CHAPTER 4

4.6K 145 5
                                    

CHAPTER 4.

Third Person's POV.

Tahimik na nakaupo sa upuan si Riana habang malalim ang iniisip nito at nilalaro ang hawak niyang ballpen. Kanina pa rin siya tinitingnan ni Krystal dahil nakatunganga lang ito.

Wala rin sa likuran nila ang SSG Officers dahil may meeting silang ginawa.

Napabuntong hininga nalang si Krystal habang pinagmamasdan ang kaibigan nitong nakatulala at malalim ang iniisip.

"Huy.", kalabit niya dito.

Natauhan naman ito at napalingon sa kaniya na may pagtatanong sa mga mata.

"Anong iniisip mo? Kanina ka pa.", taas kilay niyang tanong, pero kalaunan ay ngumisi ng nakakaloko.

"Iniisip mo si Pres noh?", bulong nito habang nakangisi ng nakakaloko.

Binatukan naman siya nito kaya napanguso ito.

"Tumahimik ka nga baka may makakarinig pa sayo.", saway ni Riana sa kaniya.

Napakamot nalang ito sa ulo at nag-peace sign.

Napailing nalang si Riana at umayos ng upo.

Biglang kumalabog ang pintuan na ikinatahimik ng lahat at napatingin doon. May pumasok na isang babae na namumula sa galit, may kasama pa itong dalawang alepores.

"Who is Riana?!", galit niyang sigaw.

Dahil sa takot ng mga studyante ay unti-unti nilang tinuro ang pwesto ni Riana na may pagtataka sa mukha.

Napangisi naman ang babaeng kakapasok lang sa classroom at naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Riana.

Nagsimula naman na kabahan si Riana at hindi niya ito pinahalata, nanatili lang siyang nakaupo sa kaniyang upuan.

Nang makalapit ito ay sumunod naman ang dalawang alepores at pinalibutan siya.

"So....You are Riana Nathalie Santiago?", nakangising saad ng babae.

Tumango naman si Riana.

"Ikaw pala ang pinaguusapan ng mga studyante dito sa campus na nilalandi daw si Ace. Ang kapal naman ng mukha mo eh noh? Maganda ka nga pero ang kati mo naman at malandi! Wala ka talagang kahihiyan na noh?! Kung makadikit ka kay Ace parang sayong-sayo mo na siya!!", galit nitong sigaw.

Tumayo naman si Krystal.

"Tama na yan! Walang kasalanan si Riana. Hindi siya ang lumalapit kay Pres!", pagtatanggol ni Krystal.

Lumingon naman sa kaniya ang babae at nagcross arms.

"Really? So ibig mong sabihin si Ace mismo ang lumalapit sa malanding ito? Sinisiraan mo ba siya? Ha?! Or kaya mo sinasabi yan dahil kaibigan mo itong higad na ito?!"

Nakaramdam naman ng inis si Krystal at akmang susugurin ang babae nang hinawakan siya ng dalawang alepores.

"Ano ba?! Bitiwan niyo ako!!", galit na sigaw ni Krystal.

"Hawakan niyo yan!"

Lumingon naman ang babae kay Riana na nakatungo at tahimik lamang.

Hinablot nito ang braso ni Riana at sinampal ng pagkalakas-lakas.

*PAK*

Dahilan upang masalampak sa sahig si Riana at gulat na napahawak sa pisnge na sinampal ng babae. May nalasahan din siyang dugo sa labi niya.

Nagsitayuan naman ang mga studyante sa kanilang inuupuan at nagsitabi at pinanood sila.

"Ahh!", daing ni Riana nang bigla siya nitong sinabunutan na nanggigigil.

"MALANDI KA!! ANG KATI-KATI MO!! WALA KANG KARAPATAN NA AGAWIN SI ACE SA AKIN!! AKIN LANG SIYA!! AKIN LANG!! AT HINDING-HINDI MO SIYA MAKUKUHA SA AKIN!! MALANDI KA!! SANA MAMATAY KA NALANG!! PAPATAYIN KITA!!"







"Okay, that's all for today.", sabi ni Ace sa pagtatapos ng meeting nila.

Napahinga naman ang mga kasama niya at nagunat-unat.

"Haaayy~~grabe ang tagal matapos ng meeting natin.", pagod na sambit ni Dave.

*tok tok tok*

Napatingin naman sila sa pintuan ng opisina nila, nagtungo naman si Andrian doon at binuksan ang pintuan.

Bumungad sa kanila ang isang nerd na humihingal na kagagaling kakatakbo.

"Uy, ikaw pala Ronne. May kailangan ka?", Kyle.

"M-may n-nagkakagulo p-po.", aniya habang humihingal.

Nagtaka naman silang lahat.
Dahil matagal-tagal na rin na walang nagaganap na gulo sa campus.

"Sino naman?", Lance.

"S-si Judy. S-sinugod s-si Ms. R-riana s-sa c-classroom.", Ronne.

Kumunot naman ang nuo ni Ace at tinitigan ng maigi si Ronne.

"What did you say?", malamig nitong tanong.

"Sinugo ni Judy si Ms. Riana Nathalie Santiago.", paguulit nito.

Napatayo naman si Ace at galit ang mukha na lumabas sa opisina nila.

Napatayo din ang iba at nagkatinginan.

"Lagot.", Jane

Mabilis naman silang nagsilabasan ng opisina at sinundan si Ace, kinakabahan din sila na baka saktan ni Ace si Judy ang babaeng sumugod kay Riana.

***********

"P-please. T-tama n-na.", nahihirapan na pakiusap ni Riana.

Sumasakit na rin ang ulo nito sa kakahila ng buhok at may sugat na rin sa nuo niya dahil sa sinamahan pa ng kalmot.

"Mangaagaw ka!! Mamatay ka!!", patuloy pa rin na sigaw ni Judy habang malakas na sinasabunotan si Riana.

"Tama na yan!!", sigaw ni Krystal habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang alepores.

Nakakaramdam na rin ng pagkahilo si Riana at sa madaling oras ay mawawalan na siya ng malay.

"WHAT THE F*CK?!!!"

Natigil ang ingay at ang pagsabunot ni Judy kay Riana dahil sa malakas na sigaw.

Napalingon silang lahat sa pintuan at bumungad ang nagaapoy sa galit na si Ace.

"A-ace.", mahinang sambit ni Judy.

Unti-unti na rin lumuluwag ang pagkakahawak ni Judy sa buhok ni Riana.

Malalaki ang hakbang na lumapit dito si Ace at masamang tiningnan si Judy. Namutla naman ang dalaga at umatras.

Mabilis na binuhat ni Ace ang nanghihinang si Riana at tiningnan ng nakakapatay na tingin ang lahat. Nagulat din ang lahat sa ginawa niyang pagbuhat kay Riana.

Dumapo ang tingin niya kay Judy na namumutla.

"I'll make you pay for what you did to MY GIRL."

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon