko din sila Dumbo sa tabi niya na naka ngiti. Pinilit ko igalaw ang ulo ko para hanapin ang babaeng yumakap sakin bago ako tuluyan makatulog, pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makagalaw.

Narinig kong tinawag ni Ashley ang nurse at lumapit ito sakin. Tinignan ang mga aparato na nakadikit sakin, maya maya pa ay dumating ang isang lalaki na parang doctor. May mga sinasabi siya sakin pero hindi ko maintindihan, pinilit ko nalang ulit pumikit hanggang makatulog ako.

“Grabe ang aksidente mo pare, total wreck ang sasakyan mo. Ang swerte mo at buhay ka pa. Nadaan siguro ni Ashely sa dasal or sadyang masamang damo ka lang” Pabirong kwento ni Dennis sakin habang pinapakita ang picture ng aksidente na nasa cellphone niya.

Hindi na ako nagtaka kung bakit hanggang ngayon ay ayaw parin mag pakita ni Ashley sakin simula ng magising ako, malamang sinisisi parin niya ang sarili niya kung bakit ako muntikan mamatay. Nabalitaan ko din na si Ashley ang umareglo ng kaso ko kay Jake. Gusto daw ako ipakulong ng pamilya niya pero binawi ng malamang apat na araw ako na coma, pero binayaran lahat ni Ashley ang atraso ko kaya inatras ang kaso.

“Pare, sure ba kayo na ako lang ang laman ng sasakyan, alam ko ang nakita ko. May yumapos sakin na babae.” Paulit ulit na tanong ko kila Dennis.

Nag kamot na ng ulo si Dumbo na parang naasiwa na sa tanong ko. Simula ng inalis ang tubo sa bibig ko wala na akong sinabi kung hindi ang tungkol sa babaeng nakayapos sakin. “Obvious naman diba pare, ikaw lang ang nasa ICU, kung niyapos ka nun malamang deads na yun. Kami ang humila sayo palabas ng sasakyan and believe me ikaw lang ang laman.”

Gusto ko na maniwala sa mga sinasabi nila pero alam ko ang nakita ko, kung hindi dahil sa kanya malamang nakabaon na ako sa lupa at nag hihintay sa impyerno kung kelan ang dating ng mga kaibigan ko. Hindi na ako nakipag talo kay Dumbo, tsaka ko nalang siya hahanapin pag nakalabas na ako ng hospital.

After ng rehabilitation ko at nag umpisa na ulit akong makalakad sinabihan ko si Dumbo na samahan ako para kausapin si Ashley. Alam ko na iiwasan parin niya ako kaya mas ginusto ko na kausapin muna siya ni Dumbo para magkaharap din kami. Almost one month narin kami hindi nagkakausap.

Sumenyas si Dumbo na pwede na akong pumasok sa bahay nila Ashley, nakita ko na parang nag lose na siya ng weight at bakas parin sa muka niya ang lunkot. Kinamusta ko siya pero hindi manlang siya tumingin sakin.

“Sinisisi mo ba ang sarili mo sa nangyari? Kausapin mo naman ako, nahihirapan ako na nagkaka ganyan ka.” Pinipisil ko ang tagiliran niya para patawanin siya pero wala parin siyang reaksyon, sinabihan ko siya na kung hindi siya mag sasalita uuwi nalang ako.

Tumingin sakin si Ashley na naluluha mahina ang boses niya pero malinaw naman lahat ng sinasabi niya. “Andrew, sorry sa mga nasabi ko, hindi ka sana naaksidente kung hindi ko ginawa yun. Sorry talaga.”

Bago Mag Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon