CHAPTER 46 - New arrival
Kian's POV
Limang taon na ang nakalipas, ngunit heto pa rin ako, nagluluksa. Walang araw na hindi ko inisip si Elle.
Hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng puso't isip ko at mas lalo ko siyang minamahal sa paglipas ng panahon.
Kapag naaalala ko siya, hindi nawawala ang sakit na nararamdaman ko.
Napaka-gago ko.
I've been miserable for the past five years because of my stupid decision. Wala nga naman akong masisi kundi ang sarili ko. Ako nga naman ang kumalas.
Ako na ang namamalakad sa kompanya namin dito sa Pilipinas. Gusto akong pabalikin ng mga magulang ko sa Australia pero ayaw ko. Mas pipiliin kong manatili dito dahil nandito ang alaala naming dalawa.
I've been trying to look for Elle. Walang segundo na hindi ko siya iniisip. Sinubukan ko siyang hanapin sa Europe pero bigo ako. Marami na akong inutusan para hanapin siya. Inikot ko na ang buong Europe pero wala pa rin akong balita sa kanya. Tanging ang alaala lang niya at ang huling regalo niya ang meron ako.
Bumalik ako sa ulirat nang may kumatok sa pinto ng opisina ko kaya napaayos ako ng upo.
Ako na ang CEO sa kompanya naming 'to. Si Yan ang president, habang si Khail ay isa sa mga business managers.
Kahit ako na ang may hawak sa kompanyang ito, hindi ko ikakaila na malungkot ako. Hindi mabubuo ang buhay ko kung wala siya. Lahat naman ng mga ito ay para sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit umabot ako rito.
Pumasok na si Khail sa opisina ko at umupo sa upuang nasa harap ko.
"Kian, dude. Tanghali na. Hindi ka pa ba kakain? Nagdadiet ka ba?" Biro ni Khail.
"Gago! Diet mo mukha mo. Hindi pa ako gutom. Alis nga! Istorbo!"
"May balita ka na ba kay Elle?" Biglang tanong ni Khail. Sumeryoso ang mukha niya. Nagpatulong ako sa kanya pero hindi niya rin alam. Inutusan ko siyang tanungin si Shiloh pero takot ang gago. Ayaw daw sabihin. Pambihira!
Tiningnan ko siya saglit. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Wala." Pinagkrus ko ang aking mga braso at sumandal sa swivel chair. Pinaikot ko ang swivel chair ng marahan habang nakatingin sa kisame.
"Eh yung bago mong inutusan na maghanap kay Elle, kamusta na?" Nakita ko siyang sumandal sa kanyang kinauupuan.
"Wala pa rin."
"Paano kapag nandito na pala siya?" Napatigil ako sa pag-iikot at napatingin sa kaniya. Gago! Nakangiti pa 'tong loko. Inaasar nanaman ba ako nito?
"Edi hihingi ako ng tawad. Hihingi ako ng isa pang pagkakataon." Puno ng paninindigan kong sagot.
"Sana maayos niyo 'to. Goodluck nalang sa'yo, dude. Basta nandito lang ako para suportahan ka." Tinanguan ko siya at ngumiti ng tipid.
"Salamat. Ikaw, kailan ang kasal ninyo ni Shiloh?" Napasimangot naman siya. Sabi na nga ba eh. Binibisita niya kasi ako kapag may problema siya. "Anong problema? Nag-away ba kayong dalawa?"
Napabuntong-hininga siya. "Hindi naman kami nag-away."
"Hindi naman pala. Eh anong problema?"
"Nagluto kasi ako kaninang umaga para breakfast naming dalawa. Akala ko masarap yung niluto ko kasi marami ang kinain ni Shiloh. Yun pala, pagtikim ko, sobrang pangit ng lasa. Nakakalungkot lang kasi hindi talaga ako marunong magluto. Pero kinain pa rin ni Shiloh ang pagkain kahit hindi masarap. Yun nga lang, hindi ba yun sasakit ang tiyan niya?" Nag-aalalang ani Khail. Natawa ako sa sinabi niya. Engot talaga 'to eh kahit kailan. Akala ko naman mabigat ang problema niya.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Novela JuvenilNaniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?" Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit...