"Bakit ka pa nandito? Gabi na, Astrid," inilagay nya ang mga bagong stock ng pagkain sa tama nitong estante. Bumangon ako mula sa pagkakaupo at tinulungan sya sa trabaho.
"Ako na, magpahinga ka na muna, Astrid," inaagaw nya sa akin ang basket pero inilayo ko yun sa hindi nya maaabot.
"Ikaw ang magpahinga, Kiko. Ako nang bahala dito," hindi sya nakinig. Natawa lang sya nang mahina at muling ibinalik ang atensyon sa mga naglalakihang estante. Kita ko ang mumunting mga pawis sa noo nya. Tahimik kong ibinalik ang basket sa tamang lalagyan at sinimulang punasan ang mga upuan at table.
"Astri-
"Kiko, ako na," hindi ako nagpapigil. Sa huli ay hinayaan nya akong gawin ang gusto ko. Nakaramdam ako ng init kaya hinubad ko ang coat at scarf ng uniform namin. Mabilisan kong itinali ang buhok gamit ang ribbon ng coat. I felt a little comfy with my high ponytail. Mas nakagalaw ako nang maayos.
Nagsimula akong magmop ng sahig samantalang sya ay tahimik na nagbibilang ng pera sa counter.
Bakit nga ba ako nandito? Kung nagsasalita lang ang lapis at puting kartolina, kanina pa ako pinagmumura at pinauwi ng bahay. Kasalanan ni Kiko, iniwan nya ako agad sa field. Not knowing na may isa pa akong gustong sabihin sa kanya. Nagkamali ako ng calculations. Dapat inuna kong sabihin yun bago ako nagtanong ng ibang bagay.
"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Tanong nya.
"Nagpaalam naman ako."
"Gabi na-
"Pinapaalis mo ba ako?"
"Hindi!" Itinaas nya ang dalawa nyang kamay. He pouted. "Huwag kang umalis," bakas ang hiya at takot sa mukha nya.
"Good boy," I smirked.
Ibinalik ko ang panlinis at nagtungo sa mga gamit ko para maghanda sa pag-alis. Kumuha ako ng ilang pirasong chichirya at madalian itong binayaran sa counter.
"May susundo ba sa'yo? Ihahatid na-
"No. Parating na si Ashton in five minutes," tumango sya at walang ganang binigay sa akin ang mga pinamili ko. I lifted my guitar, tinulak ko ang glass door pero iniwan ko lang itong nakabukas.
"Kiko," tawag ko. "Kakanta na ulit ako," nanlaki ang mga mata nya at tila gulat sa narinig.
"Anong sabi mo?" He's grinning. Sumigla ang mga mata nya.
"Ang sabi ko, kakanta na ulit-
"Ano ulit? Hindi kita marinig?" Pinatay nya ang tugtog na nanggagaling sa speaker ng convenience store. Hindi man ganun kalakas ang Lofi music na nakaplay dun. Sadyang gusto nya lang talagang magpapansin.
"Kiko," I paused. "Kakanta na ulit ako," lumabas sya sa counter at nilapitan ako sa kinatatayuan. I could smell his vanilla perfume from here. I was too focused on his expressive smile.
He leaned and gently patted my head.
"Kaya nagustuhan kita," he exclaimed. "I'm rooting for your Fearless, Astrid's Version," I scoffed. Swiftie things.
Hindi naalis ang ngiti ng lalaking kaharap ko. His eyes were so happy. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito kasaya habang nakatitig sa isang babae.
"Kiko," muling tawag ko.
"Hmm?"
"Thank you," he smiled.
BINABASA MO ANG
One Lyric Away
RomanceI fell inlove with someone whom I thought I'm going to spend my life with, but unluckily, it turned out that he spent his rest with someone like me. © All Rights Reserved, 2021