Minsan napapaisip ako kung may mga taong walang pang-intindi o gusto lang mambwisit. Nakakairita eh! Pangit na nga, akala mo naman pagbibigyan ko siya!
"Reese, kahit tanggapin mo--"
Inis akong bumaling sa isang lalaking kanina pa nangungulit. Galing ibang section at walang magawa kundi ang ipilit na tanggapin ko ang binibigay niya.
"Tigil-tigilan mo ako" malamig kong sabi at naglakad nang mabilis. Agad na nagsihabol ang mga kaibigan ko. Natabig naman ako ng kung sinong tumakbo at nairita ako lalo nang makita kung sino ulit iyon.
Nasa harapan ko na ito at pilit na ibinibigay sa akin ang sandamakmak na chocolate.
"Buo na araw ko kapag tinanggap--"
Walang pasubali ko iyon kinuha ay hinagis sa mga halamanan. Wala akong pakialam kung sino man ang nakakita.
"Mukha mo pa lang sira na araw ko" sabi ko at dinaanan siya.
Nakakainis! Ang ganda ganda ng mood ko kanina dahil maayos ang nakuha kong score sa test tapos bubungad siya paglabas ko ng classroom? Bakit hindi pa siya mamatay!
"Reese!" Tawag ng kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin.
Isa pa sila, alam nilang ayaw na ayaw ko sa mga ganon ay itinulak pa nila! Mga nagkantyawan at kung ano ano! Napapaisip na lang talaga ako na nakakapangsising naging kaibigan ko pa sila.
"Hoy, bakla! Sandali!" Si Aaron na biglang sumulpot sa tabi ko at ikinawit ang kamay sa akin. Agad ko iyon tinanggal.
Madrama niya akong tinignan. "Arte mo! Hindi tatayo titi ko sayo,aba!"
Masama ko siyang tinignan at lumayo.
"Hoy, Jandy, penge!" Si Pene nang makalapit na sa amin. Nilingon ko si Jandy na nginangata na ang mga chocolate na galing sa lalaki. Napangiwi ako at nagkasalubong lalo ang noo.
"Palamig tayo, Reese" si Zillah na ikinasang-ayon ko. Kung pwede lang na si Zillah lang ang kasama ko ay mas gugustuhin ko pa.
Sumakay kami sa sasakyan niya nang makarating kami sa parking lot. Kahit malapit lang ang pupuntahan naming café ay nagsasakyan pa rin kami. Nakakapagod kayang lakarin.
Nakasimangot at nakahalukipkip lang ako sa front seat habang ang tatlo sa likod ay patuloy ang paglantak sa mga chocolate.
"Sarap nito! Mukhang galing pang ibang bansa... Nag-iinarte pa kasi isa dyan.." pagpaparinig ni Jandy.
Lalo akong nainis at naunang lumabas ng sasakyan.
Bakit ba hilig nilang ipilit ang mga taong ayaw ko nga? Hindi ko alam kung gusto lang nilang mang-asar o mambwisit. Parehas. Kaya mas gugustuhin kong walang taong kasama, walang maingay at manggugulo ng buhay ko.
Mabilis akong sinundan ni Zillah sa loob. Nauna na kaming umorder ng madalas naming binibili. May mga nagsipasok din na ibang estudyante at ang iingay pa. Lalo akong nairita.
Umupo kami sa mesa malapit sa pader. Sinuklay ko ang buhok at tumitig sa isang painting sa pader. Pumasok na sina Pene at ang dalawang bading sa na mga nagsiorder din. Nang makaupo sila sa amin ay lalo akong sumimangot.
"Sasampalin ko 'yang mukha mo kapag hindi ka tumigil kakasimangot" si Jandy.
I scoffed and look at him mockingly. Bakas ang pagkainis sa mukha niya. "Go! Sampalin mo kung kaya mo" pagtataray ko.
"Reese" si Pene.
"Oh ano? Alam niyong ayaw ko ng gano'n!" Sabi ko. Umirap si Jandy.
"Kahit kailan ang arte mo..."
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...