Kelan, tayo, Nasan tayo?

25 1 0
                                    

Naglalakad tayo sa mundo ng walang kasiguraduhan, minsan may nadadapa sa kahirapan, o minsan may nakakatalon sa karangyaan, pero nakita na ba natin ang sinasabing pirmihang kasiyahan? yung para bang wala na tayo kailangan pang tingnan? o yung tipong may lagi kang nasasandalan? Mailap ito kung minsan, o kung minsan ay napapadaan lang. para bang piso sa karagatan? o para batang paru-paro sa walang hanggan?

Maraming tanong sa ating isipan na hindi masagot ng kung sino man. o kahit siyensya ay hindi alam, ang tunay na kahulugan ng pirmihang kasiyahan. Makikita ba to sa pitaka ng congressman? o sa aparador ni lola basyang? di natin alam, kung ano ba talaga itong pirmihang kasiyahan.

pero isa ang aking nasa isipan, pirmihang kasiyahan ay nandito lang. tumingin ka sa paligid mo at makuntento. Ang hinahanap na kasiyahan ay katabi mo lang. Kasiyahang makuntento sa kung anong ibinahagi sayo, kasiyahang mahalin ang nagmamahal sa'yo. Di naman pala natin kailangang laliman ang kahulugan ng primihang kasiyahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kelan, tayo, Nasan tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon