"And during those nights when we didn't know if you'd live or die, I went from being angry, to worried to frustrated to scared all within a single heartbeat." – Scent of Magic, Maria V Snyder
ANGELA
3 MONTHS after the incident
"Angela, are you ready na, Hija?" Doon natapos ang mga pagmumuni-muni ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nitong nakaraang buwan.I was betrayed by someone I trusted so much. Hindi ko lubos maintindiham kung bakit niya iyon nagawa. Dahil sa pera ba?
Ayokong magalit ngunit sobra akong nasaktan sa ginawa ni Josef. He sold me to a group of human traffickers.
Naaalala ko pa kung paano ako nahawakan ng grupo ng kalalakihan na hindi ko man lang nakita ang mga mukha. Nakapiring ako sa buong oras na inabot ko sa kamay nila. Ramdam ko pa rin ang hawak nila at lahat ng ginawa nila sa akin. Hindi ako tuluyang nagahasa dahil ang sabi, may bumili daw sa akin at mataas ang presyo dahil birhen pa ako.
So they did everything except penetration, which didn't lessen the impact in me. Walang saysay na buo pa rin ang hymen ko dahil nababoy pa rin naman ako.
Iniisip ko na lang na mas masuwerte pa rin ako dahil hindi ako nagtagal sa kamay nila, na nailigtas ako bago ako tuluyang naipagbili.
God has plans for me. Ito ang sinasabi ko sa sarili ko habang nangyayari ang pang-momolestya nila sa akin. Siya ang kinapitan ko nang mga oras na iyon. I was praying to keep my heart strong, to see His light and wisdom while I was surviving the assault.
Hindi ako nagalit sa Diyos, ni hindi nga iyon sumagi sa isip ko. I even felt His presence in those dark hours. In my mind, I was talking to Him and I firmly believed I was being consoled.
Paano ko nasabi? Naramdaman ko. May mabining tinig na nagsasabi sa akin na may katapusan ang lahat ng ito, na kahit ganito, magiging maayos din ako.I cried for the physical pain those men inflicted on my body and for the betrayal of Josef, my friend.
Matapos kaming mailigtas ng mga pulis, hindi ako makausap ng matino. Tulala lang ako. Akala ko, kapag nailigtas na ako, tapos na rin ang bangungot. Ngunit dumikit at nanatili sa akin ang mga alaala ng mga nangyari.
Kinailangan pa akong ipasuri at ipagamot sa ospital. Kapag may nagtatanong sa akin, tahimik lamang ako. Ayokong may makaalam ng mga pinagdaanan ko. Nakakahiya kasi kaya sa Diyos ko na lang isinusumbong.
Noong mga panahong iyon, nais ko sanang makaramdam ng yakap mula sa isang mahal sa buhay. Subalit wala na si Tiyo Crisanto. Bigla na lang siyang nawala. Iniwanan lang ako ng liham na magpapagamot daw siya sa ibang bansa. Nakalakip sa liham ang isang cheke na nakapangalan sa akin. Malaki ang halaga noon at para daw sa pag-aaral ko.
May mga gabing takot akong matulog dahil baka paggising ko nakagapos na naman ako ulit at ipinagbibili. Those voices haunted me even in my waking hours. Madali din akong magulat at matakot lalo na kapag may lalaki na lumalapit sa akin– lalo na yung may mga tattoo, hindi naka-ahit at mahaba ang buhok. Mga lalaking kagaya ni Josef.
Dati, naniniwala ako na hindi dapat husgahan ang tao base sa panlabas na anyo. Hindi natin alam ang pinagdadaanan nila sa buhay. Nakilala ko si Josef nang minsan itong kumain sa pizza parlor ni Tiyo Crisanto, kung saan ako tumutulong sa araw-araw na gawain. Walang pamilya si Tiyo kaya kinupkop niya ako nang isa-isang namatay ang mga magulang ko.
Naging mabuti kaming magkaibigan ni Josef dahil mabiro siya at kahit mukhang magaspang ang ugali, taliwas iyon sa kung paano niya ako tratuhin. Masarap nga siyang kasama kasi parang takot ang mga tambay na manipol o magpalipad hangin ng mga kalaswaan. Sa tindig at porma kasi niya, mukha siyang handang makipagsuntukan kapag nabastos.
But then he sold me.
Ang huli kong alaala bago ang lahat ng nangyari ay kami ang magkasama sa pizza parlor. Nagmemerienda kami, balak kong sabihin sa kanya ang tungkol sa pag-iwan sa akin ni Tiyo at ang takot ko dahil hindi ko alam kung kaya ko bang patakbuhin ang pizza parlor mag-isa. Napainom muna ako ng lemonade at humugot ng malalim na hininga upang bumuwelo sana ngunit bigla na lang akong inantok, yung tipong may nakakahilong labanan.
I was given a Physical Therapist for my Rehabilitation Sessions. The incident gave me several traumatized and frozen muscle joints. Iyon daw ang dahilan kung bakit hindi ako makatayo at makalakad ng maayos.
Inilipat nila ako sa isang mental institution matapos kong magpagaling sa ospital. Naging maayos na ang katawan ko ngunit hindi ko pa ring magawang magsalita o makipag-usap sa iba.
Napanatag lamang ako nang makilala ko si Ma'am Elvira. Isa pala siyang doktor sa institution na iyon. Psychiatrist siya at siya ang umalalay sa akin sa buong panahon na hindi ako makausap. I thank God for her presence. She didn't give up on me. Napakabait niya sa akin.
Sadyang hindi talaga madaling maunawaan ang kalooban ng Diyos. Kahit nasaktan ako sa mga nangyari, tila naging daan naman iyon para sa malalaking grasya ng Panginoon sa akin. Isa pa, nabalitaan kong nahuli at nakakulong na ang mga miyembro ng sindikatong dumakip sa akin. Iniisip ko na lang din na ako ang ginawang daan ng Diyos upang tuluyan nang mawasak ang grupong iyon.
Tatlong buwan na rin matapos ang nangyari, ako na lang ang natitirang biktima sa institution. Wala kasi akong pamilya na. I was released when they saw progress in me.
Ma'am Elvira asked me to be her staff sa kanyang foundation. Hindi naman full-time iyon, tatlong beses sa isang linggo lang ako required pumasok and half-day lang din. She also sponsored my schooling while working with her. So may sweldo na ako, may magbabayad pa ng tuition ko.
Dahil na rin tatlong buwan na wala ako, tatlong buwan din na nakasara ang pizza parlor. Ginamit ko ang iniwang pera sa akin ni Tiyo Crisanto upang magbukas ulit at makapag-hire ng maaaring tumao at mangasiwa habang nasa school o di kaya nasa foundation ako. Hindi porket may gagastos na sa pag-aaral ko eh hindi na ako magsusumikap. Ayokong nakaasa lang sa isang tao, lalo na at may kakayahan naman akong kumita din ng pera.
"Ready na po, Ma'am. Marami pong salamat sa lahat ng mga ginawa niyo para sa akin." Ang sabi ko sa kanya.
Hindi pala dito magtatapos ang lahat. Umpisa pala ito ng mas matinding hamon sa aking katatagan.
YOU ARE READING
Haunted Angel
RomanceIt was almost a perfect plan until it became a revenge gone wrong plot twist- Mistaken identity, dirty games and wrong timing. How will Paulo save Angela from all his stupid mistakes?