Chapter 15 - Part 3 of 3

11.4K 310 7
                                    

CHAPTER 15 - Part 3 of 3

Hindi naman din nagtagal ay nakarating na sila sa meeting place na sinabi ni Shin Woo.  Tulad nang inaasahan ay nandoroon na ito at naghihintay sa kanila.

                "Hey... " Si Shin Woo na tinanguan pa ang babae na noo'y halata ang tensyon sa mukha.

                "I hope this will work," malamig pang sabi ni Tae Kyung. Nakadagdag pa ang selos na hindi mawala-wala sa dibdib niya.

                "I think this will work..."  Mahigpit pa nitong hinawakan ang kamay ni Minam na talaga namang kulang na lang ay magyelo sa sobrang lamig.

                Pigil naman ang damdamin ni Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon.  Hindi niya gustong may humahawak na iba rito.

                "For now, she's mine."  Makahulugan pa nitong tiningnan sa mga mata ang tila nagulat pang leader nila.  "I'll take care of her."

               Hindi naman na nakuhang makapagsalita pa ni Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon.  May kakaiba kasing dating sa kanya ang mga salita ni Shin Woo.  At hindi man nito sabihin ang totoong nararamdaman nito para kay Minam, isa lang ang sigurado niya, karibal niya ito.

                "Hey..."  Saglit pa niyang pinigilan ang babae sabay kinuha kamay nito. Inilagay sa palad nito ang clip na bigay niya.  "Everything will be all right.  Basta si Shin Woo na ang bahalang sumagot nang sumagot. Tumahimik ka na lang, ha,"  alalang pang bilin niya habang matamang nakatitig sa magandang mukha ng nobya.

                Tumango lamang si Minam sa mga pagkakataong iyon bago tuluyang sumakay sa kotse ni Shin Woo.


                At tulad nga nang inaasahan ay sumalubong sa kanila ang batikang reporter, Si Mr. Crusov.

                "I can't believe this... You and Minam are exactly the same!"  mangha pang sabi ni Mr. Crusov.

                "I told you, Mr. Crusov, sobrang identical talaga ang kambal na iyan."  Si Mr. Lin na pilit na itinatago ang kaba.  Lalo na nga't hindi rin alam ni Mr. Han na may kakambal si Minam.

                "Yeah, yeah, without papers, iisipin kong iisang tao lang sila," kibit balikat na sabi pa nito kasabay nang pagtangu-tango.  "So, she was the same girl na pumunta sa single launching ni Minam?"

                "Yes, she is..."  sagot pa ni Shin Woo na nananatiling hawak ang nanlalamig na kamay ni Minam.

                "This is good article,"  masayang sabi pa ang reporter. Mukhang kuntento naman na sa mga narinig.

                "Dapat i-build up mo pa nang maganda si Minam, Mr. Crusov..."  Si Mr. Han na sumakay na lamang kahit na sa totoo lang ay kanina lang din nasabi sa kanya ni Mr. Lin na may kakambal ito.

                "I will, I will..."  Tatangu-tango pa ito with satisfied grin on his face.  "Basta lahat ng exclusive interviews sa buhay ng A.N.Jell will be mine."

                "That is not a problem."  Si Mr. Han na tinanguan pa si Minam.

                "Maybe, I can do the interview with Gemma now?" hirit pa nito.

                "Mr. Crusov, Gemma is a very private person. Let's just leave her alone," pakiusap pa ni Shin Woo.  "Hindi sanay ang girlfriend ko sa interview. Better yet, si Minam na lang ang tanungin mo one of these days."

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon