CHAPTER 20 - Part 3 of 3
Matagal-tagal ring nagphotoshoot si Tae Kyung. Ginamit naman ni Gemma ang kanyang oras sa paghihintay sa pamamagitan nang pakikipag-kuwentuhan kay Mr. Lin.
"Mukhang hindi masyadong topak si Tae Kyung, ah." Napatingin pa ito sa lalaki na panay ang pose sa stage. "Himala kasing binati ka, eh."
"Oo nga po. Akala ko nga magsusungit," sabi pa niya sabay bahagyang ngumiwi. "Pero mukha pong mas pumayat pa siya sa dati."
"Ewan ko ba sa batang 'yan." Malalim pa itong humugot nang buntong-hininga. "Tila nawalan ng appetite sa pagkain. Tapos mas masungit pa kaya 'yan kaysa noong nand'un ka."
"Talaga po?" Wala pa siya sa sariling tinitigan ang lalaki na noo'y kakapalit lang ulit ng damit. Kahit na nakangiti iyon ay hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot sa mga mata nito. Hindi tuloy niya naiwasang maawa rito lalo na nga't wala naman talaga sa tipo nito ang nagsasabi ng problema sa iba. Sa kanya lang ito nakakapag-open kahit na papaano.
"Palaging nagmumukmok o kaya nasa studio lang at kung anu-ano ang ginagawa," iiling-iling pang sabi nito at kahit na nga panay ang daldal ay siya ring pindot nito sa cellphone nito.
"Tuloy pa rin po ba ang pagpaparehas sa kanila ni Heini?" pasimpleng usisa pa niya.
"Si Heini?" Mabilis na sumungaw ang nakakalokong ngiti nito. "Dinidiskartehan kaya nang magaling mong kapatid!" natatawa pa nitong sabi.
"Really?!" Hindi siya makapaniwala gayong parang wala naman sa tipo ng kapatid na magkagusto kay Heini.
"And, I guess, mukhang nai-inlove na rin si Heini. Medyo pakipot lang," nakangisi pa nitong sabi.
"Si Minam talaga..." Umiling-iling pa siya lalo na nga't napi-picture niya kung papaano dumiskarte ang kapatid sa babae. Ang hindi lang niya ma-picture ay kung papaano tratuhin ni Heini ang kapatid.
"Ikaw, huh, matanong lang kita." Nagpaka-seryoso pa ito. "Mahal mo pa ba ang kulokoy na 'yan?" tanong pa nito sabay tingin kay Tae Kyung na nasa stage.
"Mr. Lin naman..." Agad pa siyang namula sa tanong nito.
"Nasagot mo na," nakangisi pa ring sabi nito. "Ayan, pulang-pula ka na," nanunukso pang dagdag nito.
Hindi naman na nagawang pasinungalingan pa ni Gemma ang nararamdaman. Si Tae Kyung pa rin ang nag-iisang lalaki sa buhay niya at wala nang iba.
"Hindi ka pa ba na-trauma sa ginawa n'yan sa'yo?" pag-uusisa pa nito. "Basta-basta ka na lang binalewala dahil sa kasalanan ng mga magulang ninyo?"
"Naiintindihan ko naman po ang nararamdaman niya, Mr. Lin," mapait pa niyang sabi. "Hindi naging maganda ang kabataan ni Tae Kyung. Alam ko kung gaano kasakit ang iwan ng isang ina. Nangyari din sa amin ni Minam 'yun, 'di ba po?" Mapait pa niyang pag-alala sa nakaraan. "Iyon nga lang, naduwag siyang harapin ang katotohanang anak ako ng lalaking kinamumuhian niya buong buhay niya."
"Ang sabihin mo makitid ang utak niya," inis pang sabi nito. "Hindi mo naman kasalanan anuman ang nangyari sa parents n'yo. Hindi mo naman ginusto 'yun. So, bakit idinamay ka pa niya?"
"Naaalala po siguro niya ang nangyari sa kanya dati," muli ay pagtatanggol niya. Hindi niya magawang magalit sa lalaki kahit pa masakit ang kinauwian ng relasyon nila. "Intindihin na lang natin siya."
"Napakabuti ng puso mo, Gem. Sana 'yun man lang maisip niya at magising siya sa ginawa niya sa'yo." Malungkot pa niyang tinitigan si Gemma bago ibaling ang tingin sa mga pictures na nasa table nito. "Kumukuha ka pa rin ng pictures ng stars?"
BINABASA MO ANG
HE'S MY GIRL!
Ficção AdolescenteSi Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi tuluy...