Chapter 5 : Ang Babae sa Lansangan

5 0 0
                                    

“Hello! Pare, hindi kami makakasama sayo, baka bukas nalang kami dumalaw.” Pag aalinlangan ni Dumbo sakin habang kausap ko siya sa cellphone.

Alam kong gabi na pero nag promise ako kay Ashley na pupuntahan ko siya sa hospital. “Ayos lang pare, dadaan lang naman ako saglit doon nakapag promise na kasi ako.

Hindi ko ba maintindihan kung bakit pag love na ang pinag uusapan nakakagawa tayo ng mga bagay na pag sisihan natin. Kung ang pag mamahal ay parang utang lang ang bilis siguro natin makalimutan ang mga naka sakit satin. Kung sabagay kung hindi pa dahil sa love na yan hindi nabago ang buhay ko.

Sa dinadami ng role model na gagayahin ni Ashley ako pa. Alam na nga niyang pinag sisihan ko yung ginawa ko pero ginaya parin niya, kaso yung sa kanya medyo nakakatawa. Buti nalang at may nadaanan pa akong bukas na flowershop bago ako makarating sa hospital.

“Tulala ka nanaman diyan. Kamusta na ang pakiramdam mo?” Nakita ko si Ashley na nakatitig lang sa kisame.

Pumikit lang si Ashley at lumuha, nakakaawa siya pag masdan, ganito din siguro ang pakiramdam niya noong hinihintay niya ako magising. Lumapit lang ako sa tabi niya pinisil ang pisngi. Pinipilit ko siya pangitiin pero tumalikod lang siya sakin.

“Sabi ko naman kasi sayo ipakilala mo muna samin nila Dumbo yung boyfriend mo bago mo sagutin, ayan tuloy.”

Hindi parin nag sasalita si Ashley, may mga maiikling hikbi pa akong naririnig sa kanya. Alam kong nasaktan siya ng sobra ng lokohin siya ng boyfriend niya. Gusto ko sana balikan yung nanakit sa kanya pero alam kong magagalit lang siya.

Tumayo na ako at nag paalam dahil ayaw rin naman niya akong kausapin. Palabas na ako ng pinto ng bigla akong tawagin ni Ashley. Nilapitan ko siya ulit at hinawakan ang kamay niya, ngumiti lang siya saakin at nakipag usap.

“Karma siguro ito. Andrew, sorry talaga. Ngayon alam ko na kung gaano kasakit yung nagawa ko sayo.” Nakita ko na parang iiyak nanaman si Ashley, kaya pinigilan ko na ito sa mga susunod na sasabihin niya.

Sinabi ko sa kanya na matagal ko nag inalis sa isip ko ang mga nangyari. Inamin ko sa kanya na mas malaki ang mga naging kasalanan ko sa kanya kaya wag niya iisipin na nakarma siya sa nangyari. Biniro ko nalang si Ashley na kung pwede ko ba gulpihin ang ex niya.

“Gusto ko sana, kaso mabuti na yung ganito. Malaki na pinag bago mo, mas gusto ko na yung bagong Andrew.”

Humaba ng humaba ang kwentuhan namin ni Ashley, may mga oras na bigla itong natatahimik na parang nag iisip ng malalim pero ngingiti nalang ito mag isa at tatawa.

“Mag papakamatay ka lang airfreshener pa, next time nga pakilala mo muna ang mga manliligaw mo.” Biniro ko si Ash bago ako mag paalam na uuwi na ako, pero pingilan ako nito at nag salita na parang bumubulong.

Tumingin ito saakin na parang iiyak nanaman. “Hindi ba ikaw yung tao na para sakin? Mali ba na hiniwalayan kita?” Tumahimik si Ashley at pansamantala akong natulala.

“Sana nga ako yun para hindi na tayo mahirapan pa mag hanap, pero alam natin sa isa’t isa na hindi tayo magiging masaya. Ang mahirap kasi satin, kaya natin maniwala na masaya tayo, pero in the end of the day we make bad decisions kasi hindi naman pala talaga dapat.”

Nag buntong hininga lang si Ashley at ngumiti, feeling ko matagal na niya gusto sabihin iyon pero ngayon lang niya nagawa. “Gusto ko maka move on kagaya mo, yung makalimutan lahat ng nangyari sakin. Gusto ko din mag bago, maging kasing tapang mo.”

“Kung ang pag move on ay parang utang for sure lahat bukas madali ng kalimutan. Kaso hindi naman ako nakalimot, tuwing maalala ko yung nangyari sakin, dun ako huhugot ng lakas para sabihin ko sa sarili na kaya ko mag forward.”

Kumunot lang ang ulo ni Ashley na parang naguluhan sa sinabi ko. “You mean to say wag ako mag move on?”

Hinawakan ko ang kamay ni Ash at hinalikan sa noo, sabi ko na matulog na siya at maaga pa ako bukas para sa interview ko. Bago ako tuluyan lumabas sinagot ko ang tanong niya. “Hindi mahirap mag move on lalo na pag nasaktan tayo, kaso iba ang pag move on sa pag move forward. You have to move forward so that you can completely move on.”

Naisipan ko dumaan sa bahay nila Ashley para check ito bago dumirecho sa bahay, palibasa parehong nasa ibang bansa ang parents niya katulong lang niya ang naiwan sa bahay. Sandali akong nag park sa tapat at tumawag sa loob para tignan kung nandun ang katulong nila.

Matapos ko kausapin ang katulong nila sa cellphone nakita kong nag patay na ito ng ilaw sa loob ng bahay. Aalis na sana ako pero may nakita akong babaeng nakatayo sa tapat nila, hinihintay ko kung may gagawin itong masama. Nagtaka ako kung bakit nakakapasok ang mga kagaya niya sa loob ng subdivision nila Ash.

May ilang minute rin siyang nakatayo lang sa tapat ng bahay, maya maya pa ay bigla itong napaluhod at tuluyang napahiga sa kalsada. Lumapit ako sa babae at tinignan siya, pinipilit ko gisingin pero wala itong kibo. Tatawag na sana ako sa guard house pero napakiramdaman kong parang nahihirapan siya huminga.

Tinawagan ko agad sila Dumbo habang nag mamaneho at sinabihan siyang kitain ako sa hospital. Dumirecho ako sa emergency room kasama ang babaeng naka higa sa kalsada. Sino kaya siya? Ano ang ginagawa niya sa tapat ng bahay nila Ashley? Paulit ulit ko itong iniisip bago dumating si Dumbo.

“Pare ano ang nangyari? Hindi ko maintindihan masyado ang kwento mo sa telepono.” Hindi ko agad masagot si Dumbo dahil dumating ang nurse at tinatanong kung sino at kaano aano ko ang babae. Wala ako maisagot at nakita ni Dumbo na parang naguguluhan ang nurse sa mga sinasabi ko.

“Asawa niya, pabayaan niyo na muna nurse at medyo in schock pa ang kaibigan ko.” Asawa? Napatingin lang ako kay Dumbo na may halong pag tataka. Napansin naman niya ito kaya nag explain siya agad.

“Hindi mo kilala yung babae dinala mo dito, baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao. Mabuti ng sabihin natin na related kayo at kausapin nalang natin siya once nagising na.” Naiintindihan ko ng malinaw ang lahat ng sinasabi ni Dumbo, pero paulit ulit sumasagi sa isip ko ang salitang asawa.

Pinaliwanag ko lahat kay Dumbo ang nakita ko at kung bakit ko siya dinala sa hospital. Mas nakaka kaba kung aalis ako sa lugar kung saan siya hinimatay baka may nakakita pa at pag isipan ako ng masama. Paulit ulit si Dumbo ng tanong kung sino ang babae pero wala parin ako masabi.

Habang nag kakape kami sa labas ng emergency room lumapit ang doctor at sinabing ayos na ang lagay ng babae. Nahirapan lang daw ito huminga dahil dahil may na inhale na toxins, although hinihintay pa nila ang results ng skin test dahil may mga rashes daw ito sa likod.

Kinausap ko ang nurse kanina at sinabi ko kung pwede ko na ilipat sa private room ang asawa ko. Tinatawanan ako ni Dumbo dahil maka feeling asawa daw ako. Gusto ko sana daanan si Ashley para sabihin sa kaniya kung ano ang nangyari pero mas mabuti ng hayaan ko na muna siyang mag pahinga.

Ilang minuto rin kami nag hintay hanggang makalipat kami sa ng kwarto. Tinitigan ko sa muka yung babae, parang pamilyar siya pero hindi ko masabi. Sa totoo lang maganda yung babae, maamo ang muka niya at makinis ang balat niya, akala ko nung una palaboy pero mukang mas mayaman pa sakin.

“Pare pwede ko ba iwan sayo itong babae? Maaga pa ang interview ko bukas eh, unang trabaho pa naman ito na applayan ko.” Paulit ulit ko kinulit si Dumbo para makauwi na ako, buti nalang at napapayag ko ito wag ko lang daw sasabihin sa girlfriend niya.

Dumaan ako sa kama at sinilip ulit ang babae, nagulat ako ng bigla itong nagising at tumitig sakin. Out of nowhere tinawag niya ang pangalan ko, nagulat at naguluhan ako kung bakit niya ako kilala. Mag sasalita na sana ako pero bigla ulit itong pumikit at natulog.

Tumawa lang si Dumbo sa nakita niya. Nag paalam na ako sa kanya at naiinis narin ako sa kakatawa niya. Habang nag lalakad iniisip ko bakit ako kilala ng babae na hindi ko pa nakikita. Dumating ako sa bahay na pagod na pagod na, iniisip ko parin kung sino ang babae kanina pero feeling ko rin na pamilyar siya pero hindi ko naman maalala kung saan ko siya nakilala.

Bago Mag Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon