Chapter 7 : Injured Again

7 0 0
                                    

“Happy Birthday Anak!” Bati sakin ni Mama habang buhat buhat ang favorite kong cake. Nakangiti lang sila sakin ni Papa habang nakatayo sa tabi ng kama.

“Sa dinami dami naman ng araw na maoospital ka sa araw pa ng birthday mo.” Malambing na sabi ni Papa habang inaabot sakin ang regalo niya.

Every year nalang yata ako nag kakasakit tuwing birthday ko pero ito lang ang unang beses ako ulit na hospitalize after 5 years. Inabutan nalang ako ng guard sa CR na walang malay at nagising nalang ako sa kama ng clinic.

“Nasan na ang boyfriend mo? Siya ang tumawag samin ng dalahin ka niya dito.”

After ako ihatid ng boyfriend ko sa hospital tinawagan niya sila Mama at nag paalam na sakin na aalis muna siya at may importanteng meeting daw sila sa office. Mabait na boyfriend si Mark, ideal man kung sabihin nila Mama. Nakwento ko sa kanila na malapit na ma promote si Mark kaya kinailangan niya umalis agad.

“Claire make your wish na.” Hawak parin ni Mama yung cake at hinihintay ako na hipan ang kandila sa ibabaw. Marami sana ako gusto hilingin pero isa lang ang talagang gusto ko eversince makilala ko sila Mama at Papa. Gusto ko maalala lahat ng nangyari sakin bago pa man nila ako nakita.

Hinipan ko ang cake at hinalikan si Mama at Papa. Ngumit lang sila sakin at hinawi ang buhok ko at sabay nila akong niyapos. Kahit hindi ko kilala ang mga totoo kong magulang hindi sila nagkulang para iparamdam na totoo nila akong anak.

Napansin ni Mama na parang may malalim akong iniisip. Tinatanong nila ako kung bakit pero natawa nalang ako at nakwento ko sa kanila kung ano ang nangyari sakin sa office bago ako pumunta sa hospital.

“Dejavu ang tawag jan anak, yung feeling mo nakita mo na pero hindi mo maalala.” Dejavu? Paulit ulit ko yun iniisip, may nakasalubong kasi ako sa opisina na parang kilala ko pero hindi ko na pinansin ng kawayan niya ako.

Madalas akong lapitan ng mga lalaki kahit saan ako magpunta pero mas pinili ko maging suplada dahil kadalasan bastos ang mga nakaka salubong ko. Sabi ni Mama sa kanya daw ako nag mana kaya suplada ako at sa kanya ko din daw nakuha ang looks ko.

Masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay ng biglang pumasok ang doctor ko sa kwarto. Biglang natahimik sila Mama na parang medyo nag aalala.

“So far ok naman ang lagay mo, lahat ng test mo ay ayos naman so hindi kayo dapat mabahala.” Buti naman at ayos lang kalagayan ko at walang kakaiba. Kahit si doc ay napapansin kong minsan sumusulyap sulyap sakin. Minsan naiilang ako sa kanya since nakita na niya akong nakahubad ng mag conduct sila ng physical exam sakin.

“Claire, naalala mo yung rashes mo na naging peklat sa likod?” Lalo lang ako nailing kay Doc kung bakit kailangan niya bigla nabanggit ang tungkol sa peklat ko.

Nagtataka akong nakatitig sa kanya at nag hihintay kung ano ang sasabihin niya. “May pasyente kami kagabi na may same problem ng kagaya mo. Ang nakakapagtaka meron siyang same rashes sa likod na naging peklat kinabukasan.”

Medyo nagulat ako sa sinabi ni doc at tinanong kung pwede ko makausap yung pasyente na sinasabi niya. Pero sinabi nito na kakaalis lang nila ilang oras bago ako dumating. Pinipilit ko siya na sabihin sakin kung sino ang pasyente at kung may way para makausap ko.

“Wag ka mag alala, sasabihan ko ang asawa niya if you can arrange a meeting with them.” Ibibigay ko nalang ang contact information mo sa kanila para sila nalang ang tumawag sayo.

Naiintindihan ko na confidential ang mga information ng mga pasyente kaya hindi ako mapag bigyan ni doc. Sinabi ko nalang na ayos lang sakin kung ibigay niya ang contact information ko para makausap ko sila.

Bago Mag Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon