Naririnig ko si David na tinatawag ang pangalan ko ng paulit ulit. “Ayen, Ayen naririnig mo ba ako?” Tinignan ko si David na nakatayo sa harap ko. Halata sa muka niya ang magpa dismaya at lungkot.
“Sir David?” Naalala ko ang ginawa ko a few moments ago. Pinilit ko revive si Ashley ng magtangka itong mag suicide. Hindi ito ang unang beses na ginawa ko ito. Alam ko na ang mga susunod na mangyayari samin ni David.
Tinulungan niya ako tumayo at inalalayan para makaupo sa isang tabi. Naalala ko ang lugar na ito, ilang taon narin ang nakakalipas ng huli ako nandito para kausapin si Ashley at ayusin ang contract namin.
“Hindi ko inaasahan na sa lahat ikaw pa ang magkakamali ng ganito, akala ko natuto ka na sa mga nangyari sayo nuon.”
Naalala ko yung unang beses ako binigyan ng assignment bilang guardian angel. Muntik ko na suwayin ang mga utos sakin pero buti nalang at napigilan ako.
“I assume alam mo na ang mangyayari sayo at ang mga consequences ng decisions mo?” Tumungo nalang ako at pinipigilan ang luha ko. Naalala ko tuloy si Ashley na mahimbing na natutulog matapos ko gamitin ang kapangyarihan ko bilang guardian angel.
Nabanggit ni Sir David ang kalagayan ni Elisa, pinaalala niya sakin ang mga dahilan ng pag bantay ko kay Ashley. Sinabihan niya na ako na kinailangan ko din gabayan si Elisa dahil unang mission niya si Andrew bilang guardian angel.
“Just make sure na kung magkikita man kayo ulit ni Elisa gabayan mo siya sa tama. We cannot control your decisions once na naging tao na kayo.” Nalungkot ako habang iniisip na wala na akong magagawa para bantayan pa ulit si Ashley, hindi ko na siya pwede iligtas anytime na gustuhin ko.
May sinabi sakin si Sir David bago ito mawala sa harap ko na tuluyang ikinabahala ko kung magkikita man kami ni Elisa ulit. “On your fifth year bago mo makalimutan lahat, kailangan mo na gawin ang mga kailangan mo ayusin.”
Naglakad papalayo si David at lumiwanag ang lahat, wala na akong ibang nakita matapos nuon. Naalala ko nalang ang bahay nila Ashley at ang muka ni Anderw na binubuhat ako.
“Ayen! Hoy Ayen!” Nakita ko si Andrew sa may pintuan ng bahay. Tinatawag niya ako na parang nababahala. Nawala ako sa pag day dream ng lumapit siya sa tabi ko at tinanong ako kung ayos lang ba ang lahat.
“Tumawag sakin si Ashley kanina baka gusto mo daw lumabas mamayang gabi lagi ka nalang daw kasi nandito sa bahay.”
Tumungo nalang ako at sinabi ko sa kanya na gusto ko lang muna mag pahinga. He insisted na sumama ako since kukulitin daw siya ni Ashley kapag wala ako. Napa payag rin niya ako matapos ang sobrang pangungulit.
“Wala ka bang pasok bukas at parang napapayag ka nila Ashley at Dumbo? By the way kamusta na nga pala yung dream girl mo sa office?” Pang aasar ko kay Andrew.
Hindi ko alam kung naasar ba sakin si Andrew dahil sa sinabi ko or talagang may malalim lang siyang iniisip. Bigla siyang napasandal sa sofa at napatingin sa kawalan. Narinig ko na nag buntong hininga siya at humarap sakin.
“Biro lang Andrew, mukang hindi maganda araw mo, mas panget pa yata sayo.”
Ano ba ang nangyari?” Binawi ko agad ang pang aasar ko sa kanya na nakatingin sakin na parang seryoso.
Nagulat ako sa tinanong niya sakin. Ngayon ko lang naisip kung na in love na nga ba ako. Parang wala pa akong naririnig na guardian angel na na-inlove. Bukod sa imposible para saamin, ngayon ko lang naranasan na maging tao.
“Sa totoo lang hindi ko din alam, siguro ako yung may pusong bato.” Pabiro kong sagot kay Andrew, alam ko kung sino ang tinutukoy niya at kung bakit niya ako tinatanong ng ganitong bagay. Alam ko din na imposible ang gusto niyang mangyari.

BINABASA MO ANG
Bago Mag Happily Ever After
RomanceIt was supposed to be a love letter turned to a fictional story. How a man has to fight for love and search far and wide just to understand what needs to be sacrificed for the person we love.