Chapter 8

76 7 0
                                    

Kyle Pov

Nandito kaming buong GAS sa harapan. Tapos na ko magsalita at sabihin ang part ko. Medto naiilang lang ako dito kasi merong lalaking nakatingin sakin. Parang gusto niya kong hubaran sa titig niya. Di tuloy ako mapalagay sa sarili ko. Baka mamaya may dumi pala ako sa mukha nakakahiya. Narinig ko na yung huling sinabi ni ate alicia, hudyat na tapos na kami.

"Okay po that's our platforms that we want to govern in this school. Thank you po sa pakikinig niyo." Saad ko.

Nagpalakpakan naman sila. Medyo nahihiya ako kasi naririnig ko yung bulungan nila.

"Te, ang cute nung president nila no? Grabe tas sobrang talino niya pa. Myghad mine kana sakin kuya ehe~" Girl 1

"Oo nga te, ano bayan inagawan na ko. Mine ko din siya bahala ka jan hmp~" Girl 2

"Tol, ang ganda niyang lalaki no? Mas maganda pa to sa ibang babae jan eh. Kung babae to papatulan ko talaga to tol~" Boy 1

"Oo nga tol eh, ibang klase yung ganda niya. Tas matalino pa, san kapa diba?" Boy 2

Mga naririnig ko to sa kanila. Omg nahihiya na talaga ako. Pinagtitinginan ba naman nila ako. Kahit sila ate tsaka lianne, nakangiti ngayon. Mukhang alam ko na isiisip ng mga to.

"Uy, kyle may fans kana ha. Mukhang GAS padin ang next president this year." Saad ni ate alicia.

"Grabe ate, di naman siguro. Madami kayang magaling jan. Katulad nung babae sa ABM. Matalino din kaya siya. Kaya malay natin siya ang manalo." Sagot ko kay ate.

Di na lang sila nagsalita at pinagpatuloy ang pagsagot sa balota. Tapos na ko magsagot, sila na lang ang hinihintay ko.

"Okay guys, pag tapos na kayo magsagot, ilagay na dito sa box ang balota and pwede na kayo bumalik sa mga klase niyo, at sa mga pang-umaga naman, pwede na kayo umuwi." Paliwanag ni kuya gio.

Nakita ko naman na tapos na den ang mga kasama ko kaya sabay-sabay na kami naghulog ng balota. Kinakabahan ako kasi baka magkatotoo yung sinabi ni ate alicia na ako ang manalo. Oo gusto ko manalo pero syempre, iba yung kaba lalo na nasa higher level na kami.

"Kyle, dito na kami. Uwi na din kami para makakain na. Add na lang kita sa facebook, chat chat na lang tayo." Sabi ni Lianne.

"Okay, ingat kayo!" Paalam ko sa kanila.

"Balik na kami sa klase kyle, balik na rin kayo." Sabi ni ate alicia.

"Opo ate, byebye." Paalam ko kela ate alicia.

Habang pababa kami nila reese ng hagdanan ay may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Kyle!" Saad nung sumigaw. At base sa boses, mukhang lalaki to.

Ah eto yung nakatingin sakin wagas. Bat naman ako tatawagin nito? Kilala ba ko nito? Nasabi ko na lang sa sarili ko.

"H-Hello, bakit mo ko tawag?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Pwede bang magpapicture sayo?" Saad nitong lalaki

"Ha?" Gulat kong sabi dito.

Bakit naman to magpapapicture eh di naman ako gwapo at higit sa lahat lalaki ako at lalaki siya. Oo bisexual ako pero ang awkward na magpapapic sayo ang straight guy.

"A-ahh sige okay lang." Saad ko sa kanya.

At nagpicture na nga kami. Kinikilig naman eto kasama ko, parang butete eh, kilig na kilig kaloka.

"Ako pala si Khyian Hidalgo." Pagpapakilala nito sakin.

"Uhm, ako naman si Kyle Tuazon." Sagot ko sa kanya.

Di ko maalala na kasama siya dun sa harapan. Siguro pre-occupied lang ang isip ko dala ng kaba. Siguro nga.

"Kyle, pwede ba malaman fb account?" Tanong ni Khyian.

Luh, para saan? Di naman sa assuming ako pero iaadd niya ba ko at ichchat? Pero para saan? Nako ayoko talaga magassuming. Mahirap na baka maling akala pa to.

"Ah, yung name ko lang din yung fb account ko. Oh sige na khyian, alis na kami may klase pa kami eh." Sabi ko sa kanya.

Medyo naawkwardan na ko, kasi malay ko ba kung sino siya, di ko naman kasi siya kilala ng lubusan.

"Sige, bye! Study Well!" Sagot niya sakin.

Ningitian ko siya at bumababa na kami. Eto namang katabi mo kilig na kilig.

"Sis, ikaw ha. May boylet kana agad. Swerte mo naman sis yieeeeeee!" Saad ni Reese with matching tili.

"Baliw, baka gusto ko makipagkaibigan, ikaw ang dumi ng utak mo. Tara na nga pagalitan pa tayo." Saad ko sa kanya.

Khyian Pov

Ngayon alam ko na ang acc niya sa facebook, pwede na ko maka da moves sa kanya. Grabe talaga ang epekto niya sakin. Mula sa mata niyang brown, ang ganda ng mata niya sobra, tapos sa medyo chubby niyang pisngi na nakadagdag sa kacutetan niya, at ang huli sa lahat ang labi niyang mapula, ang sarap siguro halikan non. Inaadd ko na siya sa facebook bago ko pa makalimutan.

Khyian Hidalgo sent you a friend request*

************
Hello Readers! Medyo maaga ang update ko. di kasi maganda itong araw ko kaya maaga na ko nagupdate habang may mood pa. Abang abang na lang sa mga next chapter. Magkakaroon narin ang isang bida ng Pov sa next chapter kaya abangan niyo po. Yun lang po muna. Keep Safe and Godbless!!

a not your typical love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon