Pagkatapos turuan ni Rio si Kiyota ng tamang paraan ng pagsibak ng kahoy, kung ano ang tamang sukat ng bawat panggatong ay inawan na sila ni Seki at umakyat sa itaas para muling asikasuhin si Yuika. Ginagaya ni Kiyota ang ginawa ni Rio kanina ngunit wala siyang hawak na palakol tinatansya nya muna ang sarili, nakita naman ito ni Seki at hindi nya napigilan ang sarili na matawa "Ay... ikaw ba ulit si Battousai? Haha ang kulit mo lang Kiyota-kun". Napakamot ulo naman si Kiyota "Hehe, nag practice lang ako.. Mag stretching muna ako sabi rin ni Uncle Rio", gumawa ng ilang stretching exercises ang binata para hindi mabigla ang katawan nya, makalipas ang 5 minutes ay nagsimula na siya na magsibak ng kahoy.
"Baby... palapit naman sa akin nung paglalagyan ng mga panggatong na kahoy" request ni Kiyota
"'Kay...." ginawa naman ito ni Seki at nilagay ang nauna na mga panggatong na nagkalat sa lupa
Bumalik si Seki sa may lababo sa may labas ng kusina at pinagpatuloy ang paghugas ng bigas, nilagay nya ito sa woven basket-steamer like at nilagyan ng coconut milk, sinigurado nya na lubog ang malagkit na bigas sa gata. Nilagyan nya ng pandan leaves ang ilalim ng steamer like cooking pan bago nilagay sa isa pang pan na nasa ibabaw ng kalan. Kinuha nya ang ilang panggatong mula sa lalagyan ni Kiyota at sinimulan lutuin ang 3rd batch ng rice cakes. Tama lang ang dami ng malagkit na bigas para sa ibang rice cake flavor na order sa kanila. Nagluto siya sa labas ng kitchen, marami area ng lutuan sa ibaba ng bahay ng kanyang lola. Gumawi muli ang tingin nya sa boyfriend at napagulp na lang siya -- si Kiyota kasi ay topless, hinubad nya ang suot ng tshirt marahil ay sa sobrang init na naramdaman.. "Kyaahh... may pa pandesal umagang umaga... Kaloka" bulong ni Seki sa sarili at naalala ang pakiramdam ng mahawakan nya ang abs ng boyfriend before na ikinapula ng pisngi nya...
"Kiyota... bakit ka naka topless?" nautal na wika ni Seki
"Ang init eh..." sagot ni Kiyota at patuloy sa pagsibak ng mga kahoy
"Magkasakit ka nyan..." aligagang wika ni Seki at hindi malaman kung saan igagawi ang tingin
"Uy nag blush ka ba Baby... Sabi ko sayo hot kasi ako. Haha" asar ni Kiyota sa girlfriend
Todo tanggi naman si Seki, halos dalawang dipa lamang ang pagitan nilang dalawa ni Kiyota. Pumasok siya sa loob ng kusina at kinuha ang spare face towel, lumapit siya kay Kiyota at pinunasan ang mukha ng boyfriend, sa mukha lang ng binata siya nakatingin, ayaw nya tignan ang abs nito dahil baka hindi siya makapagpigil at mahawakan nya ang abs ni Kiyota, "Uhm mag tshirt ka nga, lalagyan kita ng towel sa likod... Ang pawis mo oh" wika ng dalaga. Umiral naman ang pagiging sutil ni Kiyota "Ayaw ko nga... Baby, punasan mo naman yung katawan ko or rather my abs... Hihi". Sa sobrang ilang ni Seki ay hinampas nya ng towel ang katawan ni Kiyota "Aray" pag daing ng binata.. "Umayos ka baby" pagbanta ni Seki. Binulungan naman ng binata ang girlfriend nya "Baby... huwag ka nga magpa cute... naalala ko nangyari sa atin nun, ang tagal na rin baka naman" at nag wink pa. Hiyang hiya naman si Seki at piningot ang boyfriend "Magtigil ka nga.. Nakakahiya ka" mahinang sabi nya. Nasaktan naman si Kiyota sa pagpingot sa kanya "Ouch.... Baby... Sorry na... Tama na.. Aray, mag sibak na ulit akong kahoy". Nilubayan na siya ni Seki at padabog na nagpunta sa niluluto.
.....(Meanwhile)
Habang nag momoment sina Seki at Kiyota, hindi namalayan ng couple na may nagmamasid sa kanya, si Olivia ito at kinunan ng pictures and video ang dalawa "Multi tasking ka gurl?" comment ng dalaga sa sarili. Hindi nya narinig ang bulungan ng dalawa, kilig na kilig ang kaibigan ni Seki sa eksena na nasaksihan nya kanina. Hindi alam ng dalawa ngunit kanina pa siya nagtatago sa puno. Halong 30 minutes na naglalambingan ang couple bahagya malayo ang puno kina Seki at Kiyota pero makikita nya pa rin ang bawat kilos ng dalawa. Nakaupo siya sa isang sanga, paano siya nakaakyat ay hindi nya maalala ang dahil ang nasa isip lang niya ay macapture ang sweet moments nina Kiyota at Seki. Medyo nahiya rin siya ng makita na topless si Kiyota.
"Ay ang hot pala ni Papa Kiyota... Kaya naman pala nafall si besty sa kanya.. Kyaah... kakakilig naman sila... May papunas ng pawis... Sene ell" todo kilig at pabebe pa sa dulo si Olivia habang nakatingin sa lense ng video cam. Sa sobrang focus ng dalaga ay hindi nya namalayan na may nagmamasid sa antics niya at mahina nagbubulungan sa likod na bush.
"Ano ginagawa ni Oli sa puno?" takang tanong ni Ikegami
"Ang dapat na tanong... paano siya naka akyat eh chibi yan eh Haha" comment ni Sakuragi
"Alam ko irecord nya ang moments ni Kiyota at Seki, wala sa usapan ang buwis buhay na documentary" paliwanag ni Jin
"Yun oh kilig na kilig pa" comment naman ni Takasago
"Ang hot daw ni Kiyota sabi ni Oli" singit ni Fukuda sa usapan
Gumawi naman ang tingin ng lahat sa naghaharutan na couple -- Kiyota at Seki. Topless nga si Kiyota at hinaharot ang girlfriend nya. "Hindi ko alam na mahilig si Oli sa pa pandesal. Haha" comment ni Maki, si Hikoichi ay nagsulat sa notebook "I record ko yan.. Since best friend sila ni Seki". Hindi naman nagustuhan ni Jin ang sinabi ni Maki kaya tinawag niya ang atensyon ng nasa puno.
"Oli..." untag ni Jin
"Ay kalabaw... sino yun parang may tuwag sa akin"
"Cinnamon.. sa baba" wika muli ni Jin
Tumingin naman si Olivia sa ibaba ng puno habang naka focus ang mata sa lense ng video cam at nakunan nya ang pagkaway ng mga kaibigan at katrabaho ni Kiyota. Kumaway rin ang dalaga
"Hello, kanina pa ba kayo?" tanong ni Olivia, nag nod naman ang boys
"Ano ginagawa mo sa puno?" takang tanong ni Takasago
"Nirecord ko sweet moments nila Besty and her boyfie... Sabi ni Mamita dapat far away ako, I'm small kaya naisip ko na sa puno mag hide... hindi ko alam kung paano ako naka akyat dito hehe"
"So hindi ka makababa" tanong ni Hasegawa
"Yiz!"
"Oli... tumalon ka sasaluhin kita" pag volunteer ni Sakuragi
Nakita ni Jin na may sparkle ang mata ni Olivia at sa tingin nya ay kinonsider ang sinabi ni Sakuragi, hindi nga siya nagkamali "'Hmmm...'Kay... ", tinurn off ng dalaga ang videocam at nilagay sa suot na backpack at walang sabi sabi ay tumayo sa sanga at tumalon. Nagulat naman ang boys, maging si Sakuragi mabuti at nasalo nya nga ang dalaga "Thanks Sakuragi... pakibaba na me.. Haha may pa abs pa ako na titignan hihi". Ginawa naman ng binata ito at nakita na mabilis kinuha ni Olivia ang video cam at nag focus na kina Kiyota at Seki.
"Go besty!! Kyaah... Bagay talaga si Seki-chan and Kiyota-kun.. Si Lola Risa naman ang daming alam na paandar. Hehe"
"Ay naghaharutan na naman yung dalawa.. Juice Colored dinaig ang Thailand Drama... Kdrama is so 5 years ago"
"Kyaahhh"
Napailing ang boys dahil kinakausap ni Olivia ang sarili nya, lumapit naman si Hikoichi "Oli... mahilig ka pala sa pandesal. Haha", nagets naman ng dalaga ang sinasabi ng binata "Excuse me, wala ako interest kay Oppa Kiyota kahit papabol siya... Kay Seki-chan yun.. Kinilig lang aketch... Besides sa kdrama and thai drama lang ako nakakakita ng papandesal ng mga Oppa. Haha", nagshare ng laugh ang dalawa "Oi ikaw, kuya yung ewan ko kung tapyas sa buhok style yan, help mo naman ako mag record since matangkad ka" tinuro ni Takasago ang sarili "Oo ikaw nga, ito yung extra camera picturan mo sila", at inabot ni Olivia ang camera. Natawa naman ang boys sa description ng dalaga sa buhok ni Takasago.