Almost five years narin ang nakakalipas ng makilala ko sila Mama at Papa. Habang tumatagal lalo ko nararamdaman ang pagiging normal na tao. Usually magkakasakit ako pag malapit na ang birthday ko. Lagi ko napapaginipan yung gabi na nakilala ko sila Mama, usually may nakikita akong lalaki na kayakap ko na nakatitig lang sakin pero hindi malinaw sakin what he looks like.
Claire, bakit parang namumutla ka? Ayos ka lang ba? Yan ang tanong sakin ni Kat habang namimilipit ako. “It’s that time of the month na kasi.” Grabe ang pamimilipit ko pag ganito. Para akong pinaparusahan, sinabihan ako ng Supervisor ko na magpahinga nalang muna at tulungan nalang sila Kat once maging ayos na ang pakiramdam ko. Buong shift yata ako nasa clinic para magpahinga.
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Feeling ko masusuka ako, natakot ang nurse sa clinic at tinawagan ang company doctor namin. Sabi ko ayos lang ako gusto ko lang mag CR.
Kahit anong pilit ko hindi ako masuka pero unti unti nag flashback sakin yung nakahiga ako sa kawalan at may kausap. The image of my past was so vivid na parang bumalik ako sa nakaraan. Nakita ko yung mag asawang nag dala sakin sa hospital at tinulungan ako mag simula bilang isang normal na tao. May kailangan ako iligtas, yan ang paulit ulit nag lalaro sa isip ko.
“Ms. Claire! Ms. Claire!” Nagising akong nakahiga sa clinic. Nakita ko ang nurse namin na naiiyak habang pinipilit ako gisingin. Pinipilit ko umupo pero sobrang sakit ng ulo ko. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari.
“Binuhat ka kasi nila manong guard papunta dito. You passed out sa CR. Buti pa mag patawag na ako ng ambulansya para dalihin ka sa hospital.”
Sabi ko na ayos lang ako at kailangan ko lang mag pahinga at tatawagan ko nalang ang boyfriend ko para magpasama sa hospital para magpa checkup. Pero pinipilit parin ako ni Nurse Sherl na mag padala na sa hospital.
“Sure ako. Mag rest lang ako. Mamaya mag papa check up ako promise, pwede ba na mag rest muna ako dito hanggang dumating dito si Mark?”
Tinawagan ni Sherl ang para ma inform siya kung ano ang nangyari. Sinubukan ko tawagan si Mark pero hindi sumasagot. Nakita ko din sa inbox ko ang sunod sunod na Happy Birthday. Nawala na sa isip ko na birthday ko ngayon.
Buti nalang mahaba ang pila sa recruitment office ng dumating ako. Late ako ng 30 minutes, may oras pa para kalmahin ko ang sarili ko at mag focus sa interview ko. Naalala ko parin kasi yung babaeng nasa hospital, buti nalang at binantayan siya ni Dennis. Hindi parin niya ako na update kung nagising na ba yung babae. Habang binabasa ko ang laman ng resume ko narinig kong tinawag ng receptionist ang pangalan ko.
Receptionist: Mr. Recante
Andrew: Yes, I am here.
Receptionist: Please proceed to room number three at the right side of the hallway.
Andrew: Okay ma’am. Thanks.
First time ko ma interview sa trabaho. Nag hahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Pinayuhan ako nila Dumbo na wag na wag ko daw ipapakita na kinakabahan ako, kailangan confidence and looking sharp daw. Wag din daw ako papayag na mababa ang sweldo kahit first time ko lang mag trabaho. Habang papasok sa pinto nakita ko yung HR na mukang masungit pero naka ngiti. Para siyang hindi gagawa ng matino, yung mga contrabida sa pelikula na akala mo mabait pero yung pala may masamang intention sayo.
HR: Mr. Recante?
Andrew: Yes ma’am.
HR: Please take a sit. How do you want me to call you?
Andrew: Just call me Andrew or Baby.
HR: Baby?
Andrew: That’s a joke, my exes call me baby because bae is to cliché.
HR: I like your sense of humor, but I’m not your ex unfortunately.
Andrew: Sorry ma’am.
HR: Just call me Anna.
Andrew: Okay Anna.
Ang dami niyang tanong sakin, buti nalang kayang kaya ko sagutin, minsan nakikita ko siyang napapa ngiti sa mga sagot ko. Hindi ko alam kung good or bad sign yun, tipong ngiti na parang yari ka sakin at bibitayin na kita. Matapos ang 30 minutes ng palitan ng tanong at sagot sinabi niya sakin ang offer nila.
“ We can hire you since I feel you have the capability to grow in this company but since you do not have much experience this is what I can offer you.”
Pinakita sakin ni Anna ang papel na may amount, sabi sakin ni Dumbo pag feeling ko masyadong mababa ang offer sakin wag ko tanggapin dahil marami naman company na willing mag bigay ng mas malaki. Same field of work pero mas malaki ang offer at incentives so bakit daw kailangan ko mag settle for less.
“ Anna, I think that’s a good offer but I feel I deserve more. I am sorry but I think I will have to reject this offer.”
Numiti lang sakin si Anna na parang nanghihinayang. “I am sorry to hear that Andrew. I’m disappointed because I feel you will accept this and stay with the company. So far this is the only amount I can offer you since this is your first job.”
Humingi nalang ako ng pasencia at nagpasalamat sa naging outcome ng aking first interview.
Lumabas na ako sa room at dumirecho sa reception para mag surrender ng ID. Nakita ko yung guard na may dalang wheelchair papunta sa isang pinto ng biglang lumabas ang isang babae.
“Ayos na ako, salamat nga pala at dinala mo ako sa clinic, pero hindi ko na kailangan ng wheelchair direcho na ako magpa check up. Salamat.”
Tiniklop ng guard yung wheelchair pero inalalayan parin niya yung babae. Nanlamig ako bigla, tumahimik ang lahat. Nag flashback ang pangyayri sakin five years ago. Gusto kong magsalita, pero hindi ko mahanap ang boses ko, gusto ko lumakad papunta sa babaeng matagal ko ng hinahanap pero hindi ako makagalaw.
Totoo na ba lahat ito? Siya ang babaeng nagligtas sakin, unti unti kong naramdaman ang kamay kong tumataas para sabihin sa kanyang Hi. Pero dumaan lang siya sa harapan ko na parang hindi ako kilala. Sure ako na siya ang babaeng nakita kong nakayakap sakin. Ang babaeng nag bago ng buhay ko.
“Sir! Sir! Mr. Recante!” Biglang bumalik ako sa realidad ng mawala siya sa at sumakay ng elevator. Narinig ko si Ms. Receptionist na tinatawag ako. “Sir, here’s your ID.”
Bigla ko tinanong ang receptionist kung sa kumpanya nay un nagtatrabaho ang babaen dumaan sa harapan ko. Hiningi ko ulit ang badge ko at sinabi ko na may naiwan ako sa room kung saan ako na interview.
Mabilis ako tumakbo pabalik kay Ms. Anna, kinakabahan ako sa sasabihin ko sa kanya. Sana pumayag siya sa gusto ko. Nakita ko na may kausap siyang iba. Nandun nanaman yung ngitin niya na parang may bibitayin nanaman siya.
“Excuse me. Ms Anna.I forgot something.” Hingal na boses ko habang kinakausap ang nag interview sakin.
Nakataas ang kilay niya na parang tumingin sa inuupuan ng isa pa niyang interviewe. Hinahanap niya siguro kung ano ang naiwanan ko.
“I left my job offer. I feel that my destiny is to be in this company. I promise I will not let you down.”
“Good to hear that Mr. Recante. Come back here tonight for you job offer, for the meantime complete your requirements. Get the list from the reception.” Ngumit lang sakin si Ms. Anna at pinasalamatan ko ito for giving me another chance.
Hindi ko ma maipaliwanang yung saya na nararamdaman ko ng mga oras nay un. Yung ngiti ko parang kagaya na ng kay Anna. Yung nakakalokong ngiti na parang walang gagawin mabuti.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko, pakiramdam ko lahat ng tao na nakakasalubong ko ay isang lang ang nasa isip. “Ano kaya ang problema nitong baliw na ito?” Nag balik ako sa sarili ko ng marinig ko ang cellphone ko na tumutunog.
“Pare gising na siya, pero ayaw naman mag salita. Ayaw din kumain. Pumunta ka na dito.
Sinabihan ko si Dumbo na papuntahin narin sila Boks at Dennis dahil may good news ako sa kanila. Hindi ko mapigilan na mapasigaw sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang saya. At least pwede ko na sabihin sa mga kaibigan ko na totoo na may babae sa loob ng sasakyan ko five years ago.

BINABASA MO ANG
Bago Mag Happily Ever After
RomanceIt was supposed to be a love letter turned to a fictional story. How a man has to fight for love and search far and wide just to understand what needs to be sacrificed for the person we love.