Chapter 18 - Part 2 of 2

11.6K 270 6
                                    

CHAPTER 18 - Part 2 of 2

Kinabukasan, tulad nang inaasahan ay nagpack-up na si Tae Kyung para bumalik na ng Maynila.  Sa dulong bahagi pa lang ng hagdan ay sumalubong na ang Mama ni Shin Woo na noo'y nasa sala.

                "Tae Kyung, hijo," nahihiya pang tawag nito.

                "Yes, Tita."  Tumango rin naman siya rito kasabay nang mapaklang ngiti.

                "I am really sorry about last night. Nakakahiya ang mga pinaggagawa namin," nakangiwi pa nitong sabi. Kulang na lang ay lumubog ito sa kinakatayuan.

                "I should be the one apologizing, Tita. I was rude. Sorry po,"  hingi din naman niya ng paumanhin dito.

                "Ano ka ba, naiintindihan namin 'yun."  Bahagya pa nitong tinapik sa balikat ang lalaki.  "Natural na reaction ang sa'yo kasi ipares ba naman namin ang girlfriend mo sa iba. Pasensya ka na talaga. Hindi kasi namin alam.  Nakakahiya sa'yo," mabilis pang paliwanag nito lalo pa nga't alam niyang may kasalanan din siya sa nangyari.

                "No, it's okay, Tita."  Marahan pa siyang umiling at saglit na tinapunan nang tingin ang mga kaanak nitong nakikiusyoso sa kanila.

                "E, bakit uuwi ka na?  Nagtatampo ka yata sa amin."  Nakanguso pa ito na parang nagsusumamong bata.

                "I just needed to get back at marami pa po akong kailangang tapusin,"  pagdadahilan na lamang niya.

                "Bakit hindi mo kasama si Gemma?  Nag-away ba kayo?"  ma-intriga pa nitong tanong habang pinapanood ang reaksyon ng lalaki. Alam niyang may kinalaman ang pangyayari kagabi kung bakit nagkatampuhan ang magkasintahan. At doon siya nagi-guilty.

                "I needed to go. Thanks for the warm welcome, Tita,"  iwas na rin niya. Hindi niya gustong maungkat pa ang nangyari kagabi.

                "Sige,  ingat ka sa byahe."  Hindi na rin naman ito nangulit pa. Alam niyang hindi rin niya mapipilit ang lalaking manatili. Noon pa man ay alam niya ang ugali nito.

                Tahimik na lumabas si Tae Kyung sa bahay.  Agad ding sumalubong sa kanya si Shin Woo na seryoso ang mukha.

                "Hey, Bro," bati rin naman ni Shin Woo sabay tapik sa balikat ni Tae Kyung.

                "Hey..."  Matipid naman siyang ngumiti at pilit na pinasigla ang boses.  "Thanks for accommodating me here."

                "Ano ka ba?  Welcome ka rito palagi."  Muli ay tinapik nito sa balikat ang kabanda sabay mapait na ngumiti.

                "I need to go."  Wala pa siya sa sariling nilingon ang veranda kung nasaan ang kwarto ng nobya, pero agad ding ibinalik iyon kay Shin Woo.  "Salamat ulit."

                "Sige. Ingat ka sa byahe."

                "Thanks."  Kahit mabigat ang kanyang pakiramdam ay mapakla siyang ngumiti bago marahang naglakad palapit sa kanyang sports car. 

Agad niyang pinatunog iyon at binuksan ang pintuan ng driver's seat.  Pero ganoon na lang ang gulat niya nang pag-upo niya sa loob ay nandoon din si Minam!

                "What are you doing here?"  gulat pang tanong niya sa babae habang nagdudumilat ang mga mata.

                "Going home with you,"  nakangiti pa niyang sabi sabay ngumuso.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon