Sandy's POV
"Ooh," sabay sabay at mahabang sabi ng mga manonood ang iba naman ay napatakip sa kanilang mga bibig. Gago ang sakit nun ha, malakas pala 'to kahit maliit. Napadaing ako sa sakit ng sipain ako sa sikmura ng aking kalaban. Magkakapasa pa ata ang tiyan ko neto. Kahit napakakapal ng armor na suot ko pakiramdam ko parang lumagpas ang paa niya dito. Hindi ko na pinatagal at umatake na rin ako at mabilis siyang sinipa ng dalawang beses sa ulo at tatlong sunod sunod sa kanyang tagiliran na hindi niya agad naiwasan. Konting bilis naman kung ayaw mong mahilo. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa kani-kanilang mga upuan. Pabor para sa akin ang makalaban ang kaharap ko ngayon dahil mas matangkad ako kesa sa kanya at madali ko siyang masisipa sa ulo niya.
Malakas kang sumipa yun ang advantage mo, pero mas matangkad at mas bilis ako kesa sayo.
Napangisi ako ng maisip ko yun at tumingin sa kanya. Mukhang naguluhan naman siya dahil sa ekspresiyon na pinakita ko sa kanya. Habang distracted siya sa kagandahan ng ngiti ko, isang mabilihis na round house at turning round house kick ang ginawa ko at sinigurong tatama ulit ito sa ulo niya. At... sapul. Natumba ako sa atakeng ginawa ko kaya nadagdagan siya ng isang puntos, pero wala akong pakialam dahil lamang ang puntos ko kaysa sa kanya. Na puno ng hiyawan at palakpakan ang court posible pa atang marinig ng mga tao na nasa open feild ng campus na ito ang ingay na nagmumula dito sa coverd court. Napangisi ako habang nakatingin at tumatayo sa kalaban ko na hilong-hilo sa atake ko sa kanya.
"Francisco! Francisco! Francisco! Franciso! Francisco! Francisco!" sabay sabay na cheer ng mga taga K.S.H.S at kasali narin ang iba pang paaralan kahit na naka upo sila sa area ng mga ibang manlalaro na kasalukuyan rin nagfofocus sa kani-kanilang mga laro. Nabuhayan lalo ako ng dugo ng marinig ang sigawan at suporta ng mga manonood sa akin. Ang sarap talaga sa pakiramdam pag ganito. Napangiti ako sa saya na aking naramdaman.
Game 3
RED vs. BLUE
13 15
Isang minuto nalang ang natitira sa laban ko ngayong araw. Dalawa o tatlong sipa lang neto sa akin malalamangan na ako. Hindi ako papayag. Mabilis akong umikot at ginamitan siya ng hook kick na sinigurado kong tatama sa ulo niya at hindi naman niya na iwasan ito. Masyado ko ata nalakasan dahil natumba siya. Napangisi ako at tinignan siya. Masyado ka pang mabagal.
Lumapit ang referee at binilangan siya. Habang nasa tatlo palang ang bilang ng referee at hindi pa tumatayo ang kalaban ko ay tumingin muna ako sa mga kaibigan ko na nasa bandang gitna na mga nasa itaas na upuan ng coverd court o basketball court na madali ko lang rin nahanap bago pa man mag-umpisa ang laro, at nakita ko silang nagpapalakpakan at nagsisigawan. Nginitian ko sila habang pinupunasan ang pawis ko sa noo gamit ang palad ko. Unti-unting nawala ang ngti ko at nakaramdam ng kirot sa puso ko ng mapansin kong wala na ang taong naka upo sa tabi ni Mel na inaasahan kong panonoorin ang boung laro ko ngayong araw.
"7, 8, 9," hindi ko nalang pinansin ang lungkot na aking naramdaman at nag focus nalang sa laro. Tumayo na ng tuluyan ang aking kalaban. "Kaya mo pa bang lumaban?" tanong ng referee sa kanya. Tumango naman siya at muling nagpatuloy ang laro.
Game 3
RED vs. BLUE
16 20
"3, 2, 1!!" Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga manonood kasali ang aking mga kaibigan na mas nangingibabaw ang mga sigawan kasabay ng pagtunog ng bell na nangangahulugang ang laro ay tapos na. Napaluhod ako sa sobrang pagod at napangiti sa sobrang saya na aking nararamdaman dahil sa pagkapanalo. Agad kong hinubad ang aking head gear at agad na tumayo at nilapitan at yinakap ang aking kalaban.
YOU ARE READING
Compete for Love
Ficção AdolescenteAndy Sophia Francisco is a Grade 10 high school student at King Sthenelus High School, a girl full of love and passion in her life, a hard-working and dedicated student-athlete. She promised herself that she will not fall in love with someone and ju...