chapter 16✔️

158 7 0
                                    

Mr Wilson pov

Nasa office ako ngayon at may hawak na baso at laman ay alak. Lumagok ako at sabay may kumatok sa pinto.

Tumingin lng ako at bukas Ang pinto. Bumungad si maj na mukha nya ay kaba at takot kaya napakunot noo ako.

"Maj, may problema ba?" Tanong ko napalunok ito.

Tumayo ako at kinuha Ang baril ko at kinasa ito.

"Sir... Si Coesha po kasi-" sagot ni maj

"Ano nangyari Kay coesha?!" Sigaw ko sakanya

"A-ano po... S-sir h-hindi po namin sinasadya Ang nangyari," nauutal na Saad nito Galit na lumapit ako sakanya at sinakal ito.

Umigting panga ako

"Sabihin mo saakin kung ano?!"

"Sir sorry napatay po namin si Coesha." Saad nito pag kasabi nya ay malakas na sampal na binigay ko sakanya.

"Wala kang kwenta! Paano natin malalaman kung nasaan Ang anak ni Montefalco at mga ari-arian na tinatago ni Montefalco?! Tanga ba kayo?! Bat nyo pinatay!" Galit na sigaw ko at mahigpit na hinawakan Ang braso nito s'ya samantala S'ya a ay iyak nang iyak.

T*ngina! Ang aga pa para patayin si Coesha! Pero alam naman siguro ni Coessa kung nasaan ang mga tinatago ni Mr Montefalco.

Lintek! Nawala na Ang mga plinano ko!

Masama akong tumingin Kay maj at S'ya naman napa atras, tinutok ko sakanya Ang baril ko.

"Kung ayaw mo pang mamatay ay umalis ka na." Saad ko
Pero di pa S'ya kumikilos at nanginginig ito.

"Alis! " Sigaw ko ulit kaya Dali ito lumabas at ako naman ay nag paputok sa bandang gawi nito kaya napatili ito at nakalabas na din.

Napailing ako at nag lagay ng alak sa baso at tinungga ito at binato ko Ang baso dahil sa sobrang galit.

"Ahh! Tang***!!! Pahirapan nanaman ito! Nahirapan na nga ako maka kuha ng impormasyon sa pamilya Nila tapos mawawala na lang ng ganun-ganun lang?!" Sigaw ko

'mahahanap ko din kayo, kung patay na si Coesha edi si Coessa naman alam kong alam nya tungkol Kay montefalco.'

***

Maj pov

Hingal na hingal ako napasandal sa pinto at napahawak sa dibdib, Hindi ko parin maiwasang nanginginig.

Napatay ko si Coesha, napatay ko S'ya a na Wala naman s'ya ginagawang masama saakin?

Napasabunot ako at naiyak.

Ang tanga ko! Paano na lang malaman Nila na ako pumatay Kay coesha? Makukulong ako?

Nakaramdam ako ng guilty at awa.

Sana pala di ko na lang tinanggap Ang alok ni Mr Wilson Wala din ako nahanap na impormasyon tungkol Kay Alexander Montefalco at ang yaman nito.

Kaya lang naman tinanggap Ang alok ni Mr Wilson eh dahil gipit ako nung time na yun, paano pag ipapatay ako ni Mr Wilson?

Napailing na lamang ako at umayos ng tayo. Kung Hindi ako mag sasalita Hindi Nila malalaman kung sino pumatay Kay coesha.

Tama! Tatahimik na lang ako para di Nila malaman na ako pumatay.

Huminga ako ng malalim at napapikit. Bigla na lang sumagi sa isip ko Ang ginawa ko Kay coesha. Ugh!!! Nakokonsyensya na ako pero ayaw ko makulong...

Napailing ako at nag lakad.

'sorry coesha, Sana mapatawad mo pa ako...'

Sorry kung sobrang selfish ko ayaw ko kasi mabulok sa kulungan kaya Hindi ako mag sasalita.

***

1 week later

"Alex, please buksan mo naman Ang pinto." Saad ni mama sa labas ng kwarto ko at kumakatok ito. Ako naman nakahiga at malungkot nakayakap sa unan ko. Isang linggo na nakalipas na nalaman Kong patay na si Coesha at isang linggo na din na di ko nakikita Ang katawan nya.

Hindi ko pa nga kilala Ang mga magulang nya eh, Hindi ko man lang alam kung nasaan Ang mansion Nila kahit na nag tatanong ako sa secretary nito pero ayaw sabihin.

Hindi ako matatahimik pag di ko pa nakikita Ang katawan nya baka buhay pa s'ya, h-hindi ko alam...

Napabuntong hininga ako.

Hindi pa umaabot ng isang buwan Ang relasyon namin parang agad naman nawala si Coesha na parang bula na di ko alam.

Na mimiss ko na s'ya, na mimiss ko Yung naka kunot noo nya yung ngisi nya at pag kapilya nito.

Dati lagi ko Sya binabash kahit Saan social media account dahil naiinis ako sakanya na Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Pero habang araw araw ko nakikita mga picture nya mga video parang nanlalambot Yung puso ko na di ko maintindihan kung bakit.

Kaya mas pinili ko magalit sakanya na Wala naman s'ya ginagawang masama saakin.

Napatingin ako sa pinto dahil malakas na katok Ang naririnig Ko.

"Alex! P*ta buksan mo Ang pinto! Aba nag aalala na si mama limang araw ka nang di lumalabas sa kwarto mo!" Sigaw ni kuya kaya agad ako napa upo.

Anong ginagawa dito ni kuya? Agad ako nag ayos ng sarili at tumingin sa salamin. Malaki Ang pinayat ko dahil ilang araw din ako di kumakain.

Napailing ako at nag pa s'ya tumayo at buksan Ang pinto. Kita ko sa mukha ni mama tapos si kuya ay halatang Galit.

"Ano ba kailangan nyo? Kita nyo naman nag papahinga ako eh!" Reklamo ko, biglang hinawakan ni kuya Yung braso ko ng mahigpit kaya napadaing ako.

"Ano ba problema mo?! Ano ba pinag gagawa mo sa buhay mo Alex! Ilang araw ka na nag kukulong sa kwarto mo at di ka pa kumakain!" Inis na sigaw nito sinamaan ko ito

"Wow, parang nag bago Ang ihip ng hangin ahh naalala ko Galit ka saakin? Parang nag aalala ka pa."

"Kapatid Kita Alex! Kaya nag aalala ako! Kahit ganito ako Mahal kita kasi kapatid Kita! Alam kong madami na ako nagawang kasalanan sainyo at nag sisi na ako." Aniya. Di ko maiwasang umiyak niyakap ako ni kuya.

"Tahan na... Wag ka naman ganito Alex, nung una nag kukulong ka dahil sa ex boyfriend mo tapos nag kukulong ka ulit dahil namatay Ang pinaka mamahal mo. Wag mo naman pabayaan Yung sarili mo." Malungkot na saad nito.

"Anak wag mo na kami ipag alala, paano pag may mangyari masama sayo? Satingin mo ba magugustuhan yun ni Coesha? Diba Hindi, kaya anak naman wag mo naman ikulong Yung sarili mo sa lungkot." Saad ni mama at niyakap ako.

"Sorry ma, kuya sobra akong nasaktan kung kelan Mahal ko na S'ya saka S'ya nawala. Bakit ganun lagi na lang ako iniiwan ng mga Mahal ko? Bakit lagi ako nasasaktan?" Malungkot Kong Sabi at sabay pag patak ng aking luha.

"Anak, ganun talaga siguro Hindi kayo para sa isa't isa may magandang plano Ang diyos para sayo. Kaya wag ka na malungkot." Ngumiti ako ng pilit.

"Salamat ma, kuya."

"Kumakain na tayo alam kong gutom ka na." Saad ni kuya at inakbayan ako. Biglang tumunog Ang tiyan ko kaya nag titigan kami at tumawa.

"Gutom na gutom!" Natatawang sabi ko at sabay kaming bumaba para kumain.

***

A/n thanks for reading 😊

My number 1 Basher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon