CHAPTER 21.
"Parang ang lalim ng iniisip mo.", mahina niyang sambit sapat na marinig ko.
Abala ito sa paglalapag ng binili niyang pagkain. Tinignan ko siya ng mariin. Wala naman akong nakikita sa kaniya na parang may tinatago eh.
"Stare at me all you want. Stare at me until you get bored.", nakangiti nitong sabi.
Bumaling na ang tingin niya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
"You will look even more beautiful in my eyes when i stare at you for a long time.", sambit niya habang nakatitig pa rin sa akin.
"May iba pa ba akong kailangan na malaman tungkol sayo?", hindi ko alam kung saan ko yan napulot ang tanong.
Bigla itong naging seryoso at umiwas ng tingin. Itinuon nito ang kaniyang atensiyon sa mga pagkain na nakalapag.
Hindi ito sumagot bagkus ay nagsimula na itong kumain."Pres.", mahinang tawag ko sa kaniya.
Humarap ito sa akin at itinapat ang lumpia sa aking bibig. Kaya nagkagat nalang ako doon.
"You don't need to know me more. The important is that.....I'm with you.", aniya.
Hindi na ako sumagot at sunod-sunod na isinubo ang mga pagkain na ilalapat niya sa bibig ko.
*************
Natapos kaming kumain at akmang lalabas na ako nang magsalita siya.
"Where are you going?"
Nilingon ko siya na nakaupo pa rin sa swivel chair niya habang nakasandal at nakacross-arms.
"Lalabas na. Bahala ka diyan.", sagot ko at hindi na hinintay ang sagot niya dahil mabilis na akong nakalabas.
Bahala siya doon.
Habang naglalakad ako ay panay naman ang pagiisip ko tungkol doon. Naguguluhan na ako.
*kring kring kring*
Agad kong dinampot ang cellphone ko nang tumunog ito. Tinignan ko ang caller at si Mommy lang pala.
"Hello Mom?"
(Hello sweetie! How are you there? How was your school?)
"I'm fine here Mom. I'm also studying here well."
(Oh that's good to hear. By the way anak, my business partner askes about the marriage proposal between you and their son.)
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang salitang marriage proposal.
"What?! Mom naman. Alam mo naman na ayaw ko sa marriage-marriage na yan diba."
(But anak, matagal na rin niyang pinagiisipan ito. Ayoko naman na ma-disappoint siya kung tatanggihan ko diba. Anak please, kaibigan ko rin siya. Ayoko siyang tanggihan.)
Napapikit nalang ako ng mariin.
"Pero Mom, hindi ko nga kilala yung taong ipapakasal niyo sa akin eh."
(Makikilala mo lang naman din siya anak.)
Napabuntong hininga nalang ako.
"Okay fine. Mapilit kayo eh."
(Yyiiee!! Thank u nak! Oh siya sige may gagawin pa ako dito. Take care anak! I love you!)
"Yeah. I love you too Mom."
At natapos na ang paguusap namin ni Mom. Napaupo ako sa bench dito sa court at iniisip ang marriage proposal na iyon. Ano nang gagawin ko? Paniguradong magagalit si Pres sa akin. Teka, Oo nga pala. Naghihintay pa siya ng sagot mula sa akin.
Haaayyy!!! Ano ba yan! Buhay nga naman.
"Ano nang gagawin ko?", bulong ko.
"Kailangan ko ba ito sasabihin kay Pres? Pano kung masasaktan lang siya?"
Napayuko nalang ako at iniisip ang magiging reaction ni Pres kung sasabihin ko sa kaniya na pinagkasundo na ako sa anak ng business partner nina Mommy.
"Sorry Pres."
BINABASA MO ANG
The Possessive SSG President (COMPLETED)
RomanceIsang dalaga na nagngangalang Riana Nathalie Santiago na nag-aaral sa Maxwell University. Isa lang siyang simpleng babae na nabuhay sa mundo. Sa University kung saan siya nag-aaral ay nandoon din ang isang lalakeng kinatatakutan ng mga tao. Isa din...