CHAPTER 01

5 1 0
                                    

(WARNING ⚠️ Very disturbing content written in this Chapter)


"I'll take care of you... Sa anumang paraan..." –Don Leon, Hasta La Proxima Vez

     
JOSEF

        
10 years ago
              

"Everything is clear, Chief" Sabi ng pulis na kasama namin sa telepono habang kausap nito ang ama ng matalik kong kaibigan, na isang Hepe.

"Hijo, maaari na tayong pumasok sa loob. Huwag kang mag-alala, maililigtas natin yang kaibigan mo." Sabi ni Tito Danielo.

I sighed in great relief. Angel... Hang on, I am almost there. I... I am so sorry.

Pagdating namin sa loob ng lumang gusali, tumabad sa amin ang ilang kalalakihan na nakataas ang mga kamay tanda ng pagsuko sa pulisya at mga babaeng kaedaran ni Angel na halos hubad na ang ilan at kapwa nagiiyakan.

The place was hideous. Miasma of stale alcohol as liquors splattered in every corner and stench of an old pot session filled my nose. A scent I am very much familiar with. I used to do pot sessions too in the past and I am certain that there was more in this place than just leaves.

I started having horrible thoughts but still hoped nothing happened to her. Hindi ko alam paano ko mapapatawad ang sarili sakaling napahamak na nang tuluyan si Angela. Ngayon pa lang, sa nakikita ko, imposibleng walang ginawa ang mga lalaking ito sa bawat kababaihan na naririto.

Angela...

Just like her name, she has this unfailing faith to her God. She believed that there's goodness hidden in each person. Ganoon ito ka inosente sa mundo.

Lagi niyang sinasabi sa akin, "You can never put a good man down" at " God is faithful to His people. He will protect those who call upon His name."

Hindi ako relihiyosong tao ngunit nang mga oras na iyon, nagdasal ako sa pinaniniwalaan niyang Diyos na sana ligtas nga siya, na sana nga proteksyunan Niya si Angela.

Inisa-isa namin ang mga silid sa abandonadong gusali na iyon hanggang sa umabot kami sa pinakdulo ng pasilyo– ang natitirang silid. Nangangatog ako habang pilit na binubuksan ng mga pulis ang silid na iyon. Natatakot akong malaman kung ano ang maaaring sinapit ni Angela sa kamay ng sindikato.

Naunang pumasok ang isa sa mga babaeng pulis. "Chief we found another girl." ang sabi nito.

I took a deep breath before going inside... which I regret right after. What I saw will haunt me forever.

Right before my eyes, there was Angela... Hindi ko mapigilan ang maluha.

She was blindfolded, her hands were tied at the back, she was wearing a worn-out loosened robe with nothing inside. She was almost stripped. She was just sitting in the corner of the bed, softly sobbing. There was amount of dried blood in the sheets and in one of her thigh. However, there doesn't seem any wound on her, except for the little scratch at the sides of her mouth.

Napapikit ako ng mariin, pinipilit kong isantabi ang mga naiisip niyang sinapit ni Angela... Gusto kong isipin na hindi siya napahamak kahit malinaw na malinaw kung ano talaga ang nangyari.

"T-tama na po. Please... Ayoko na po. Hindi ko na po kaya..." Namamaos na sumamo ni Angela. Nanginginig ang katawan nito at lalong nagsumiksik sa dulo ng kama. Hilam sa luha ang mukha.

"Ligtas ka na hija, mga pulis kami." Ani ng babaeng pulis. Doon humagulgol ng malakas si Angela, habang tinatanggal ang mga tali at piring nito.

"Salamat sa Diyos! Salamat!" sabi pa ng dalaga habang humihikbi.

Sa kabila ng lahat, nagawa pa niyang magpasalamat?! Hindi ko na kinaya pa ito! Lumabas na ko ng silid upang umiyak. Pinagbabayo ko ang dingding hanggang sa manghina ako.

This is all my fault! I am so sorry Angela! I am sorry, my Angel!

No amount of apologies will suffice with what I did to her. I know I am unforgivable. I am irredeemable.

Ang huli kong namataan ay buhat ng isang lalaking pulis si Angela, balot ito ng maduming kumot. Nakapikit lang ito at mahinang humihikbi habang nakasandal ang ulo sa sa dibdib ng pulis.

Hinarang ko ang babaeng pulis na nakasunod at sinabi nito sa akin na kailangang dalhin sa ospital si Angela upang matingnan. Hirap daw itong makatayo at makalakad.

Napatango lamang ako at nilapitan si Tito Danielo na kasalukuyang kausap ang mga tauhan.

"Maraming salamat, Hijo. Matagal na naming minamanmanan ang sindikatong ito at kamakailan lang namin nahalata na kasabwat ang club na itinuro mo." sabi sa akin ng hepe.

"Tito, babayaran ko po ang hospital bill niya. Please make sure she'll get the best medical attention. Kung maaari din po, huwag na lang niyang malaman ang tungkol sa naging ugnayan ko sa operasyong ito." sabi ko.

Tila nagtaka naman ito sa kanya sinabi ko. I told him she was an acquaintance and she may not want me to know what happened to her, so I am sending her help silently.

Nakakaunawang tumango ito at nagpaalam naman na ako. Nasa loob na ako ng sasakyan nang muling manumbalik sa akin ang sinapit ni Angela. Nahampas ko ang manibela at humagulgol muli. Hindi ako iyakin ngunit labis-labis ang kabiguan ko ngayong gabi. I failed... I was late... Hindi ko siya nailigtas. Habangbuhay ko itong dadalhin sa konsenya ko.

I know I will be punished. Others call it karma, Angela calls it a natural consequence of sin. Whatever it is, I will serve it. I deserve it.

I expelled another deep breath before I took out my phone and dialed someone. Iisang tao lang ang naiisip kong makakatulong sa amin ni  Angela. Malalim na ang gabi ngunit alam niyang nakahanda itong saklolohan siya sa mga oras na iyon.

"Josef! Ano na naman ba ito?! Marami akong pasyente bukas!"  Halatang iritado ang nasa kabilang linya, marahil ay dahil sa nagising niya ito.

I sniffed. "M-mom, I need your help..."

Iniyak ko lahat ng nangyari pati na rin ang mga nagawa ko. Napapasinghap ito sa mga natuklasan. Maging ito ay hindi makapaniwala. Pinauwi niya ako sa mansyon at doon ko lamang nakita na hindi lang basta galit sa akin ang Mommy. I never received beatings like what she did. I never thought she could do it to me either. I just kept flinching with each blows on my body. Tinanggap ko lahat kung ang kapalit ay hindi niya pababayaan si Angela.

"Masahol ka pa sa hayop, Josef! Sana hindi na lang kita naging anak!" Asik ng aking ina, maging ito ay naiiyak sa nagawa ko. Buong buhay ko, hindi ko pa nakitang nagalit ng ganito si Mommy. She had always been understanding and loving to me. She never hit me or cursed at me.

Ngayon lang.

And I've never been remorseful and disgusted of my actions. Hindi ko pa kailan man naramdaman na isa akong masamang tao.

Ngayon lang din.

That night changed everything in me and in my life.

Haunted AngelWhere stories live. Discover now