CHAPTER 2.
Uwian na at nagliligpit na ako ng mga gamit ko, hindi rin makakasabay si Kyrstal dahil may importante pa daw siyang pupuntahan, kaya magisa nalang ako na maglalakad sa hallway.
Papalabas na sana ako ng pintuan nang may humarang dito at tinignan ako.
"A-anong k-kailangan m-mo?", kinakabahan kong tanong.
He smirk.
"Don't forget what I've told you earlier.", aniya.
So siya pala yun.
Umiwas ako ng tingin, hindi ko kaya na makipagtitigan sa kaniya. Nakakatunaw kasi yung mga titig niya.
Lumunok muna ako ng ilang beses.
Akmang lalagpasan na sana ko na sana siya nang hawakan ako nito sa braso at hinarap sa kaniya.
"Do you understand?", madiin niyang usal.
Hindi ako umimik at hindi siya tinignan sa mga mata. Napako ang tingin ko sa uniform niya na may nakapaskil na pangalan niya.
'Ace Montenegro'
Nagulat ako nang hinawakan nito ang aking panga pataas dahilan upang makita ko ang mga mata niyang malalamig.
"Are you listening?", may inis sa boses niya.
Napalunok ako at mabilis na lumayo sa kaniya.
"A-alis n-na ako.", mahina kong sambit.
Ngunit hinawakan ako nito sa magkabilang braso at isinandal sa white board na ikinagulat ko.
"Aren't you gonna listen to me? Or do you want me to punish Kyle.", galit nitong usal.
Bigla naman akong kinabahan.
Kyle is kind to me, he is always smiling at me at hindi ako papayag na saktan niya si Kyle. Kahit hindi ko pa masyadong ka-close si Kyle pero may tiwala naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang kabaitan.Umiling ako ng mabilis.
"Huwag please.", mahina kong pagmamakaawa.
Napangisi naman siya at inilapit ang mukha sa akin, inatras ko naman ang ulo ko hanggang sa dumikit na ito sa white board.
"Then, you should have listen to me. DON'T.YOU.EVER.DARE.LET.THE.OTHER.MEN.NEAR.YOU.OR.TOUCH.YOU.", madiin nitong saad.
Mabilis akong tumango na hindi nakatingin sa kaniya.
Para makalabas na ako ay sasakyan ko nalang siya. Nakakatakot pa naman ang awra niya. Lalo na't isa din siyang SSG Officer.
Naramdaman kong lumayo na siya sa akin kaya naglakad na ako papalabas ng classroom nang hinigit naman ako nito.
"Where are you going?", he coldly asked.
"U-uuwi n-na.", nauutal kong sagot.
I'm scared of him.
"Ihahatid na kita.", aniya.
Mabilis akong umiling at pinilit na alisin ang kamay niya, nagtagumpay naman ako.
Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag at napayuko.
"H-hindi n-na. S-susunduin n-naman ako d-dito.", kinakabahan kong usal.
"S-sige. M-mauuna na po ako.", dagdag ko.
Hindi ko na hinintay siyang sumagot at agad na tumakbo.
Nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Mas magaan pa ang loob ko kay Kyle kesa sa kaniya. Pakiramdam ko kasi para siyang pumapatay ng tao.
Habang tumatakbo ako ay hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako dahilan upang mapaupo ako.
BINABASA MO ANG
The Possessive SSG President (COMPLETED)
RomanceIsang dalaga na nagngangalang Riana Nathalie Santiago na nag-aaral sa Maxwell University. Isa lang siyang simpleng babae na nabuhay sa mundo. Sa University kung saan siya nag-aaral ay nandoon din ang isang lalakeng kinatatakutan ng mga tao. Isa din...