Chapter 01

4 0 0
                                    

CHAPTER 1

KARUGTONG NG NAUDLOT KONG PAG-IBIG

JANICE'S Point of View

🎶Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow
One step closer🎶

          Nanginginig na ako. Huminto ako sa tapat ng likod niya. Madidissappoint ba ulit ako? Handa naman ako. Pang ilang beses na eh. Pero bakit itong ngayon eh kakaiba. Iba ang tibok ng puso ko ngayon!

"Sir Gadreel!" nanginginig kong tawag. Heto na. Okay, tanggap ko kung hindi siya. Oo na, walang himala eh. Ang himala ay nasa puso ng tao.

Teka, nasa puso ng tao?

          Unti unti siyang humarap. Napapakagat labi na ako sa kaba.

          Titig na titig ako. Nakita ko na ang itsura niya. Nagtama ang mga mata namin. His eyes, his brown eyes.

It's him.

🎶I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more🎶

          Kusang tumulo na yung mga luha ko. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Siya ba talaga iyon? Wait, kumisap kisap ako. Siya nga. Hindi ako kumbinsido kaya lumapit pa ako sa kaniya at tinusok siya sa pisngi. Napangiti siya sa ginawa ko. Mas naluha pa ako. Ngiti niya yon eh.

"Lagi nalang Sir. Mahal nga sabi!" nagsalita siya at biglang nangilid ang luha sa mga mata niya. Oh my God. Sabi nila ,huwag daw banggitin ang pangalan ng panginoon sa walang kwentang bagay kaya ngayon ko lang iyon sinabi. Sobrang may kwenta ito. Oh my God, thanks God!

          Tumitig siya sa akin. Yung puso ko ngayon. Parang sasabog na.

"Mahal!" pagkasabi niya noon ay biglang tumulo na rin ang mga luha niya. Totoo na ito. Siya na talaga.

          Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya ng napaka higpit. Ganon din naman siya. Alam niyo yung yakap na pang 10years? Sobrang higpit.

          Maya maya ay bumitaw na ako. Pinunasan niya ang mga luha ko. Sobrang namiss ko siya.

"Paano?" agad kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko alam eh. Bigla nalang akong sinundo ni Azrael sa impyerno at may binigay na kasulatan!" sagot niya.

"Anong kasulatan?"

"Na hindi daw ako nararapat ikulong doon dahil, hindi daw naman ako demonyo o fallen angel. Hindi na!" sabi niya. Naguluhan ako.

"Ha? Anong hindi ka fallen angel?" nagtataka na ako. Hinawakan niya akong mabuti at tinitigan.

"Dahil Janice.....

             ....Mortal na ako!"

           Pagkasabi niya noon ay tumulong muli ang luha niya. Shete. Totoo ba ito? Tao na si Sir?

"Paano nangyari yon?" hindi ko na maexplain ang nararamdaman ko.

"Someone wished for it. At dininig yon ni Ama!" pinipilit niyang ngumiti kahit napapahikbi siya.

"Sinong nagwish?" curious kong tanong. Shete ka Janice, tanong ka ng tanong. Eh kase, naniniguro talaga ako.

"Sino pa ba ,edi ikaw!" at ginulo niya ang buhok ko. Napangiti na rin ako. So ibig sabihin kaya naging abo yung feather kase na-grant yung wish ko?

"So tao ka?" tanong ko ulit.

"Oo nga. Ayaw mo ba?"  nakangiti niyang tanong. Napapangiti na din ako. Huhu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Fallen Angel Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon