"Milktea tayo?" tanong ni alexa sa amin.
"Tara" sabi naman ni donna. Malapit lang naman dito ang milktea shop sa school namin kaya pwede narin mag lakad patungo doon. Habang nag lalakad kami ay tinignan ko ang bitbit ni donna sa kanyang kamay.
"Anong gagawin mo sa vest ni blake?" Tanong ko kay donna at napatingin naman siya doon.
"Lalabhan ko saka isasauli" sabi naman niya sa akin.
"Akin na ako na ang maglalaba" offer ko sa kanya at kinuha ko ang vest sa kamay ni donna at nagulat naman siya.
"Blythe ako na" sabi niya habang inaagaw niya sa akin ang vest pero hindi siya nag tagumpay.
"Donna alam mo naman galit yun sayo baka ano pang gawin ni blake sayo kapag nag kita ulit kayo kaya ako na, ayaw kung may mangyari na naman sayo" pag aalala ko sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa, hinayaan niya na lang ako.
Nakarating na kami sa sa shop at humanap ng pwesto, maraming tao ngayon dahil wala ng pasok, hapon na rin kaya uwian na ng mga ibang school.
"Cream cheese sa akin lex" sabi ko kay alexa at inabot sa kanya ang bayad.
"Sa akin okinawa thankyou!" malaking ngiting sabi ni donna kay alexa.
Umorder na si alexa at kaming dalawa ni donna ay nag hihintay, kinuha ko muna ang cp ko para mag online habang hinihintay ang milk tea ko, ganon din si donna naka tingin lamang sa kanyang cp habang ngumingit.
"Anong meron?" Tanong ko kay donna agad naman siyang napatingin sa akin.
"Ang alin?" nagtatakang tanong niya sa akin, hindi ata niya nakuha ang ibig kung sabihin.
"Ang alin ka jan! Huy bat ka naka ngiti jan sa cp mo tapos may pangiti ngit ka pa, anong meron?" sabi ko sa kanya habang sinisilip ko iyon pero tinatago niya ang kanyang cp para hindi ko makita.
"May nakita kase akong memes natatawa lang ako, ano ka ba" sabi niya sa akin. Pero feel ko hindi yun memes kasi iba yung ngiti niya kanina eh parang kinikkilig.
"Bakit iba yung ngiti mo ha? May boyfriend ka na no?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang nagulat sa sinabi ko.
"Grabe ka boyfriend agad hindi pwedeng friends muna" pang iiwas niyang sabi sa akin.
"Aha! Meron nga sino ba yan ha? Bat di mo sinasabi sa akin!" kunwaring galit ko sa kanya.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni alexa, dala niya ang milktea namin at ibinigay niya sa amin. Saka umupo sa tabi ko.
"Si donna may tinatago"
"Tungkol bayan kay derek?" sabi ulit ni alexa at agad naman akung nagulat dahil isa iyon sa mga kaibigan ni blake. "Blythe alam mo ba kanina sa library hinihingi ni derek yung number ni donna at binigay naman ni donna" agad naman akung napatingin kay donna at ayun ang gaga kilig na kilig.
So ako lang ang walang alam?Friends ko ba to sila lord!?
"What? Bakit siya?"
"Do you like him?" napaubo si donna sa sinabi ko at ako naman ay taas kilay na tumingin sa kanya.
"Oo crush ko yun eh" sabi niya sa akin kaya agad naman akong nanlumo sa sinabi niya.
E kasi naman bakit pa doon sa kaibigan ni blake e pwede naman sa iba baka sasaktan lang siya ni derek dahil mukha siyang playboy kagaya ni blake.
"Ewan ko sayo"
"Crush lng naman eh, gusto ko din siyang kilalanin" sabi ni donna.
"Dapat lang talaga, kilalanin mo muna ng maigi kung anong ugali niya kung ano ang pagkatao niya okay?" sabin naman ni alexa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Catch My Feelings For You
Teen FictionBlythe Reyes she is acting like a nerd.One little thing blythe had to do to have a great start her new school.But she is wrong because some students hate her.She is have a perfectly normal life,that's she's perfectly happy. But she makes the biggest...