New phone. New life. New lovelife? Haha

0 0 0
                                    

Matagal din bago ako nakaget over sa nawala kong phone. Pero ayun, eventually, natanggap ko na din. At may bago naman akong phone, pinaglumaan nga lang. 8850 ata un? Ung maliit na white ung ilaw. :)

Anyways, ayun, may kapitbahay kasi kami, e crush ko siya nung bata pa kami, mga grade 4 pa ata ako nun, so grade 6 siya nun. Di ko rin alam kung bakit, pero basta, haha pero wala akong balak sabihin kahit kanino. Alam ko kasing magkakilala parents namin. Nahihiya naman ako.

One day, nasa chat room ako ng isang cable channel samin at may mga nagpopost dun ng numbers nila, at ayun. May kinuha ako, taranee chat name niya. So babae siya ha! At ayun, basta magkatxt kami, friendly naman siya e. at alam ko school niya, alam niya rin sakin. Basta naging friends kami, pero nakalimutan ko na name niya. Haha ang sama ko ba?

Until one night, year 2006 ata or early 2007 un! Nabanggit niya na may friends siya, kwento kwento, tapos nabanggit niya ung pangalan nung friend niya na James. E james pangalan nung kapitbahay namin! Ayyyy. Masama to ah! Tapos tinanong ko surname, Cadiz daw! E Cadiz si James! Ohmygosshhh! Siya nga un! Plus pareho pa sila ng school. So siya na talaga un! Hahaha

Di nagtagal, ayun, hiningi ko number niya. Hahaha ni james ha! At sakto , pauwi kasi kami nun, tapos tinext ko "hi" tapos nagreply siya ng "sino to?" at bago ko pa siya replyan, nakita ko siya, sa tapat ng bahay nila, nag gigitara. E di naman niya ko kilala so go lang. Haha sabi ko "si meara" at ang reply niya "meara? Ung anak ni ate Bella?"

Owwwiiieeee. Kilala niya ko! Gasshhhh! Ayoko na. Haha :) pero ayun, nagkatxtan parin kami. Haha :)

Pero may girlfriend siya nun, si Jess. At wala lang, naging friends naman kami. Pero pag nagkikita kami, di ko siya pinapansin. Haha nahihiya parin kasi ako! Hahaha

Tapos basta Malandi siya! Haha e medyo malandi rin ako. Hahaha basta naging friends kami. Kwentuhan lagi ganun. Basta ganun.

Tapos para akong tanga na gusto kong sabihin na crush ko siya. Haha pero noooo. Hindi dapat.

Pero ayun, nagwagi ang kalandian ko, haha isang Sabado, may concert Parokya sa city namin. Haha (napansin niyo? Concert nanaman? Haha totoo to ah! Sweaaar!!) tapos magkatext kami bago magstart, biglang naopen ung topic na crush crush. E siya nga cruah ko di ba? Basta sabi ko kasi sakanya, may crush ako nun, pero crush ko siya nung kalbo pa siya. Haha sabi niya, "Sino? Si Almer?" si Almer, pinsan niya un. Pero hindi un ung crush ko. Haha siya nga kasi di ba? Siya! Hahaha pero wala na di na kami nagkatxtan kasi baka nagumpisa na ung concert, so nag good night nalang ako.

Pagkagising ko, May text akong natanggap galing sakanya, haha sabi niya

From: james

Meara, sorry, nacarried away na ko sa concert kagabi, kaya di na ko nakatxt. Oo nga pala, sino na ung crush mo?

Kinilig naman ako. Kahit na wala naman nakakakilig! Haha bakit ba! E crush ko siya e. hahaha

At dahil desidido na ako na sasabihin ko na sakanyang crush ko siya, ayun. Sinabi ko na na siya! Hahaha :)

Pero, bigla akong nahiya. Kaya nagtxt ulit ako sakanya.

To: james

Kuya, sorry! Nahihiya na ako. Sige, di na kita tetextan! Huhu bye.

Aaattt nagulantang ako, as in napabangon ako sa higaan ko at napalabas sa kwarto ko nung nagring ang cellphone ko at pagkatingin ko.

Calling...

James

Waaaaaaahhhhhhh!!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

New phone. New life. New lovelife? HahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon