Song 6: Song Stealer
Di ako alam kung bakit.
Pero stuck talaga sa mind ko ang kanyang mukha.
And not in a good way.
Nang makabalik na kami sa bahay, kinakabahan na talaga ako.
Baka tuluyan akong paalisin na sa bahay nila Megan.
Pero, as per usual, may secret passage man pala si Megan. Dumaan kami sa likod, umakyat sa parang roof ng garden ni Tita Ella, at binuksan namin ang window ko.
"Dito ako dumadaan kung minsan ma-late ang pag-uwi."
"Kaya pala parang may nafi-feel akong tao sa loob."
"Kaya nga ate, dapat sinasara mo ang mga windows more. Malay mo, ibang tao na pala yan."
"Kung gawin ko yan, saan ka na dadaan?"
"Good point."
At lumabas na siya sa kwarto ko.
What a tiring day.
BUT AWESOME.
Inexpect kong managinip nang mabubuting bagay.
Ngayon na narealize ko na siguro tama si Megan sa potential crush na sinasabi niya.
Pero iba ang lumabas sa panaginip ko eh.
Ang mukha ni Gyn...
na gusto akong kainin.
Para siya si Tazmania.
I-monster version lang nga.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~Gyn's POV~
Shememe naman oh!
Kasakit nang lalamunan ko! Pishteh!
Nakakabanas kasi yung "writer" na iyon! Walang kwenta magsulat! May screamo effect pa!
At ung pangit kanina sa labas.
Nakikiusyosa.
Etchoserang panget.
AHH!!! NAKAKAINIS!
"Gyn! Una na kami," sabi ni Haru. "Maaga pa tayo bukas?"
"Sige! May aayusin lang ako."
"You know you have to find another song writer for us right? You just fired the recent one and it has only been a day," dinagdag pa ni Anton.
"I KNOW ALRIGHT!"
Medyo nainis na ako... as in.
Eh kasi bakit pa kasi straight English....
Nakaka-nosebleed!
Inayos ko ang mga gamit ko sa loob. Kinuha ko ang aking gitara at nilagay ko ito sa case neto.
Pinatay ko na ang mga ilaw.
Sarado na kasi ang Club 101, eh mga 2 AM na nang umaga kasi.
Buhay rockstar naman.
Paalis na sana ako sa club
Eh, meron akong nakita sa isa sa mga table.
Isa siyang notebook.
"Ano kaya laman nito."
Unknown to myself, naintriga ako sa notebook. Binuklat ko ito.
Puro mga sulat-sulat na di maintindihan ang mga unang pahina. Scribbles, school note, at may ibang "Dear Diary" passages na nakasulat.
BINABASA MO ANG
Rockstar Prince
Genç KurguStory of a girl Story of a band and how destiny took it's turn when the band stole the girl's song!? Meet Nica Santos, an ordinary girl whose hobbies are far varied - from studying to writing songs; and a band named Variance who's aspiring to be a R...