“Pupunta pala dito yung engineer na representative nila boss.” Napatingin kami sa project manager namin nang bigla siyang magsalita habang abala ang bawat isa sa amin sa kanya-kanya naming mga ginagawa sa loob ng office.
Natuloy na nga ang project dito sa Taguig at isa ako sa mga na-assign dito isang linggo pa lang ang nakalipas. Kasama ko din sila Carlo maging si Scarlet na walang ginawa kundi umirap sa akin. Nakakairita pero hindi ko na lang pinapatulan. Hindi ko akalaing makakatrabaho ko pa yan hanggang dito. Akala ko noong una ay engineer din siya pero company nurse pala siya pero paper works din ang pinapagawa sa kanya. At kung minamalas nga naman ay siya pa ang na pull out sa main office para maging site nurse dito.Hindi naman na ulit nagsalita si sir kaya nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay sa labas ng opisina. Mukhang dumating na ang representative ng company at hindi nga ako nagkamali nang buksan ni sir ang pintuan.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Von na agad pumasok at nakipag hand shake kay sir!
“Von?” Hindi makapaniwalang banggit ko sa pangalan niya at dahil maliit lang naman ang opisina ay narinig pala ako ng lahat kaya agad siyang napalingon sa akin. Si Von nga! Hindi ko alam kung anong nakain ko pero agad akong napatayo at patakbong lumapit sa kanya at dinamba siya ng yakap!
“Oh my, Von!” Nagulat ito pero agad na nakabawi at tatawa tawa naman itong gumanti ng yakap sa akin.
“Hey, beauty! I missed you!” Ngiting ngiti nitong sabi sa akin at nang magbitaw kami ay hinawakan pa ako sa magkabilang balikat ko at pinaglakbay niya ang kanyang mga mata sa mukha ko na tila hindi rin siya makapaniwalang nasa harapan niya ako. Matagal din kasi kaming hindi nagkita-kita at halos wala na din akong balita sa kanilang lahat.
Napatingin naman ako sa likuran niya nang makarinig ako ng pagtikhim at nagulat naman ako nang makita ko si Rust! Dalawang linggo ko na din siyang hindi nakikita kaya hindi na naman mapigilan ang puso ko sa pagwawala!
Napangiwi naman ako at para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang mapagtanto ang ginawa ko dahil pagka bitaw ko kay Von ay nakatingin pala silang lahat sa amin! Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko para itago ang pamumula ng pisngi ko ngayon. Hinawakan naman ako ni Von sa bewang at marahan akong hinila papunta sa gilid dahil nakabalandra pala kami sa may pintuan kaya hindi makapasok ang iba pa nilang mga kasama. At isa na nga doon si Rust na akala mo ay papatay ng tao sa talim ng tingin.
“Engr. Ronquillo, looks like you already know Engr. Ventura?” Nakangiting tanong ni project manager sa akin nang makabawi siya. Lahat ng mata ay nakatutok pa din sa amin.
“Oh yes, Engineer! Jen here is my baby.” Biro ni Von sa kanila pero halos lahat sila ay napanganga at nang mapalingon ako kay Rust ay nakatiim bagang ito. Tumawa naman bigla si Von nang halos hindi na makakurap ang mga tao sa pagkabigla.
“Just kidding! Jen is actually a good friend of mine.” Bawi naman nito sa sinabi kaya natawa din ang iba. Ang iba ay pilit na tumawa kaya hindi ko din alam kung matatawa ako sa mga itsura nila ngayon. Napangiti na lang ako dahil palabiro pa din si Von hanggang ngayon. Lalo pa siyang gumwapo ngayon. Mamang mama na sila..ni Rust. Kung madaming nagkukumahog sa kanila noon, siguradong mas madami ngayon.
“Oh akala ko totoo na! Bagay na bagay pa naman kayo, Engineer!” Tuwang tuwa namang biro ni sir kay Von.
“Naku delikado po at baka bigla na lang akong bumulagta dito.” Tumatawa pa nitong sabi kaya nahampas ko siya ng marahan sa braso niya. Nagpaalam na din ako sa kanya at bumalik na din ako sa upuan ko dahil mukhang may pag-uusapan pa sila nila PM.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomanceThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish