Chapter 3

20 1 0
                                    

Sunghoon pov.

Sa may 4 cuts nila napagdesisyonan na kumain. Umay naman burger ulit, dapat kanin. Kaso di naman ako pwedeng magreklamo libre na nga aarte pa ko.


"Kailan next game nyo hyung?" Tanong ni riki kay jake. Katabi ni heeseung si jake tapos sa harap ni heeseung ako, katabi ko naman si jay na katabi ni jungwon. Sa harap ni jungwon si sunoo bali tabi sila ni jake sa gitna si riki.


"Next week against ADU, kayo hoon kailan next game nyo?" Lumingon ako kay jay.


"Sa Wednesday agad! Kalaban namin NU babawi ata hehehehe." Natawa naman sya.


"Matalo sana kayo." Sabi ni heeseung, sinipa ko naman sya sa ilalim ng lamesa.


"Napakasama mo talaga! Taksil ka sa uste!" Sinamaan nya ako ng tingin. Napalakas ata yung sipa ko,  buti nga sa kanya.


Kakatapos lang namin kumain. Ngayon, kinukuha na ng waiter yung mga plato para ayusin.


"Shit!" Napatingin ako sa kanila. Pagtingin ko natapunan si riki ng softdrink sa damit nya. Nagsorry agad yung waiter.


"Ayos lang miss, pakiayos na lang nung lamesa." Sabi ni jay. Umay lagkit nyan sa katawan. Nakita ko na wala syang pamalit kaya kinuha ko sa bag ko yung isa kong spare na basketball uniform.


"Riki oh! Wala akong ibang shirt eh eto na lang muna suotin mo lagkit nyan sa katawan." Nginitian nya ako bago pumunta sa cr para magpalit.


"Wow! Bagay pala sakin to hahahaha arbor hyung!" Natawa ako sa kanya medyo malaki kasi sa kanya yung jersey pero sakto lang sa height. Konti lang kasi difference ng height namin.


"Hindi pwede baliw! Uniform ko yan ngayong season. Bigyan na lang kitang lumang jersey." Sumaya yung mukha nya nung sinabi ko yon.


"Sabi mo yan ha! asahan ko yan balik ko na lang sayo to hyung sa isang araw papalaundry ko muna." Tumango lang ako.


"Kuya... hi! Pwede po papicture?" Paglingon ko dalawang babae naka ust shirt. Inasar agad ako nila jake.


"Ahhhh oo naman, dito kila jay di kayo papapicture? Sikat din yan ateneo player." Binatukan ako ni jay kaya tumawa ako. Nagoffer na si heeseung na sya na daw mag picture kaya tumayo na ako. Pagka lapit ko natatawa sila kasi ang laki ng height difference.


"Bakit parang kapre ako sa tabi nyo, college na ba kayo?" Umiling sila kaya natawa ako. Ganon ba talaga ko katangkad?


"Senior high palang po kami kuya! Sa UST po kami nagenroll para makita ka namin maglaro sa gym. Inspiration po hehehe." Tumawa naman sila heeseung, siraulo talaga tong mga to makapal mukha ko pero may hiya din ako.


"Ahhh hehehehe kayo naman masyado nyo naman akong binobola. Ako lang to oh hahahahahaha." Maya maya nagpaalam na din sila dahil hinihintay na daw sila ng magulang nila. Mga bata nga naman oh.


Sunoo Pov.

"Hyung pleaseee promise babawi ako! Sige na accept mo na need ko lang talaga humabol sa meeting namin." THE FREAK! I'm not a runner no, he wants me to bring sunghoon's jersey in UST and for God sake it's already 6pm.


"Hyung promise ililibre na lang kita lunch tomorrow. It's just that sunghoon hyung needs that tomorrow may game sila bukas remember?"  Napa roll naman ako ng eyes. Why does it has to be me?  I know na kailangan nya talaga humabol sa meeting nila.


"Okay fine! just inform him na ako ang magbibring sa kanya ngayon okay?" He smiled at me like he's messing with me.


"Okay hyung contact him na lang eto numbe-"
WHAT? THE HECK?


Palagi? Palagi.Where stories live. Discover now