Kuya

2 0 0
                                    

Tumatawag siyaaaa waaaah! Di ko alam gagawin ko. Hoho buti nalang magisa lang ako sa bahay nun, kaya okay lang nasagutin ko.

Pero nung sasagutin ko na, wala na. Missed call na. Hayay. At ayun, tumawag ulit siya, at sinagot ko na rin.

Unang beses ko siya makakausap nun! Kinikilig ako, na naeexcite na nahihiya! Haha nakakatawa! Naalala ko ung feeling. Hohoho

Anyways, ayun , matagal din kami nagusap. Haha parang normal naman. Ata?

At kinantahan niya pa ako. Ung sa Hale un e, ung matapos man ang lahat, andito parin ako. Haha di ko alam title! Hahaha

Oo! Malandi talaga siya. Nasabi ko ba sainyo na may girlfriend na siya?

Oo! May girlfriend na siya! Pero nanlalandi padin! Tskk. Mga lalaki talaga! Haha

At ayun, basta, naging close niya rin mga kaklase ko, kasi minsan pumupunta sila sa bahay tapos nakikita namin siya naggigitara sa labas ng bahay nila. Tapos ayun, minsan nagjajamming din kami. Hoho

Dahil sakanya, ginusto ko magkaroon ng gitara at matuto magplay ng gitara :)

Di maiwasan, kaya nagkagusto rin mga kaklase ko sakanya, e malandi nga siya di ba? Haha so okay lang sakanya.

Di ko alam, nagseselos na pala ako nun, pero bakit? Di naman kami. May girlfriend pa nga siya di ba?

Noong ako nalang natitirang kalandian niya, umokey lahat.

Kahit may girlfriend siya, parang m.u kami. Uh, magulong usapan? Haha pero never kong hiniling sakanya na ibreak niya girlfriend niya. Kahit sinasabi niya na, "sabihin or hilingin mo lang naman e, ibbreak ko si Jess para sayo."

Pero ayaw ko!

Una, dahil di naman ako sigurado kung sasagutin ko nga siya kung sakaling ligawan niya ako.

Pangalawa, dahil ayoko naman makasira ng relasyon ng iba dahil lang sa nararamdaman ko. Di ako selfish!

Pangatlo, kasi dapat di na kailangang hilingin un, kung mahal niya na talaga ako, magkukusa siya.

Tama di ba?

Ganun kasi ako, hanggang landian lang, or M.U. Dahil kapag totoo na, umaayaw na ko. Takot ako e. haha

Tanga ko lang ba? Hihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon