ANG HULING PAALAM

12 1 0
                                    

Noong nakaarang araw, Hunyo 13, 2021. Ay muling nagkita sina Ky at Jake sa isang park. Nagtama lang ang tingin nilang dalawa, nandoon lang sila na nakatayo sa may fountain. Yung mga kaibigan ni Ky ay nanood lang sa may gilid dahil ayaw nila pabayaan ang kaibigan nila.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ky sa kanya, napatawa lamang si Jake.

"Bakit? Bawal ba akong pumunta dito?" Tanong niya rin kay Ky, gusto na ni Ky umiwas kaya binaliwala nalang niya ito at nilagpasan nalang niya to ngunit pinigilan ito ni Jake.

"Teka muna, mag-usap tayo." Hawak niya ang braso ni Ky. Base sa seryosong mukha nito, wala siyang balak na bitawan to hangga't hindi pa niya ito makausap.

"Ano pa bang pag-usapan natin Jake? Matagal na tayong tapos!" Medyo tumaas na ang boses ni Ky dahil naiinis na rin to.

"Bakit? Dahil ba to kay Emile? Haha, ang dali mo naman humanap ng iba ganon ka na ba ka land-" Hindi to natapos ni Jake ang kanyang nasabi dahil sa lakas na sampal ni Ky.

"Huwag mong damayin si Emile dito! Matagal ng walang tayo, Jake! Apat na buwan na nakalipas mula hiniwalayan kita, wala ka ng karapatan para makialam sa buhay ko." Pagtatalo ni Ky, halata na ang galit sa mukha nito. Pinipigilan lang niya itong sigawan dahil nasa park sila ngayon.

"Alam mo? Akala ko pa talagang may pag-asa pa tayong magkaayos. Ngunit wala, nakuha kana niya. Ano ba ako? Laruan na itatapon lang kapag may bago na? Tapos nung ni loadan kita, ginamit mo lang pala yon para makig video call sa kanya! Haha ako lang yung kawawa dito!" Naiiyak na si Jake, tumutulo na ang mga luha nito ngunit si Ky ay lalong nainis.

"Ah! So ako pa yung mali ngayon?! Gago ka ba?! Wala nang tayo diba?! At unang una pa lang, kung hindi mo lang akong ginagawang panakip butas ng ex mo hindi tayo aabot sa ganito Jake! Ilang beses na ako nag tiis sayo, ni minsan ay binabanggit mo pa sakin kung gaano ka sayang yung relasyon mo!" Napasigaw na rin si Ky, halos mauubos na ang paghinga niya sa pagtataas ng boses ngunit huminga lang siya ng malalim.

"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko noon! Ilang beses na akong naawa sa sarili ko dahil ang baba na ng tingin ko sa sarili ko, panay reklamo mo pa sakin na ikaw mismo hindi mo naman binabantayan yung mga mali mo! Tapos ang lakas mo pa na siniraan mo talaga ako sa fb, tangina Jake ako na yung sinaktan mo! Bakit ako pa yung mali?!" Umiiyak na rin siya, hindi dahil sa kalungkutan kundi dahil sa galit at sakit na nabigay nito ng lalaki sa kanya noon.

"Sige, ako na. Ako na ang may kasalanan ng lahat! Aaminin ko na kasalanan ko tong lahat! Naiinis kasi ako dahil ang dali mo lang mag move on sakin, grabe yung sakit nung nakita ko sa phone mo na nag vi-video call kayo. Sorry kung ganito lang ako, sorry kung hindi ko mabigay yung saya na mabigay ni Emile sayo." Napapansin niya yung mga tingin ng mga kaibigan ni Ky sa kanya kaya napatingin din siya sa kanila.

"Sige, pagtulongan niyo na ako! Total ako naman yung may mali diba? Haha, ubos na ako! Ginawa ko naman ang lahat ah pero bakit ganito?!" Sigaw niya sa kanila, pinipigilan ni Ky na sumugod ang mga kaibigan niya sa kinatayuan nila dalawa.

"Alam mo Jake?! Ambobo mo literal!" Sigaw ng kaibigan na si Kaye.

"Oo nga, ikaw naman talaga nag simula nitong lahat ba't ka feeling victim ngayon?!" Sigaw rin ni Melay.

"Bakit ako sinisisi niyo ha?! Ikaw din Jelay kung ano kasi pinagsasabi mo sa kaibigan mo kaya napaisip niyang hiwalayan ako. Tangina dapat kami ang mag-uusap tungkol don hindi ka dapat nakisalsal." Turo niya sa kaibigan ni Ky na kumakain lang ng kwek-kwek sa may upuan.

"Luh, ba't nadamay ako? Gago ka ba? Anong klase akong kaibigan kung hahayaan ko lang siyang umiyak? At tsaka nag bigay lang ako ng advice, si Ky lang naman din ang huling magdedesisyon!" Sigaw nito pabalik.

"Hoy ayusin mo nga yung bunganga mo kung ayaw mong ipapakain ko tong tae ng aso sayo pota ka!" Inis na sigaw ni Kaye, kanina pa niya ito gustong sabunotan dahil sa ugali nito.

"O sige na! Kasalanan ko na ang lahat! Sige ako na ang sasalo sa mga maling gawa." Bumalik niya ang tingin niya kay Ky. "Pero sana malaman mo Ky na mahal na mahal parin kita"

"Aba pota to! Kanina sinasabihan mong malandi ngayon sinsabi mong mahal mo pa?! Daig mo pa yung mood swings namin mga babae ah, halika ka nga rito pasapak naman kahit isa lang." Gigil na gigil na si Kaye na nahihirapan na yung mga kaibigan na pigilan to na sumugod kay Jake.

"Sige, para wala ng gulo ako nalang lalayo. Hindi na ako mangugulo sa inyong lahat. Ang aking katahimikan ang aking mapakita sa inyo kung gaano ako ka totoo sa inyo ngayon. I'm letting you go, Ky. Sana pasayahin ka ni Emile. Sana hindi ka niya pababayaan, sana mapasaya ka niya at alagaan. Sana mabigay niya ang mga bagay na hindi kong kaya mabigay sayo"

"Tumahimik ka na nga! Napaka drama mo alam mo?!" Sigaw ni Melai ngunit hindi ito pinansin ni Jake.

"Ito na ang huling natin pagkikita. Sana alam mo rin kung gaano kasakit yung pinagpalit ka lang agad. Sige, aalis na ako, ito ang aking huling paalam ko honeymylovesosweet." Nag lakad na si Jake palayo sa kanilang lahat. Nilingon niya ulit si Ky na ngayon ay nilapitan na ng mga kaibigan niya, "Ingatan mo sarili mo, maging masaya kayo okay?" Dagdag pa niya.

"Gaano ka ba katagal matapos? Kanina ka pa ah, paalam na daw pero laging binabalik ang tingin niya dito. Parang tanga amp" Iritang sabi ni Kaye.

Simula non ay hindi na nagpakita o nagparamdam si Jake sa kanila, lalong lalo na kay Ky. Si Ky naman, masaya na kasama ang mga kaibigan niya at si Emile. Kapag naalala ni Ky ang nangyari ay natatawa nalang to dahil sa katangahan ng ex niya.

End.

crdts-🤍🦋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Last Goodbye | One Shot Story Where stories live. Discover now